Hyejn's POV
Tumingin ulit ako sa suot kong relo. Malapit ng mag-five thirty, malapit na akong umalis papunta sa trabaho. Napabuntong-hininga ako.
"Wala ka ba talagang balak, Hera?" mahinang bulong ko sa hangin. Kanina pa ako naghihintay na katukin ako ni Hera dito sa kwarto.
Ten...
Nine...
Eight...
Seven...
Six...
Five...
Four...
Three...
Napatigil ako sa pagbibilang sa isip at napabuntong-hininga na naman. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa kama at nagsimulang maglakad patungo sa pinto. Mukhang hindi ko na nga yata talaga mababago ang isip nung isang yon. Hinawakan ko ang doorknob at muling nagbilang.
Two...
One...
Times up. Binuksan ko na ang pinto at humakbang palabas. Pero nagulantang ako nang makitang may taong nakasandal sa gilid ng pinto.
"What the hell, Hera?!" sabi ko at napahawak sa dibdib. "Nakakagulat ka. Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong ko.
"A-ahh" nautal pa ito. Tiningnan ko syang mabuti. Pansin kong kinakabahan ito dahil nanginginig ang kamay nya.
"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko sa kanya. Nag-iwas muna sya ng tingin bago tumango. "Bakit hindi ka kumatok? Kinakabahan ka ba?" may ngising sabi ko na.
"A-ate!" naiinis na sabi nya sakin.
"What?" natatawang sabi ko. "Bakit ka nakatayo lang dan? Ang sabi ko ay kumatok ka" sabi ko pa.
"Psh" nag-iwas ulit sya ng tingin.
"Okay, I see" tatango-tangong sabi ko. "Oo nga naman, nahihiya ka" nang-aasar ang tonong sabi ko.
"H-hindi ah!" agad na sabi nya.
"Oh?!" gulat kunwaring sabi ko. "Sige nga, sabihin mo sakin ngayon kung bakit ka nakatayo dan?" panghahamon ko sa kanya.
"Hindi pa ba obvious, ate?" tanong nya.
"Ang alin?" balik tanong ko rin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo" painosentseng sabi ko.
"Ewan ko sayo, ate! Bahala ka na nga dan" sabi nya at nagmadaling umalis. Natawa naman ako.
"I get it!" medyo may kalakasang sabi ko para marinig nya. Kinawayan nya lang ako patalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Napapailing na napangiti ako. "Akala ko ay magmamatigas ka pa. Tama ang naging desisyon mo ngayon, Hera" nasabi ko na lang sa hangin. Naglakad na ako pababa, kailangan ko pang pumunta sa site.
Nang makarating sa site ay nagtrabaho na agad kami. As usual, chinecheck ko ang mga ginagawa nila kung maayos ba at hindi binabasta. Buhay din ang nakasalalay sa ginagawa namin. Mas maayos, mas ligtas.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos namin ang gagawin ngayong araw.
"Okay, everyone. Good job, pwede na kayong magpahinga" sabi ni Rafa sa amin. Nilapitan nya naman ako pagkatapos.
"Hey" bati ko sa kanya.
"Ang bilis ng paggawa ah, everyday may improvement. Nakakatuwa talaga" sabi nya. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
