Chapter 26

110 5 0
                                    

Hyejin's POV

Nagj-jogging ako nang makita si tita Andred na naglalagay ng gamit sa compartment ng van nila. Napadaan kasi ako sa bahay nila.

"Tita" tawag ko sa kanya. Nanakbo ako palapit sa kanya.

"Oh Jin, ikaw pala" sabi nya. Nagpatuloy naman sya sa paglalagay ng gamit.

"Saan po kayo pupunta? Vacation?" tanong ko. Natigilan naman sya pero agad ding nagpatuloy. Umiling sya.

"No, lilipat na kami ng bahay" sagot nya. Ako naman ang natigilan ngayon.

"Bakit po?" takhang tanong ko.

"Hiniling samin ni Aydi. Lilipat na rin sya ng school, gusto nya raw lumayo kay Hera." nakatitig sa mata kong sabi nya. Napakunot naman ang noo ko. "Ayaw na rin nyang maalala ang masakit at mapait na alaalang meron sya dito." sabi nya pa.

"Bakit po? Ano bang nangyari kay Aydi, sa kanilang dalawa?" tanong ko. Mukhang nagdadalawang isip naman syang sabihin. Magsasalita na sana sya nang tawagin sya ni Adrienne.

"Ma!" tawag nito. Nilingon namin sya ni tita Andred. "Alis na tayo" sabi nya pa at tumingin sakin saglit. Nakita ko ang sakit sa mata nya. Halata ring bumagsak ang timbang nya. Anong nangyari, Hera?

"Sige, anak" sagot ni tita. "Mauna na kami" baling nya sakin bago isara ang compartment. Nanakbo sya papunta sa driver's seat at pumasok na. Pinanood ko namang umandar ang sasakyan nila.

Nag-jog ako pauwi sa mansyon. "Hera" tawag ko kay Hera nang makita ko sya sa salas. Tumingin naman sya sakin. "Mag-uusap tayo mamaya" sabi ko.

Nagtungo na ako sa kwarto at naligo. Nang matapos ay bumaba na rin ako. "Yes, babe. Ikaw din 'wag kang magpapalipas ng gutom" narinig kong sabi ni Hera sa kausap. Napakunot ang noo ko. Nagpaalam na sya sa kausap at pinatay ang tawag nang makita ako.

"Sinong kausap mo?" tanong ko.

"Boyfriend ko" sagot nya.

"What?! Anong boyfriend? Paano si Aydi?" tanong ko. Napairap naman sya. Aba't!

"Wala na kami" sagot nya. "'Wag mo na syang babanggitin sakin, ate" walang emosyong sabi nya. Natigilan naman ako.

"Ano bang nangyari?" tanong ko pa kahit na sinabi nyang 'wag na.

"Nahuli ko lang naman syang kasama yung isang classmate naming lalaki. Alam kong may gusto yon sa kanya. Nakita ko silang magkapatong, ate. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin non." mahabang sabi nya. "Hindi pa man sila hubad ay binalak pa rin nila. Kundi ako dumating ay baka natuloy pa." sarkastikong sabi nya.

"Saan mo sila nakita?" tanong ko.

"Sa isang kubo malapit sa tambayan namin ni Aydi. Ang totoo ay hindi ko sya ma-contact kaya I tracked her GPS. Don ko nalaman kung nasaan sya at nahuli ko nga sila." mapaklang sabi nya.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako naniniwalang magagawa yun ni Adrienne sa kanya. Base na rin sa nakita ko kanina at sa sinabi ni tita Andred ay may hindi tama. Mukhang hindi yung iniisip ni Hera ang talagang nangyari.

"Nag-usap ba kayo ni Aydi matapos mo silang makita?" tanong ko. Umiling naman sya.

"Para saan pa? Nagawa nga nyang maghanap ng iba, bakit hahabulin ko pa?" sagot nya.

"Hera" tawag ko sa kanya. "Hinayaan mo sana syang magpaliwanag. Malay mo hindi nya ginusto yon" sabi ko pa. Tinaas nya ang isang kamay na para bang sinasabing tumigil na ako.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon