Hyejin's POV
Katatapos ko lang ulit maligo at nagpapatuyo na ako ng buhok. Magsi-six na kaya naghahanda na 'ko para sa trabaho. Ayoko namang malate. Nagbihis na ako at inayos ang mga gamit ko. Tumingin ako sa salamin at sinipat ang hitsura ko. Mukha akong attorney. Tsk.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. "Ma'am yejen, hinihintay na po kayo sa kusina ni Madam." sabi pa sakin ni ate Aya ng makasalubong ko sya.
"Okay, thanks" sabi ko naman sa kanya.
"Kumain ka na, apo." bungad sakin ni lola pagkapasok ko ng kusina. Naupo na ako at sinabayan syang kumain. "Goodluck sa trabaho. Alam kong kaya mo yon, nandon din naman ang lolo mo." nakangiting sabi nya pa. Nginitian ko lang sya at nagpatuloy kumain.
"Alis na po ako, la" pagpapaalam ko pa matapos kumain.
"Sige, mag-iingat ka" bilin pa ni lola habang nagliligpit. Humalik lang ako sa pisngi nya at umalis na para pumasok sa trabaho.
Halos forty minutes ang biyahe mula sa mansyon hanggang sa company. Pinark ko ang kotse nang makarating na ako. Nagtungo na ako sa entrance. Tinanguan naman ako ng guard, nginitian ko lang ito pabalik.
Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang palapag kung saan naroon ang finance department. Pagkalabas ko ng elevator ay nagtungo ako sa pinto ng opisina. Awtomatikong bumukas ito nang makalapit ako. Bumungad sakin ang mga empleyado sa department na ito.
"Hey, ikaw yung bago?" pansin sakin ng isang lalaki na sa tingin ko ay matanda sakin ng sampung taon.
"Ako nga po" sagot ko naman sa kanya.
"I'm Simon, ako ang head ng department na 'to" inilahad nya pa ang kamay nya sakin.
"Nice to meet you po, sir. I'm Hyejin." pagpapakilala ko matapos tanggapin ang kamay nya.
"Nice to meet you too. Halika, sumunod ka." sabi nya na agad ko namang sinunod. "Dito ang table mo." turo nya sa table ko. "Paano, maiwan na kita?" tumango lang ako at nagpasalamat sa kanya bago sya umalis. Pinasadahan ko ng tingin ang table ko. May computer sa kaliwang side ng table na nakaharap sa pwesto ng upuan. May telopono naman sa kanang side. Pagkatapos ay ang pwesto naman nito ang pinasadahan ko ng tingin. Ayos 'to, malapit sa may bintana. Ipinatong ko na sa lamesa ang bag ko at naupo sa upuan. Binuksan ko ang drawer ng lamesa para tingnan ang laman nito. May lamang mga papel, ballpen, at ink ang nasa kaliwa. Walang laman naman ang nasa kanan. Para siguro may mapaglagyan ako ng mga gamit. Kinuha ko ang phone ko sa bag. Nang makuha ko na ay nilagay ko ang bag sa loob ng drawer.
"Hi" napatingala ako sa taong nasa harap ko. "Pinapaabot ng head. Ito na raw yung gagawin mo" inabot nya sakin ang mga documents.
"Thanks" sabi ko sa kanya. Nginitian nya naman ako. "By the way, I'm Hyejin" pagpapakilala ko dito nang maalala kong hindi ko pa nga pala sya kilala.
"I'm Alex" pakilala nya rin. "Ikaw yung bago hindi ba?" tanong nya na tinanguan ko naman. "Welcome to our department then. Mauna na ko, may tatapusin pa akong trabaho." nakangiti pa ring sabi nya. Tinanguan ko lang sya.
Tiningnan ko ang documents na ibinigay sa akin. Tungkol sa sales ng company ang laman nito. Aaralin ko muna siguro bago ko i-type sa computer at i-send sa secretary ni lolo. Yun kasi ang binilin nya sakin nung sinabi kong sa finance ako magtatrabaho. Parang ako ang magiging way nya para malaman kung paano ginagamit ang pera ng kompanya at kung gaano ang kinikita sa isang buwan bago pa i-report ng head sa kanya. Nalaman nya kasing may naglalabas ng pera sa kompanya at hindi nya alam kung sino yon. At gusto nyang mahuli ang salarin sa ganitong paraan.
