Hyejin's POV
Nagising ako nang maramdamang gumalaw ang kanang bahagi ng kama ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Muli akong napapikit nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana.
"Argh" ungot ko nang maramdamang nanunuyo na ang lalamunan ko.
"Jin!" rinig kong sigaw ng tao sa kanan ko. Ibinaling ko ang ulo ko at muling nagmulat. Mukha ni Lei ang una kong nakita. Inilayo ko ang mukha nya dahil masyadong malapit.
"T-tubig" naubo pa ako dahil sumakit ang lalamunan ko. Dali-dali namang kinuha ni Lei ang tubig na nakapatong sa ibabaw ng drawer.
"Eto oh" inabot nya ang tubig matapos buksan ang takip.
"S-salamat" sinubukan kong bumangon pero medyo nahilo ako. Napansin siguro yon ni Lei kaya inalalayan nya ako para makaupo sa kama. Isinandal nya ako sa may headboard. "Anong nangyari?" tanong ko.
"Hmm? Bigla ka na lang nawalan ng malay. Sabi ng private doctor ni lolo ay nawalan ka raw ng malay dahil masyado kang stressed." paliwanag nya. Naalala kong bigla na lang akong nahilo nang makarating kami sa mansyon at ang huling natatandaan ko ay unti-unti na lang dumilim ang paligid.
"Ilang oras akong nakatulog?" tanong ko at ipinikit ang mata.
"Ilang oras ka dyan! Tatlong araw kang tulog, loka ka" sabi nya pa. Napamulat naman ako bigla.
"Seryoso?!" gulat na tanong ko.
"A-huh! Martes na ngayon" sagot nya.
"Martes? Edi may pasok? Bakit ka nandito?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Attitude ka siz. Makatanong ka naman kung bakit ako nandito. Parang ayaw mo ah." nakangiwing sabi nya. "Nawalan ka lang ng malay ng tatlong araw nakalimot ka na. Nakalimutan mo na bang bakasyon tayo ngayon?" sabi nya pa. Natawa ako. Oo nga pala, christmas break nga pala namin.
"Nasaan ang iba?" patungkol ko sa mga pinsan namin.
"Si ate Cayenn tinutulungan magluto ang mom mo at si manang. Yung boys naman ay kasama ni lola sa mall, namimili. Si Mayu kasama yung kapatid mo. Nasa garden sila." sagot nya. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. "Nagugutom ka ba?" maya-maya'y tanong nya.
"Nah" maikling sagot ko. "Wala ka bang balak na sabihin sa kanilang gising na ako?" tanong ko pa nang maalala. Natawa sya at umiling, napataas ang isang kilay ko.
"Gusto muna kitang masolo" sabi nya at ngumisi.
"Gago!" sabi ko na lang. Lalo naman syang natawa.
"Na-miss kaya kita, pakiss nga" sabi nya pa bago inilapit ang mukha sakin. Agad ko namang sinalo ang mukha nya gamit ang palad ko.
"Magtigil ka nga! Hindi tayo talo. Isusumbong kita kay lolo, pinagnanasahan mo ang pinsan mo." diring sabi ko pa sa kanya.
"Sayang nga at pinsan kita. Hays" kunwaring nalungkot pang sabi nya. Gago talaga 'to.
"Archangel!" sigaw ko sa pangalan nya ng muli na naman nitong nilapit ang mukha sakin.
"Eww, gross!" sabi nya naman. Natawa ako. "Dan ka na nga muna. Tatawagin ko lang sila." sabi nya pa bago naglakad palayo. "'Wag kang tatayo! Magpahinga ka lang dyan." paalala nya pa bago lumabas ng kwarto ko.
Napabuntong-hininga ako at inalala ang lahat ng nangyari nung mga nakalipas na araw. Masama ang loob ko sa ginawa ni papa samin. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nagawa nyang lokohin si mommy. Binigay nito ang lahat sa kanya, ni hindi na nga ito nagtira para sa sarili. Bakit nagawa nya pa ring lokohin?