Cayenn's POV
Nakabusangot ang mukhang naglalakad ako papunta sa place na sinabi ng magaling kong pinsan. Dun ko daw imi-meet ang ka-date ko. Hanep. Kung hindi lang talaga dahil sa nalaman ko kahapon edi sana hindi ako pumayag. Pero bakit nga ba 'ko pumayag? Ah ewan!
Nang makarating ako ay naupo muna ako sa may bench para maghintay. Inagahan ko ang pagpunta para hindi ma-late. At dahil mahaba pa ang oras ko ay naisipan ko munang panoorin ang mga batang naglalaro sa 'di kalayuan. Iginala ko ang paningin sa buong lugar. Para syang amusement park na open na open for public, wala naman kasing bayad ang rides. Ewan ko nga kung sino may-ari nito eh. Hindi kaya sya lugi? Marami ring booths na mabibilhan ng kung ano-ano. May mga stall din ng iba't ibang pagkain. Sinilip ko ang relong suot ko, alas nueve na. Parating na siguro yon. Napabuntong hininga ako. Marami-rami na rin ang tao ngayon kaysa kanina nung dumating ako. Naglaro muna ako sa phone ko dahil wala pa naman sya.
"Ang tagal naman non" nakakunot ang noong bulong ko. Tiningnan ko ulit ang oras sa relo ko at nakitang 9:30 na. Late na sya ng thirty minutes at isang oras na kong naghihintay dito. Ayoko ng pinaghihintay ako, urgh! Inis na sinipa sipa ko ang maliliit na bato sa paanan ko.
"Ahm hey, sorry I'm late. Medyo traffic kasi samin." napatingala ako ng may magsalita. May babaeng nakatayo sa harap ko. Pinasadahan ko sya ng tingin. Nakasuot sya ng jeans at plain white shirt, ang linis nyang tingnan. Maputi, singkit, matangos ang ilong, natural na mapula ang labi, at perpekto ang kilay. In short, maganda. Pero mas maganda ako, duh!
"Excuse me. Ako ba ang kausap mo miss?" naninigurong tanong ko.
"Ah, yeah?" patanong na sagot nya. Napakunot naman ang noo ko. "You are Cayenn, right?" tanong nya pa.
"At kung ako nga, ano naman sayo?" masungit na sabi ko. Napakamot naman sya ng batok. Napataas ang isang kilay ko dahil don.
"I'm Drea. Ikaw yung sinabi ni Jin na ka-date ko, diba?" alanganin ang ngiting tanong nya.
"What the fvck?!" napatayo pa ako matapos mapamura. Napansin ko namang napaatras sya dahil don. "You? Eh babae ka eh!" sabi ko pa. Napakunot naman ang noo nya dahil don. Ow. "Look, don't get me wrong. Hindi ako against sa same sex relationship pero jeez... I'm straight." napapapadyak pa ang paang sabi ko. "I'm sorry but I can't date you." sabi ko bago sya tinalikuran para umalis. Pero kung minamalas nga naman. Natapilok ako! "Shit!" napapikit na lang ako at hinintay na magtumba ako. Shit! Ito ba yung sasaluhin nya ako tapos may butterflies akong mararamdaman sa tiyan? I waited pero... 'di yon nangyari. Lupa ang sumalo sakin at napamulat ako dahil don.
"Ouch!" daing ko.
"Pft!" napalingon ako sa likuran ko. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nagpipigil ng tawa.
"You okay?" tanong nya at tatawa-tawang lumapit sakin. Inabot nya ang kamay para tulungan akong tumayo pero 'di ko yon tinanggap.
"No thanks, I can manage" sabi ko at tumayo na bago nagpagpag. Napangiwi pa ako ng kumirot ang pwetan ko. Argh!
"You should be careful next time" sabi ng taong hindi manlang ako sinalo.
"Psh" sabi ko na lang bago sya tinalikuran ulit. Syempre nag-ingat na ako. Mahirap na. Narinig ko pa syang tumawa ng medyo nakalayo na ako. What the?!
"Miss Cayenn! To tell you, straight din ako. Pinagbigyan ko lang ang request ng pinsan mo." sa tono ng boses nya ay alam kong nakangisi ito. Nakakainis! Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa pag-alis.
