Hyejin's POV
Medyo nagpalate ako ng pasok ngayon dahil sports fest naman. Pinauna ko nang pumasok sila Clint at pinasabay si Hera. Pero pinaiwan ko si Lei dahil may kailangan pa kaming pag-usapan.
"Care to explain kung bakit ka nagkakaganyan nitong mga nakaraan?" tanong ko kay Lei habang nakaupo sya sa kama ko.
"Wala nga kasi. Trip ko lang i-try na baguhin yung sarili ko." sabi nya at tumayo. "Pasok na tayo" pinigilan ko sya nang akmang lalabas na sya ng kwarto.
"No, stay there" sabi ko pa at tinulak sya paupo sa kama. "Hindi tayo papasok hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo" umiiling na sabi ko pa sa kanya. Sumusukong napabuntong hininga naman sya.
"Fine" sabi nya at tumingin sakin. "Ayaw ko mang aminin pero nakaramdam ako ng selos nung makita ko si Devon na may kasamang iba. Lalo na nung tinanong sya ni Mayu kung nagde-date sila at um-oo sya." huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy. "I know that there's something wrong sa naramdaman ko nung mga oras na yon. Pumasok sa isip ko lahat ng sinabi nyo ni Mayu. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naisipang umalis nung oras na yon. So, I did." sabi nya pa.
"Then?" sabi ko naman. Gusto kong ikwento nya ng buo at may gusto rin akong marinig mula sa kanya.
"Then, realization hit me. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na wala lang yon. Pinilit kong paniwalain ang sarili ko, pati na rin kayo. Pero ayaw ko mang tanggapin ay wala na kong magagawa dahil..." pambibitin nya.
"Dahil ano?" pilit kong pinipigilan ang ngiti ko.
"Dahil imposible nang mapigilan ko pang lumalim 'tong naramdaman ko." nakayukong sabi nya. Tuluyan na akong napangiti.
"So, anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya kahit pa nakuha ko na ang gusto nyang iparating. Gusto ko lang marinig mula sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman nya.
"I'm already in love with her" tiningala nya ako. Bakas sa mukha nya ang lungkot kaya natigilan ako.
"Bakit ka malungkot? Hindi ba dapat masaya ka kasi alam mo na kung ano ba talaga ang nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya.
"Yeah, alam ko na nga. Pero yun ang nakakalungkot. Alam kong mahal ko na sya pero pag-aari na sya ng iba. Nakita nyo naman, diba? Nag-date pa nga sila" mapaklang sabi nya.
"Nakakalungkot nga yan" nasabi ko na lang. Nang-aasar.
"Gago ka talaga" sinamaan nya ako ng tingin. Natawa naman ako. "Imbis na pagaanin mo ang loob ko ay lalo mo lang pinabigat" nakasimangot na tumayo ito. "Tara na, pumasok na tayo. Kanina pa ako tinatadtad ng text ni Matilda. Magbubukas na ata ang booth namin." sabi nya pa. Matilda ang pangalan ng class president nila.
"Okay, may practice rin kami eh" sabi ko. Ligtas ako ngayon sa pagse-serve sa booth namin dahil may practice ako ng basketball. Sumali ako sa basketball girls ng department namin. Suot ko na nga ang jersey short namin pero naka T-shirt pa lang ako. Mamaya na ako magpapalit ng jersey shirt para 'di agad mapawisan. May laro rin kami mamaya.
Nang makarating kami sa school ay naghiwalay na rin kami ng daan. Pumunta na sya sa booth nila at dumeretso naman ako sa court na naka-assign samin. Maraming court dito sa school, yayamanin. Nadatnan kong nagpa-practice ang teammates ko.
"Hey, late ka" nakangiting sabi sakin ni Lois. Sya ang captain namin.
"Sorry, capt. May inasikaso lang bago pumasok." sabi ko at sinalo ang bolang pinasa nya. Lumapit na ako sa kanila at nagsimula na kaming mag-practice.