Hyejin's POV
Nandito ako ngayon sa opisina ko at kausap sina Jae at Iris. Dumaan muna ako rito bago pumunta ng Batangas.
"Gaano ka katagal don?" tanong ni Jae.
"Uuwi rin ako mamaya, ano ka ba?" sagot ko. "Imi-meet ko lang yung may-ari nung project, may pag-uusapan lang kami ko. May kailangan pa kasi kaming i-settle." sabi ko pa.
"Akala ko naman ay magtatagal ka" sabi ni Jae.
"Hmm, next week. Sisimulan ko na ulit mag-stay don, malapit na rin kasing matapos ang project." sabi ko. Tumango-tango naman sya.
"Okay" sabi nya pa.
"Sinong magbabantay dito?" tanong ni Iris.
"Si Nikol muna, matatagalan kasi ako don" sagot ko. Si Nikol ay kaibigan ko na kauuwi lang galing Germany. Isa rin syang writer pero past time nya lang yon. Modeling talaga ang trabaho nya. Sikat na sikat ang babaeng yon.
"Umuwi na pala ang babaeng yon. Hindi manlang nagsabi sakin" may tampong sabi nya. Close din ang dalawa, halos kaming tatlo ang palaging magkakasama noon. "Pero bakit mo pa kami pinapunta dito ngayon kung ganon?" tanong ni Jae.
"Kayo muna ang bahala ngayon, next week pa kasi sya free" sagot ko.
"Hindi 'to libre ah, may bayad 'to" sabi pa ni Jae. Napairap naman ako.
"Sige" sagot ko.
"Seryoso? Binibiro lang naman kita" sabi nya.
"Hmm, seryoso ako. Ako na ang bahala sa binyag ng baby kapag nanganak na si Iris." sabi ko.
"What the?!" nasabi na lang ni Jae.
"Hindi mo naman kailangang gawin yon, Jin" sabi ni Iris. Umiling-iling ako.
"Nah, matagal ko ng plano yon. Ninang ako, diba? First inaanak ko yan kaya dapat bongga" sabi ko.
"Gusto kong matawa nung binanggit mo yung 'bongga'" pigil ang tawang sabi ni Jae. "Ang slang kasi tapos ang seryoso ng mukha mo" sabi nya pa. Napairap naman ako.
"Kailan nga ulit ang kabuwanan mo?" tanong ko pa kay Iris.
"Next month, kaya nga kung maka-alalay sa akin ang isang 'to ay grabe" sagot nya at inirapan ang asawa.
"Syempre naman, first baby natin yan kaya dapat tayong mag-ingat. At saka ayokong nai-stress ka noh" sabi naman ni Jae.
"Anong ipapangalan nyo sa bata?" tanong ko.
"Jaerish, pinagsama namin ang pangalan naming dalawa. Alam mo naman, mahal na mahal namin ang isa't isa." sagot ni Jae at nilandi na naman ang asawa. Babae ang panganay nila. Panganay, dahil sigurado akong mag-aanak pa ulit ang dalawang yan.
"Oh sya, tama na ang harutan. Aalis na ako, kayo na muna ang bahala rito ah. Babalik din ako mamaya" sabi ko at kinuha ang gamit ko. "May gusto ka bang ipabili sa Batangas?" tanong ko kay Iris. Umiling naman sya.
"Ako, hindi mo tatanungin?" sabi ni Jae. Napairap naman ako sa kanya.
"Bakit? Buntis ka ba?" tanong ko.
"Hindi, damot nito" nakasimangot na sabi nya. "Babe, buntisin mo nga rin ako para ibili ako ni Jin" sabi pa nya sa asawa. Kinurot naman sya nito.
"Puro ka talaga kalokohan" saway pa ni Iris sa kanya. "Ingat ka" baling naman nya sa akin. Tumango lang ako.
"Kapag may kailangan kayo ay tawagin nyo lang si Rina. Ibinilin ko naman na kayo sa kanya" sabi ko pa. Si Rina ay sekretarya ko.
