Chapter 20

144 5 0
                                    

Hyejin's POV

Isang linggo na mula nung magsimula na ulit ang klase. Nakausap na rin namin nila ate Cayenn si Lei. Nagulat kami nung sinabi nyang hindi nya sinasadyang maisuko ang perlas ng sinilangan dahil may nangyari sa kanya nung nalasing sya. Naaalala ko pa kung paanong nagalit si ate Cayenn pero kumalma rin matapos sabihin ni Lei na babae ang nakauna sa kanya. At ang mas ikinagulat namin ay nung sinabi nyang si Devon ang taong yon at sila na. Hanep.

Napapadalas na rin ang pagsabay samin ni Devon dahil hindi mapaghiwalay yung dalawa. Kung noon ay nagbabangayan agad sila mabangga lang ang isa't isa, ngayon naman ay magkatinginan lang parang mga baliw na nagngingitian. Si Hera naman ay hindi namin masyadong nakakasama dahil busy sa preparation ng moving up nila. Panatag naman akong hindi magpapalipas ng gutom yon dahil kasama nya si Adrienne. Ang dalawang yon, minsan nga lang namin makasama ay puro harutan pa. Hustisya!

"Baby, 'wag ka sabing malikot" napairap ako nang marinig ang sinabi ni Lei.

"Ehhh, mamaya mo na kasi ituloy yan. Ako muna atupagin mo" sabi naman ni Devon.

"Seriously guys? Sa harap pa talaga namin?" tanong ko sa kanila. Tumawa naman si Mayu.

"Ang landi nyo hahaha. Nabi-bitter na si Jin oh. Tapos tingnan nyo yang tatlo parang nagbabalak ng mag-girlfriend." sabi ni Mayu. Napairap naman ako at tumingin sa boys. Parang inggit na inggit nga ang mga ito kaya napailing ako.

"Mukhang kailangan ko nang ligawan si Kendall ah." sabi ni Clint.

"Wala kang pag-asa don" sabi ni Lei.

"Ikaw nga, naging kayo ni Devon eh ang panget mo. Ako pa kaya na napakagwapo, hindi sagutin ni Kendall my loves." sabi ni Clint. Binato lang sya ng tissue ni Lei.

"Kailangan ko na rin atang maghanap ng girlfriend. Napag-iiwanan na tayo." sabi ni Marion at tumingin kay Timothy.

"May girlfriend ako" kibit-balikat na sabi ni Timothy.

"What?!" gulat at sabay-sabay naming tanong.

"Kailan pa? Bakit 'di ka nagsasabi?" tanong ni Clint sa kakambal.

"Kahapon lang, ipapakilala ko sana sya sa inyo ngayon kaya lang nagkaroon ng emergency." sagot nya.

"Hanep ka twin" umiiling na sabi ni Clint. "Basta ipakilala mo sya samin tapos dalhin mo sa bahay. Ipakilala mo rin kina mom, magtatampo yon" sabi pa nya.

"I know, later" sagot naman nito.

"Eh ikaw, Jin?" baling sakin ni Marion. "Napapadalas na ang pagsama mo kay Zeyn ah. Balita?" sabi nya pa.

"Anong balita?" tanong ko.

"Nililigawan ka ba nya o nililigawan mo sya?" tanong ulit nya.

"Nah, magkaibigan lang kami non." sagot ko.

"Laging yan ang sinasabi mo pero iba ang nakikita namin." sabi ni Lei.

"Yup! Nung victory party nakita ko kayong magkayap na sumasayaw." sabi ni Mayu.

"What?! Bakit hindi ko alam yon?" gulat na tanong ni Lei.

"Bigla ka kasing umalis nung nakita mong hinalikan ni Devon sa pisngi yung pinsan nya." nakangising sabi ko. Napatingin naman si Devon sa kanya.

"Don't tell me kaya ka naglasing non ay dahil nagselos ka?" tanong ni Devon kay Lei.

"Oo, hindi ko na ide-deny. Girlfriend naman na kita" sagot pa ni Lei sa nobya. Napangiti naman ang isa at ninakawan ito ng halik sa labi. Hanep talaga. "Pero bakit nga kayo magkayakap?" baling ulit sakin ni Lei.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon