Hyejin's POV
Sabado ngayon at wala kaming pasok at ibig sabihin din non ay whole day ako sa trabaho.
"Sabay na tayong pumasok, anak." sabi sakin ni mommy.
"Okay po" pagsang-ayon ko bago lumabas ng mansyon kasunod nya. "Si lolo po?" tanong ko bago sya pinagbuksan ng pinto ng kotse.
"Nauna na, kanina pang madaling araw umalis." sagot nya sakin nang makasakay na rin ako. Pinaandar ko na ang sasakyan. "Kumusta naman ang pag-aaral mo? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong nya pa sakin.
"Hindi naman po, magagaling naman pong magturo ang mga professor. Kaya 'di ko na kailangang magdoble aral." sagot ko.
"Mabuti kung ganon, basta kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang si mommy." sabi nya pa. Nilingon ko naman sya at nginitian.
"Eh kayo po? Kumusta po ang pagma-manage ng company?" tanong ko.
"Medyo naga-adjust ulit ako. Kahit na na-train na ako noon sa pagma-manage ay nakalimutan ko na rin ang iba dahil matagal na akong tumigil." sagot ni mommy. "Pero at least ay may experience na ako kahit papaano. Hindi rin naman ako pinababayaan ng lolo mo." dagdag nya pa.
"Nage-enjoy naman po ba kayo?" tanong ko pa.
"Hmm, oo naman. Noon pa lang ay ito na talaga ang gusto kong gawin. Sadyang minsan, kailangan mo lang magsakripisyo para sa mga taong mahal mo." malungkot na sabi nya.
"Yung pagtanggi at pagtalikod nyo po ba sa company ang tinutukoy nyo?" tanong ko at sinilip sya. Tumango naman ito. "Pero bumalik naman na po kayo. Magagawa nyo na po ulit ang bagay na gusto nyo at dito, siguradong magiging masaya kayo." sabi ko pa.
"Tama ka, anak." masaya na ang tonong sabi nya. Napangiti naman ako.
"Nandito na po tayo" sabi ko pa at bumaba. Pagbubuksan ko sana sya ng pinto kaso ay nakababa na rin pala sya.
"Let's go?" aya nya sa akin.
"Mauna na po kayo, mom" sabi ko sa kanya. Nagtakha naman sya. "Ayoko pong may marinig na naman ako sa kanila. Baka hindi na po ako makapagpigil at maibuking ko ang sarili ko." natatawang biro ko pa. Natawa rin naman sya at sumang-ayon.
"Oh sya, mauuna na ako" sabi nya pa. Tumango lang ako at kumaway. Naglakad na sya papasok ng entrance. Naghintay lang ako ng ilang sandali bago sumunod sa loob.
Pagsakay ko ng elevator ay nakasabay ko si Alex. "Hey" bati nya sakin.
"Hey to you too. Ang tagal ata kitang hindi nakita?" sabi ko sa kanya.
"Ahh, yeah. Pinadala kasi ako ng head sa Batangas kasama yung mga representatives ng ibang department para asikasuhin yung pinaplanong ipatayo ng Senior." sagot naman nya.
"May bago na naman palang balak ipatayo ang Senior." sabi ko naman.
"Yeah, pero si ma'am Hayle ata ang may idea non." sabi nya pa.
"Mukhang namana ng bagong may-ari ang galing ng Senior sa pagtatayo at pagma-manage ng business." tumatangong sabi ko.
"Sinabi mo pa. Sobrang professional nya nung nakausap ko sya. Mabait sya pero grabe, nakaka-intimidate yung aura nya." tila namamanghang sabi nya pa. Napangiti naman ako. That's my mom!
"Nakakabilib sya, ano?" masayang sabi ko.
"Oo, bagay na bagay sa kanyang maging CEO." nakangiting sabi nya.