Hyejin's POV
Ngayon ang araw ng moving up ni Hera at graduation ni ate Cayenn. Kanina pa pabalik-balik ang mga tao dito sa mansyon.
"Guys, nasaan na yung sapatos ni Hera?" tanong ni Lei. Walang sumagot sa kanya. "Hey, male-late na tayo, ano ba?!" sigaw nya.
"Baby, relax. Si Hera yung magmo-moving up pero ikaw ang aligaga" sabi ni Devon at niyakap pa ang nobya. Isinama sya ni Lei. Ang totoo nyan ay sinama ko rin si Zeyn.
"Nakita ko na!" biglang sigaw ni Mayu. Nakaangat ang kamay nyang may hawak sa sapatos ni Hera.
"Let's go na" sabi ni mommy pagkatapos maisuot ni Hera.
Sumakay na kami ng van pagkalabas ng mansyon. Ang magkakasama ay kami nina Mom, Hera, Lolo, Lei, Devon, Mayu, at Zeyn. Kami ang a-attend ng moving up ni Hera. Habang sa graduation ni ate Cayenn ay ang parents nya, si Lola, Marion, yung kambal kasama ang girlfriend at nililigawan nila. Tapos si ate Drea rin na sa shool na dederetso dahil susurpresahin si ate Cayenn.
Nang makarating kami sa H ay andami ng tao. Aligaga ang iba at panay ang check sa mga anak nila. Naalala ko tuloy nung nag-moving up ako. Ganitong ganito yung pakiramdam. Natawa ako. Pakiramdam ko ay ako ang ga-graduate.
"Hera, maupo ka na sa pwesto mo. Kami naman ay uupo na rin sa kabila" sabi ni mom kay Hera. Tumango naman ito at umupo sa pwesto nya. Hindi nya katabi si Aydi dahil alphabetical. Pero nakita kong kumaway sila sa isa't isa.
Nang makaupo ay dumating na rin ang dean kasama si tito lolo at ang mga teachers. "Goodmorning everyone, before we start the program. I want to congratulate all of you. To the students who succeed and pass their junior high school. And to their parents who supported them. Congratulations" panimula nya. Nagpalakpakan naman ang lahat. Lumapit si tito lolo sa dean at may ibinulong. Tumingin naman ito sa gawi namin at ngumiti. "May I call on Senior Marshall? Samahan nyo raw po kami dito sa stage sabi ng bestfriend nyo." sabi ng dean. Napalingon naman kami kay lolo. Iiling-iling ito ngunit nakangiti. Tumayo na sya at nagtungo sa stage. Kumaway pa sya sa mga estudyante na pinalakpakan naman sya.
"Goodmorning everyone, Congratulations to all of you" sabi ni lolo sa mic nang makaakyat. Lumapit sya kay tito lolo pagkatapos.
"Okay, para sa panimula ng program. Tumayo tayong lahat at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. Sabay-sabay nating awitin ang pambansang awit." sabi ng dean. Sinunod naman namin sya at nagsimula ng umawit. Nang matapos ay nagdasal din muna ang lahat bago muling naupo.
Nagsimula na ang ceremony, nakaupo ang teachers sa mga nakahilerang upuan sa stage. Binabati nila ang mga estudyanteng umaakyat at ginagawaran ng diploma. Si lolo ang nagsusuot ng medalya sa mga may parangal at si tito lolo ang nag-aabot ng diploma. Ang dean naman ang bumabanggit sa mga pangalan nito.
"Herazin Guevarra" tawag ng dean. Nagpalakpakan naman kami at nakangiting pinanood na umakyat ng stage si Hera kasama si mom. Hindi ko namalayang umalis sya sa tabi ko. Proud na sinalubong sila ni lolo, sinabitan nya ito ng medalya. Kasama kasi sa honors si Hera. Pagkatapos ay inabot naman ni tito lolo ang diploma. Nakipagkamay sila at kinuhanan ng pictures. Bumalik na si Hera sa pwesto nya at ganun din si mom.
"Grabe, nakaka-proud si Hera" sabi ni Lei.
"Sobra" sabi ko naman.
"Nagmana ata sakin ang mga anak ko" mayabang na sabi ni mom kaya natawa kami.
Matapos ang ceremony ay nanatili muna kami dito sa school dahil nakikipag-usap pa si lolo.
"Hindi mo sinabi saking isa ka palang Guevarra" nakasimangot na sabi sakin ni Zeyn. Natawa naman ako sa kanya.
