Chapter 28

122 3 0
                                    

Hyejin's POV

"Hey! Hey! Hey!" napatakip ako ng tainga dahil sa ingay ng taong pumasok sa kwarto ko. "Rise and shine! Goodmornin'~" sabi nya pa at hinila ang kumot ko.

"Nikol!" nakapikit na saway ko sa kanya. Pilit kong hinila ang kumot pabalik.

"Ano ka ba?! Itu-tour mo pa ako sa company mo bago kayo umalis, diba?" sabi nya pa at tinalunan ako.

"Argh! Masakit! Umalis ka nga dan, ang bigat mo" sabi ko habang tinutulak sya paalis sa pagkakadantay sakin.

"Anong oras na oh" sabi nya at sinundot pa ang pisngi ko. "Anong klaseng boss ka? Iiwan mo na nga sakin ang trabaho tapos male-late pa tayo ngayon, tsk tsk." sabi nya pa at pinisil ang dalawang pisngi ko.

"Aray!" inis na sabi ko at bumangon sa pagkakahiga. Nakadantay sya sa akin kaya nahulog sya sa kama sa biglang pagbangon ko.

"Ouch" maarteng daing nya. Bored na tiningnan ko lang sya. "Gusto ko sanang gumanti pero naisip kong 'wag na lang dahil success ang plano ko. Nagising na ang diwa mo." natatawang sabi nya at dahan-dahang tumayo. "Maligo ka na" sabi nya pa at mahinang sinipa ang hita ko. Tiningnan ko naman sya ng masama na ikinatawa nya.

"Panget!" nasabi ko na lang at naiiling na bumangon. Napamaang naman sya.

"Excuse me, I'm not panget. Hindi ako magiging model kung ganon" maarteng sabi nya pa. Inirapan ko lang sya at nagtungo ng banyo.

"Labas na, maliligo lang ako" sabi ko pa bago tuluyang pumasok sa loob.

Kahapon pa dumating ang babaeng yon. Nagpasundo pa sakin at nangulit na dito muna magtigil. Ayos lang naman kina mommy dahil kilala naman nila ang isang yon.

Matapos maligo ay lumabas na ako ng banyo na tanging underwear lang ang suot. Dala ko rin ang tuwalya at nagpupunas ng buhok.

"Ow, hot" agad akong napatakip ng tuwalya sa katawan ko.

"What the fvck?! Diba sinabi kong lumabas ka" masama ang tinging sabi ko.

"Arte nito, meron din naman ako nan" pairap na sabi nya. Napataas naman ang kaliwang kilay ko.

"Attitude" sabi ko at binato ang tuwalya sa mukha nya. Sapul.

"Eww" maarteng sabi nya at binato pabalik ang tuwalya.

"Sa buhok ko lang pinunas 'to, 'wag kang ano" sabi ko. Lumapit ako sa closet at naghalungkat ng damit.

"Kanina lang kung makatakip ka sa katawan mo inam. Pero ngayon ibinabalandra mo dan" sabi nya. Napairap naman ako.

"Nakita mo na eh. Ano pang purpose kung tatakluban ko?" sabi ko at nagsimula nang magbihis.

"Bakit hindi ka mag-model?" tanong nya sakin. Napatingin naman ako sa kanya. "You have the face and the body" dagdag nya pa. Napailing naman ako.

"Hindi na nga ako magkanda-ugaga sa sobrang sikip ng sched ko tapos magmo-model pa?" sarkastikong sabi ko. "Kaya nga 'ko humingi ng pabor sayo" sabi ko pa. Natawa naman sya.

"Hmm, masyado mo kasing pinahihirapan ang sarili mo." naiiling na sabi nya. "O gusto mo lang talagang ma-occupy ng ibang bagay ang utak mo para hindi sya maalala?" dagdag nya pa. Natigilan naman ako at matamang tumitig sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko at kinuha na ang mga gamit ko. "Let's go" sabi ko pa at naunang lumabas ng kwarto.

"Sus, hindi mo ako maloloko. Kilalang kilala na kita noh" sabi nya naman.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon