Hyejin's POV
Nagtatampisaw na sa beach yung mga boys maliban kay Clint na nakikipaglaro kina Aliz. Pinapanood ko nga silang maglaro ng beach volleyball. Puro dayaan lang naman ang ginagawa ng mga baliw.
"Oy! Ano yan?! Walang dayaan" reklamo ni Clint. Outside kasi yung tira ni Aliz pero inside daw sabi ng taga tingin na si Lei. Malapit kasi sa line kaya hindi halata. Ginulo pa nga nya yung buhangin na tinamaan ng bola para 'di makita nila Clint. Madaya talaga, biased pa. Napailing na lang ako.
"Hey" napatingin ako sa tumabi sakin at nag-abot ng juice.
"Thanks" sabi ko at tinanggap ang binigay nya.
"Welcome" nakangiting sabi naman nya. Nginitian ko rin sya at uminom bago sumandal sa balikat nya.
Iginala ko ang paningin at nakita si ate Cayenn at ate Drea na magkatabi sa 'di kalayuan, pero hindi naman nag-iimikan. Ilang beses iniwasan ni ate Cayenn kahapon si ate Drea. Pero mukhang nakapag-usap na rin sila kahapon dahil nagtatabi na ulit sila.
"Oy, ilag!" sigaw ni Clint nang tumalsik ang bola papunta sa gawi nila ate Cayenn. Pero dahil mukhang lutang yung dalawa ay hindi nila narinig.
"Ouch!" daing ni ate Cayenn. Dahil hindi nya nga narinig ay hindi rin sya nakailag. Sa kanya kasi tumama ang bola. "Sino nagbato non?!" masama ang tingin nya sa mga naglalaro.
"Si Clint" sagot ni Aliz. Dahilan para tingnan ni ate Cayenn ng masama ang kapatid.
"Hoy! Hindi ko binato! Pinalo ko lang tapos hindi nyo naman nasalo." defensive na sabi naman ni Clint. Pero nanatiling masama ang tingin sa kanya ni ate Cayenn. "H-hindi ko sinadya yon, ate" sabi pa ni Clint. Napaatras pa sya ng biglang naglakad palapit sa kanya si ate Cayenn.
"Run" sabi ni ate Cayenn at nanakbo papunta kay Clint. Agad ding nanakbo palayo ang isa kaya ang ending, naghabulan sila.
"Arayyy!" napatingin kami sa kanila nang sumigaw si Clint. Natawa kami nang makitang nakadapa sya sa buhanginan at nakaupo sa likod nya si ate Cayenn. "Tama na, ate! Ayoko na!" reklamo nya pa dahil pinagpipingot sya ni ate Cayenn.
"Buti nga sayo" pang-aasar ni Aliz nang makalapit na ulit si Clint.
Nakanguso naman syang sinamaan ng tingin ni Clint. "Ang brutal talaga non" nakasimangot na sabi nya pa. "Kaya single pa rin hanggang ngayon eh" dagdag nya pa.
"Ahh, single pala huh" tatango-tangong sabi ni Lei. "Ate Cayenn, sabi ni Clint kaya ka raw single hanggang ngayon kasi brutal ka." sigaw pa niya para marinig ni ate Cayenn na pabalik pa lang.
"Ano?" nakakatakot ang tingin ni ate Cayenn sa kapatid. "Brutal ako?" tanong nya pa at dahan-dahang lumapit. Napangiwi naman si Clint at nanakbo na palayo.
"Joke lang!" sigaw pa ni Clint habang nananakbo.
"Ano naman kung single ako" nakasimangot na sabi ni ate Cayenn.
"Oo nga naman noh?" sabi naman ni Lei.
"Heh! Ikaw nga 'tong nang-aasar sakin kahapon. Akala mo nakalimutan ko na yon?" sabi ni ate Cayenn at piningot din si Lei. Hindi sya makakatakas, magkatabi lang sila eh.
"Aray! Tama na, ate Cayenn, masakit!" halos mangiyak na si Lei. Tinigilan naman na sya ni ate Cayenn.
"Bagay lang sayo yan" sabi ni ate Cayenn at umalis na.
"Tama nga si Clint, ang brutal, kaya..." pabitin na sabi ni Lei.
"Kaya ano?" tanong namin.
