Chapter 21

139 5 0
                                    

Hyejin's POV

Pupungas-pungas ang matang lumabas ako ng kwarto. Maaga akong nagising, ewan ko ba kung bakit. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng hot chocolate. Nang matapos ay lumabas ako at nagtungo sa garden. Malamig ang simoy ng hangin, ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon at ang paghampas ng hangin sa mga dahon ng puno.

*Deep Sigh*

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, tahimik at walang pinoproblema. Inalala ko ang mga nagdaang araw. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ay kalilipat ko lang sa H. Pero ang totoo ay malapit na ulit matapos ang school year.

Hindi ako yung tipo ng taong pessimistic pero iniisip ko pa lang na sa bilis ng paglipas ng panahon ay hindi mo mamamalayang ang dami na palang nagbago. Na yung mga dati mo nang nakasanayan ay dapat mo nang alisin sa isipan. Dahil pwedeng hindi na ulit natin magawa at maranasan yon, hindi na tayo pabata. Naalala ko ang sinabi ni ate Cayenn. Alam kong balang araw ay darating din kami sa sitwasyon nya. Kung saan magiging limitado na ang oras namin para gawin ang mga bagay na nagagawa pa namin ngayon. Hindi na kami pwedeng maglibang sa lahat ng oras dahil mas malaking responsibilidad na ang papasanin namin. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako. Darating ang araw na may kanya-kanya na kaming buhay at hindi namin yon mapipigilan.

Inubos ko na ang natitirang tsokolate sa tasa at bumalik na sa loob. Hinugasan ko muna ang ginamit bago umakyat sa kwarto at naligo. Mukhang maaga rin akong papasok ngayon. Matapos maligo at magbihis ay kinatok ko si Hera.

"Bakit, ate?" nagkukusot ng matang bungad nya.

"Kay Lei ka na sumabay, maaga akong papasok ngayon" sabi ko. "'Pag hinanap nila ako, sabihin mong nauna na ako sa school." bilin ko pa. Sumilip naman sya sa orasan nya sa kwarto.

"Ang aga pa ah, 5:30 pa lang" sabi nya.

"Hmm, maaga akong nagising eh" sabi ko. "Sige na, alis na ako. Mag-iingat kayo" paalala ko pa. Tumango naman sya.

"Ikaw din, ate" sabi nya pa bago isara ang pinto.

Bumaba na ako ng hagdan at lumabas ng mansyon. Pagkasakay ng kotse ay pinasibat ko na agad ito paalis. Binuksan ko ang bintana, ang sarap sa pakiramdam ng pagdampi ng hangin sa balat ko.

'Kailan ba ang huling beses na pumasok ako ng ganito kaaga? High school pa lang ata ako.' natawa ako sa naisip.

Nang makarating sa school ay bumaba na ako ng sasakyan. May iilan-ilan na ring mga estudyante ang naririto. Naglakad ako papunta sa cafeteria nang maalalang hindi pa nga pala ako nag-aalmusal.

"Isang spaghetti nga po at saka gatorade na violet" sabi ko sa tindera. Nang makuha ang order ay naghanap na ako ng mapupwestuhan.

"May carbonara na po?" napalingon ako nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Nakatayo sya sa may counter at mukhang hinihintay ang order. Nang makuha ito ay luminga-linga sya sa paligid. Nang magtama ang paningin namin ay natigilan sya pero agad ding ngumiti.

Naglakad sya palapit sa table ko. "Would you mind if I sit with you?" tanong nya. Tinitigan ko muna sya saglit bago umiling. Ngumiti naman sya at naupo sa harap ko. "It's been a while, how are you?" tanong nya sakin. Pinakiramdaman ko naman ang sarili. Ngayon na lang ulit kami nakapag-usap.

"I'm fine, ikaw ba?" tanong ko naman.

"Same as yours" sabi nya. Nagtakha ako nang titigan nya ako. "I'm sorry" maya-maya'y sabi nya. Natigilan naman ako. "I'm sorry kung nagawa ko sayo yon, Hyera" sabi nya pa. Alam kong nagpipigil sya ng iyak.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon