"Cheers!" sigaw ni Clint at itinaas pa ang baso nya na may lamang alak.
Katatapos lang ng kasal ni ate Cayenn at ate Drea, at nandito kami ngayon sa reception. Nasa iisang table kaming magpipinsan at magkakaibigan. Sumama nga samin yung bagong kasal imbis na sa unahan sila maupo. Mas masaya raw dito. Ang ending, kinantyawan nila ng kinantyawan si ate Cayenn dahil sa pag-iyak nito kanina sa kasal nila ni ate Drea. Kitang kita ko kung gaano kasaya si ate Cayenn habang hinihintay si ate Drea mula sa harap ng altar.
Ang sarap siguro sa pakiramdam habang hinihintay mo yung taong mahal mo sa harap ng altar. Tapos panonoorin mo syang maglakad sa aisle papalapit sayo.
"Burahin mo na kasi yan!" utos pa ni ate Cayenn kay Lei.
"Ayoko nga! Ang panget mo umiyak dito haha" sabi pa ni Lei at ni-zoom yung picture. Kuha nya yon kanina nung umiiyak si ate Cayenn habang ikinakasal yung dalawa. "Hindi ka ba na-turn off, ate Andrea?" baling ni Lei sa isa. Natawa lang naman si ate Drea.
"Love! 'Wag kang tumawa" nakasimangot na reklamo ni ate Cayenn. Napataas naman agad ang kilay nung isa.
"Pinipigilan mo ba ako? Bakit ayaw mong tumawa ako?" masungit na tanong ni ate Drea sa kanya. Napanguso naman si ate Cayenn.
"Bakit nagsusungit ka na naman sakin?" nakasimangot na tanong ni ate Cayenn.
"Naiinis kasi ako sayo" inirapan pa sya ni ate Drea.
"Bakit na naman?" bagsak ang balikat na tanong ni ate Cayenn. Hindi naman sya pinansin ng asawa.
"Sabihin nyo nga..." pambitin na sabi ni Marion. Napatingin tuloy kami sa kanya. "Buntis ka ba?" tanong nya kay ate Drea. Natigilan namang pareho ang dalawa. Napataas ang kaliwang kilay ko nang magkatinginan pa silang dalawa bago ngumiti samin.
"Yes" nakangiting sagot ni ate Drea.
"What?!" sabay-sabay at gulat na gulat na tanong namin. Tumawa naman ang dalawa.
"What the heck?" nasabi ko na lang.
"How?" tanong ni Mayu.
"IVF" sagot ni ate Cayenn.
"Kailan pa?" si Lei naman ang nagtanong.
"Last month pa" sagot ulit ni ate Cayenn.
"Hanep" nasabi ko na lang ulit kaya nagtawan ang iba.
Tumayo si Clint kaya napatingin kami sa kanya. Kinuha nya ang baso at mahinang tinuktok ng kutsara.
"Everyone" tawag nya sa atensyon ng iba. Napatingin naman sa gawi namin ang mga magulang namin at ang ibang nakatatanda. "Someone needs to announce something" sabi nya pa. Nagtakha naman ang matatanda. Pinatayo nya si ate Cayenn at sinabing i-announce na.
"Excited?" sabi sa kanya ni ate Cayenn. Sinenyasan lang sya ni Clint na magsalita na. Tumingin si ate Cayenn sa matatanda. "Mom, Dad" tumingin sya sa parents nila. "Lolo and Lola" tapos kina lola naman. "At sa lahat ng nandito" sabi nya pa at iginala ang paningin bago tumingin sa asawa. Ngumiti sya at inalalayang tumayo si ate Drea. "My wife is pregnant" pag-aanunsyo nya.
Napuno naman ng tanungan ang paligid. Kung anong tinanong namin sa kanilang dalawa kanina ay tinanong din nila. Sinagot naman sila ni ate Cayenn. Kita ko ang saya at pagka-surpresa sa mata ng mga nandito.
"Congratulations" sabay-sabay na sabi namin. Ngumiti lang yung mag-asawa at hinalikan pa ni ate Cayenn sa noo si ate Drea.
"Bati na ulit sila" biglang sabi ni Clint na ikinatawa namin.
