Chapter 16

156 6 0
                                    

Hyejin's POV

"Kinakabahan ako" kabadong sabi ni Jae. Kanina pa sya hindi mapakali at paulit-ulit na pinagkikiskis ang dalawang palad.

"Kumalma ka nga dan, para kang natatae." nakataas ang isang kilay na sabi ko. Nandito kami ngayon sa airport, ngayon ang balik ni Iris.

"Shit! Ayan na sya" sabi nya. Tiningnan ko naman ang tinitingnan nya. Nakita ko si Iris kasama ang mga katrabaho nya na palabas na. "Okay lang ba itsura ko? Magulo ba buhok ko? May dumi ba ako sa mukha? Ano?" sunod-sunod at tarantang tanong nya. Nakamaang lang ako sa kanya at napapailing sa kabaliwan nya. Humarap ulit ako sa gawi nila Iris, nakalabas na sila ng tuluyan.

"Sige mauna na ako, yan na ang sundo ko." sabi ng isang katrabaho nya. Kinawayan naman nila ito.

"Iseng!" kuha ko sa atensyon nya. Napatingin naman sakin ang mga katrabaho nya.

"Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag naririnig kong tinatawag ka nyang Iseng" naiiling na sabi ni kuya Piolo, katrabaho nya. "Hi, Jin" bati nya sakin. Kumaway ako sa kanya at bumati pabalik. Kilala ako ng mga yan.

Lumapit samin si Iris at yumakap sakin. "Na-miss kita" sabi nya. Ngumiti naman ako.

"Oh sya, mauna na rin kami, Ris. Nandan na rin mga sundo namin" sabi ni kuya Piolo at nagpaalam na sila kasama ang iba pa.

"Hoy! Natuod ka na dan" pagsiko ko kay Jae sa tagiliran. Kanina pa sya tulala kay Iris.

"H-huh?" wala sa sariling napatingin sya sakin. Tinaasan ko lang sya ng isang kilay at sumensyas na magsalita sya. "A-ah, hey" baling nya kay Iris.

"Hey to you too. Wala ba akong yakap dan?" tanong ni Iris kay Jae. Napakaganda ng pagkakangiti niya.

"Y-yakap?" nauutal na sabi ni Jae. Sumulyap pa sya sakin kaya pinanlakihan ko sya ng mata. "M-meron syempre" sabi nya at niyakap si Iris. Masyado 'tong napaghahalataan. Agad din naman silang nagbitaw.

"Let's go?" aya ko sa kanila.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Iris nang makasakay kami sa kotse ko.

"Kain muna tayong lunch. May alam akong bagong resto malapit dito." sagot ko na sinang-ayunan naman nila.

Nang makarating ay bumaba na kami. Pumasok kami sa loob at humanap ng magandang pwesto. Sinenyasan ko ang waiter nang makaupo na kami. "Anong sa inyo?" tanong ko nang maiabot samin ng waiter ang menu.

"Gusto kong i-try 'tong beef tenderloin nila. Namiss ko ang karne, puro seafoods ang kinain namin sa Palawan." natatawang sagot ni Iris. Natawa rin ako at tumingin kay Jae.

"Pasta ang akin" sabi naman ni Jae.

"Okay" sabi ko. "Steak ang sakin and pati na rin mushroom soup." baling ko sa waiter. Tumango naman ito at nagpaalam samin.

"Kumusta ang Palawan?" tanong ko kay Iris.

"Ayun, Palawan pa rin" natatawang sagot nya. Napailing na lang ako. "But seriously, hindi pa rin kumukupas ang ganda nito. Sa totoo lang ay mabilis naming natapos ang story dahil inspiring talaga ang ambiance doon." dagdag pa nya. Napatango-tango naman ako dahil totoo ang sinabi nya. "Ikaw, kumusta?" tanong nya sakin.

"Same old, pero medyo mas naging busy nga lang." sagot ko naman.

"Kaya pala hindi ka na nakakatawag sakin. Buti pa 'tong si Jaelyn nakakaalala." sabi nya. Napataas naman ang kilay ko at tumingin kay Jae. She mouthed 'what', malisyosang nakatingin pa rin ako sa kanya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon