Chapter 19

136 6 0
                                    

Lei's POV

"Kyahhhh!" napatili na lang ako at tinulak sya nang mas inilapit nya ang mukha nya. Narinig ko naman ang paglagabog nya sa sahig.

*Blag!*

Sabay kaming napalingon sa pinto ng palagabog na bumukas ito. "What happened?!" tanong ng taong pumasok. Natulala naman ako sa kanya. "What did you do?" tanong nya kay Daryl. Nilapitan nya ito at hinila sa manggas para tumayo.

"Nothing" nakataas ang dalawang kamay na sagot naman ng isa. Mataman naman nya itong tinitigan.

"Labas" sabi pa nya kay Daryl.

"What?" nakamaang na sabi ni Daryl.

"Lalabas ka o sasabihin ko kina dad na bawasan ang allowance mo?" pananakot nya rito.

"Sabi ko nga uuwi na ako" sabi ni Daryl at lumabas ng kwarto. "Bye! Enjoy!" sigaw pa nito.

Bumuntong-hininga naman ang isa at sinara ang pinto ng kwarto. Narinig ko pa ang pag-click ng lock nito. "How are you feeling?" tanong nya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Naguguluhan ako. "Okay ka lang ba?" tanong nya sakin. Nagitla naman ako nang hawakan nya ang kamay ko.

"H-huh?" wala pa rin sa sariling sabi ko. Napangiti naman sya. Lumapit pa sya sakin at hinalikan ako sa noo. Matapos gawin yon ay pinagdikit nya ang mga noo namin. "D-Devon?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sabi nya at nilagay ang palad ko sa pisngi nya. Hinaplos ko naman ito.

"May nangyari ba samin ni Daryl?" tanong ko. Bigla naman syang lumayo sakin at nakakunot ang noong hinarap ako.

"What?" masama ang tinging tanong nya.

"K-kasi natatandaan kong may naka... ahm" hindi ko matuloy ang sasabihin. Tumango naman sya na parang na-gets nya ako. "Tapos paggising ko kanina ay siya ang nadatnan ko dito sa kwarto. Tinanong ko sya pero tanong lang din ang isinagot nya." pagpapatuloy ko.

"Wala" seryosong sabi nya at tumayo.

"Huh?" tanong ko habang pinapanood syang kumuha ng tubig sa mini ref dito sa kwarto.

"Walang nangyari sa inyo" sabi nya at inabot sakin ang tubig. "Inumin mo yan. Psh, stupid" sabi nya pa. Hindi ko naman ito tinanggap at sinamaan lang sya ng tingin. "What?" tanong nya.

"Bakit mo ko tinanga?!" inis na sabi ko sa kanya. Napailing naman sya at tumayo ulit.

"Tanga nga" sabi nya pa. Iniinis talaga ako nito. Binuksan nya ang closet at kumuha ng damit at underwear. "Maligo ka na" sabi nya at ipinatong ang damit sa kama. Naalala ko namang wala nga pala akong saplot kaya napatingin ako sa katawan ko. Nanlalaki ang matang inayos ko ang pagkakataklob ng kumot dahil kita na ang dibdib ko. "Psh, 'wag mo nang takpan. Nakita ko naman na yan, nahawakan at natikman pa nga." sabi nya pa bago tumayo at lumabas ng kwarto. Napatulala naman ako sa narinig.

W-what?

Hyejin's POV

"Fvck, Lei! Sagutin mo ang tawag" kagabi pa ako nag-aalala sa isang yon. Tumawag dito sa mansyon ang yaya nila dahil hindi daw ito umuwi kagabi.

"Relax, kaya ni Lei ang sarili nya. Baka nasa kung saang lupalop lang yon at nakalimutang mag-charge" sabi ni ate Cayenn.

"Malalagot sakin ang isang yon pag-uwi nya" sabi ko pa. Nandito sya sa mansyon dahil babayaran nya raw yung bulaklak kahapon. Ang sabi ko naman ay 'wag na kaso mapilit. "Kumusta? Anong nangyari kahapon?" napapabuntong-hiningang tanong ko sa kanya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon