Hera's POV
Kanina pa kami naghihintay dito sa labas ng bahay nila lola Henna. Ang tagal kasing lumabas ni ate, tatawagin nya lang daw si ate Cayenn pero 'di na sya bumalik.
"Hera, puntahan mo na kaya yung dalawa sa loob." utos ni ate Lei. Nakasimangot na sumunod naman ako. Si ate kasi eh!
Pumasok na ako ng bahay at hinanap yung dalawa. Wala sila sa first floor kaya umakyat ako ng second floor. Bubuksan ko na sana ang kwarto naming girls ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng boys.
"Ate?" tawag ko sa kanya. Kunot-noong lumapit naman sya sakin. "Bakit?" tanong ko.
"Hindi ko mahanap si ate Cayenn. Wala sya sa kwarto ng girls at wala din dun sa boys. Sabi nya kanina may kukunin lang daw sya." sagot nya. "Tinakasan nya ba tayo?" naiiling na sabi nya pa.
"Tara na sa labas, sabihan natin sila" sabi ko at nauna nang bumaba. Lumapit agad ako sa mga kasama namin nang makalabas na ako. "Wala daw si ate Cayenn sa loob" sabi ko sa kanila.
"Huh?!" tanong nila.
"Anong wala?" kunot-noong tanong ni kuya Marion na nakatingin sa likuran ko.
"Wala eh, hindi ko sya mahanap sa loob. Ginalugad ko na nga yung buong bahay." sagot ni ate. Sya pala ang kausap ni kuya Marion.
"Tinawagan mo na ba?" tanong ni ate Mayu. Umiling naman si ate.
"Tawagan nyo nga, wala akong load eh" utos ni ate sa kanila.
"Sige, ako na tatawag" sabi ni ate Andrea. Nag-dial na sya sa phone nya. Maya-maya lang ay napakunot ang noo nya. "Ayaw sagutin" sabi nya samin.
"Try ko din" sabi naman ni kuya Timothy. Sya naman ngayon ang nag-dial. "Hello?" biglang sabi nya. Sinenyasan nya kami na sumagot daw si ate Cayenn. Bakit kay ate Andrea hindi sya sumagot? "Hoy ate, nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa labas" sabi ni kuya Timothy.
"I-loud speak mo" sabi sa kanya ni kuya Clint. Sinunod naman sya ng kakambal.
"Nauna na ako, kakausapin ko rin kasi yung caretaker." sagot ni ate Cayenn sa kabilang linya.
"What?! Kanina pa kami naghihintay dito tapos nauna ka na pala." sabi naman ni kuya Marion.
"Hindi ka manlang nagsabi, ate Cayenn" sabi naman ni ate.
"Sorry, nawala sa isip ko na magpaalam. Sunod na lang kayo, malapit na ako. Kakausapin ko na yung caretaker para maayos na don." sabi nya samin.
"Okay" sagot din ni ate.
"Alexei" tawag naman ni ate Andrea kay ate Cayenn.
"Nandito na ako guys, baba ko na 'tong tawag, bye." sabi ni ate Cayenn at hindi pinansin si ate Andrea. Pinatay nya na rin ang tawag.
Napatingin naman kami kay ate Andrea na ngayon ay nakayuko. Nagkatinginan kaming magpipinsan dahil don. May problema ba silang dalawa?
"Ahm, tara na?" aya ni kuya Marion.
"Mabuti pa nga, kanina ko pa gustong mag-swimming" sabi naman ni ate Aliz.
Nagkanya-kanya na kami ng sakay sa van. Dalawang van ang dala namin. Isa para sa boys at isa para saming mga babae.
Si ate ang magmamaneho ng van namin. Katabi nya naman sa passenger seat si ate Zeyn. Sampu kaming nakasakay dito sa van. Nakapwesto ako sa tabi ng bintana sa likuran ni ate. Katabi ko naman si Aydi tapos katabi nya si ate Andrea. Oo, kasama si Aydi. Sinama sya ni ate tapos pinatabi pa sakin. Napasimangot ako sa naisip.
