Hyejin's POV
Nilalaro ko ng kutsara ang ice cream na in-order ko. Naiinis ako. Sino kaya ang nagpadala ng mga litrato na yon at talaga namang napakaganda ng timing.
*Sigh*
"Hey!" napayuko ako ng may nambatok sa ulo ko. What the?! Masamang tiningnan ko ang salarin. Pero ang walangya tinawanan lang ako.
"Tsk" ungot ko.
"Anong problema? Nilalaro mo ang ice cream mo eh. Ginagawa mo lang yan 'pag may malalim kang iniisip o may problema ka." sabi nito at umupo sa upuan sa harap ko.
"Hmm, pinalayas ako" simpleng sagot ko.
"Huh?!" ang OA naman nito. "Seryoso? Pinalayas ka sa inyo? Eh mahal na mahal ka ng mommy mo." nakakunot ang noong sabi nya pa. "Teka... gasgas ba yang nasa pisngi mo? Himala! Eh ayaw na ayaw mong nadadali ang mukha mo." hindi makapaniwalang sabi pa nito.
"Hindi naman si mom ang nagpalayas sakin, si papa. Nalaman na niyang bi ako." kibit-balikat lang na sabi ko. Hindi ko na rin pinansin ang huling sinabi nya.
"Saan ka titira ngayon?" tanong nya at inagaw ang kutsara sakin at nagsimulang lantakan ang ice cream ko. Hanep.
"Ang takaw mo talaga Jaelyn" inirapan ko pa sya habang nakaturo sa kanya gamit ang hinlalaki ko.
"Hoy! Ilang beses ko bang sasabihin na mas matanda ako sayo? Makatawag ng Jaelyn 'to." sya naman ang umirap ngayon.
"Gurang ka na nga pala" sinamaan naman nya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Mas matanda kasi sya sakin ng apat na taon pero isip bata pa rin. Nineteen years old ako at twenty three naman sya. "Sa totoo lang hindi ko alam. Kaunti lang ang naipon ko at ilalaan ko pa yon sa pag-aaral ko. Second year college na 'ko sa pasukan." napapabuntong-hiningang sabi ko.
"Hmm" tumango-tango pa ito at sinaid ang ice cream sa cup. Pambihira. "Bakit 'di ka humingi ng tulong sa lolo mo? Dun sa dad ng mom mo." nagpupunas ng labing sabi niya.
"Naisip ko rin yan. Pero kasi alam mo namang ayokong umaasa sa parents ko o kahit sa grandparents ko." sabi ko pa.
Mayaman ang parents ni mom. Pero dahil kay papa ay hindi nya tinanggap ang mana nya mula sa mga ito. Galit si papa sa mayayaman dahil sa nangyari sa kanya noong bata pa lamang sya. Nagmula kasi sya sa mahirap na pamilya at nasaksihan nya kung paano inalipusta ng mayamang mag-asawa ang mga magulang nya na trabahador ng mga ito. At dahil doon ay hindi na kinaya ng mga magulang ni papa at ikinamatay nila. Lubos-lubos ang galit ni papa, halos isumpa nya ang mayamang mag-asawa. Kaya lang isang araw ay nakilala nya si mom at na-inlove siya rito. At dahil alam ni mom na ayaw ni papa sa mayayaman ay tinalikuran nya ang dating marangyang buhay at sumama kay papa. Nagsikap si papa na makatapos ng pag-aaral kaya nagkaroon siya ng maayos na trabaho. At paglaon ay nakapagpatayo ng sariling kompanya, kaya naman may kaya kami kahit papaano. Yun nga lang nalayo talaga kami sa grandparents ko. Well, yun ang alam ni papa. Dahil lingid sa kaalaman nya na nakakausap ko pa rin ang mga ito.
"Sa tingin mo ba ay walang gagawin ang lolo mo kapag nalaman nyang pinalayas ka sa inyo." iiling-iling na sabi nya.
"Isa rin yan sa pinoproblema ko." napabuntong-hininga na naman ako. Tumingin ako sa kanya at ngumuso. "Jaeee~" pinagtaasan ako nito ng isang kilay. "Patira sa bahay mo" pagpapa-cute ko pa rito.
"Ayoko nga! Ano ka ba, ang liit-liit ng bahay ko tapos sakin ka titira." maarteng sabi nya naman.
"Damot! Edi kay Iris na lang. Tutal ayaw mo naman eh." kunwaring nagtatampong sabi ko. Nilabas ko pa ang phone ko at akmang tatawagan ito.
