Hyejin's POV
Maaga akong gumising dahil ayokong malate sa first day of school. Napabuntong hininga pa ako nang maalala ang nangyari kagabi.
Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko. Nang tingnan ko ang oras ay alas dose na ng hating gabi. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si lolo na nakangiti sakin. May hawak itong susi at itinapat sa mukha ko. Sinama nya ako pababa at dinala sa garahe ng mansyon. Itim na itim na bagong kotse ang naroon. Hindi sya yung mamahaling model, kumbaga ay isang normal na kotse lamang.
Naalala ko pa ang sinabi nya nang magreklamo ako.
"'Wag nyo pong sabihing sa akin 'to? Lolo naman, scholar ako tapos may kotse?" nakasimangot na sabi ko.
"Hindi naman mamahalin ang kotse na yan, apo. Hindi rin maiisip ng mga yon na mayaman ka. Isa pa, wala naman sigurong magiging pakialam sayo ang mga yon. Ayoko lang na mahirapan kang mag-commute papasok sa school at sa trabaho." paliwanag nya pa.
Wala akong nagawa kundi tanggapin iyon dahil alam kong mamimilit lang si lolo. Ayos na rin siguro yon para 'di ako mahirapan kapag papasok na 'ko sa trabaho. May kalayuan kasi ang kompanya ni lolo.
Matapos maligo ay nagbihis na ako ng uniporme. Hindi ko muna sinuot ang coat dahil baka pagpawisan agad ako. Kinuha ko muna ang bag ko pati na ang wallet at phone bago lumabas ng kwarto. Pinatong ko muna ang bag at ang coat ko sa sofa bago nagtungo sa kusina para mag-almusal. Nadatnan ko si lola at Lei na nag-uusap sa hapag habang kumakain.
"Hey, couz" kumaway pa si Lei nang makita ako. "Goodmorning" bati nya pa.
"Yeah, morning" balik na bati ko bago lumapit kay lola at humalik sa pisngi nya. "Goodmorning, la" bati ko sa kanya.
"Goodmorning din, apo. Halika't maupo ka na at kumain." aya pa nya sakin.
"Si lolo po?" tanong ko.
"Maagang pumunta sa kompanya. May aasikasuhin pa raw sya." paliwanag nya naman.
Nagkibit-balikat na lang ako. "Ikaw, bakit ang aga eh nandito ka na? May pasok diba?" baling ko kay Lei.
"Sabay tayong papasok eh." sagot nya. "Ngayon lang kasi tayo nagkapareho ng school na papasukan." excited na sabi nya pa.
"Ayokong kasabay ka" pang-aasar ko.
"Lola oh! Lagi na lang akong inaasar ni Jin. Kahit mas matanda ako sa kanya, napaka-bully." pagsusumbong nya pa kay lola. Binelatan ko lang sya at nakita yon ni lola kaya tinawanan nya kami.
"Hindi na kayo nagbago. Parang aso't pusa pa rin kayong dalawa." umiiling na sabi nya. Natawa na lang din kami ni Lei dahil alam naming totoo ang sinabi nya.
Nang matapos kumain ay nagsipilyo lang kami ni Lei bago umalis. "Hey, sakay ka sa kotse ko ah. Sabay tayo!" sabi nya pa habang papalapit sa kotse nya.
"Nah" sabi ko kaya napatingin sya sakin habang nakataas ang isang kilay. "May sasakyan ako, kagabi lang binigay ni lolo."
"Ow, okay" kibit-balikat na sabi nya. "Pero sabay pa rin tayo. Susunod ako sa kotse mo." sabi nya pa. Tinanguan ko lang sya dahil kahit naman humindi ako ay gagawin nya pa rin yon. Sumakay na kami sa kanya-kanyang sasakyan at nagmaneho paalis.
Sabay kaming bumaba ng sasakyan nang makarating na sa parking lot ng school. Inakbayan nya agad ako nang makalapit sya sakin.
"Tara na, nandoon na raw sila Marion. Hindi pa nila alam na dito ka na rin papasok kaya magugulat ang mga yon." sabi nya pa at hinila ako papunta sa field. Ilang sandali pa ay naaninag ko na ang mga ito. Nakaupo si Mayu at Clint sa bench habang nakatayo sa harap nila si Timothy at Marion.
