Chapter 9

182 5 0
                                    

Hyejin's POV

Nakatanaw lang ako sa dagat sa harap ko. Malakas ang paghampas ng alon at malamig ang simoy ng hangin. Napabuntong-hininga ako. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nung pinalayas ako ni papa. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang yun nangyari.

Napapadalas na rin ang pagtambay ko sa lugar na 'to. Dito ako nagpapalipas ng oras at nag-aalis ng pagod. Para syang parke na nakalutang sa tubig. Maraming upuang gawa sa semento na nasa bawat sulok. May railings din na nakaharang sa buong lugar para hindi mahulog sa tubig ang mga bata. Masasabi kong maganda ang lugar na 'to para panoorin ang sunset at sunrise.

Naramdaman kong may tumabi sakin sa pagkakaupo. Nilingon ko sya, nakangiti naman sya sakin. "Hey" bati ko sa kanya.

"Ang tagal mong hindi nagparamdam. Grabe ka, tatlong buwan." naiiling na sabi nya bago ihilig ang ulo sa balikat ko. Napabuntong-hininga naman ako.

"Sorry" sabi ko na lang. "Kumusta ka? Nililigawan mo na ba si Iris?" tanong ko sa kanya.

"Siraulo ka talaga" sabi nya at umalis sa pagkakasandal sa balikat ko. Huminga muna sya ng malalim bago humarap sakin. "You look drained" sabi nya pa. Ako naman ang humarap sa kanya.

"Ano ba yan. Hindi mo pa rin nililigawan noh? Ang hina mo naman." pagbabalik ko sa kanina naming topic. Sinadya kong iwasan ang huling sinabi nya.

"Hmm, hindi pa rin sya nakakauwi." sabi nya. Nagtatakhang tumingin naman ako sa kanya. "Hindi ka kasi nagpaparamdam. Hindi mo tuloy alam." pangongonsensya nya pa.

"Sorry na nga eh" nakangusong sabi ko. Ginulo naman nya ang buhok ko. Tinapik ko ang kamay nya palayo at sinamaan sya ng tingin. Tinawanan lang ako ng loko.

"Dalawang buwan na syang nasa Palawan. Hindi pa sya nakakauwi. Tinatapos nya pa yung story na sinusulat nya. Kasama nya dun yung mga katrabaho nya." sabi nya.

"Edi pag-uwi nya. Problema ba yon?" natatawang sabi ko. "Teka!" gulat akong napatingin sa kanya ng may maalala. "Akala ko ba wala kang gusto sa kanya!?" tanong ko.

"Akala ko rin. Pero simula nung sinabi mo na nagseselos ako. Dun na ko nagsimulang mapaisip. Na-realize ko na tama ka nga siguro. Nagseselos nga ako non." napangiti naman ako sa sinabi nya. "Yayayain ko sana syang lumabas nung ma-realized ko yun. Kaya lang wala sya sa bahay nila. Sabi ng mama nya ay nasa Palawan nga daw sya." natawa ako nang sumimangot sya.

"Ang bagal mo kasi." pang-aasar ko.

"Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman? Paano kapag straight sya? Wala naman syang sinabi satin na may nagustuhan o nagugustuhan na sya--" pinutol ko ang sinasabi nya. Masyado naman syang kinakabahan.

"Jaelyn" sinamaan nya ako ng tingin. Natawa naman ako at hindi pinansin yon. "Diba sinabi ko naman sayong gusto ka rin non? Hindi man nya sabihin, halata naman sa kilos nya eh. Saka kita ko kung paano sya tumingin sayo." paliwanag ko pa.

"Pero kasi... natatakot ako" napapabuntong-hiningang sabi nya.

"Don't be. Bahala ka, 'pag naunahan ka pa ng iba dyan." pananakot ko pa sa kanya. Napanguso naman sya.

"Ikaw ba? Wala ka bang nagugustuhan?" tanong nya sakin. Tumingin muna ako sa kanya bago tumingin sa dagat.

"Ewan?" 'di siguradong sagot ko.

"Baliw 'to" hinampas nya pa ako sa balikat. "Alam kong kabe-break nyo pa lang ng ex mo. Pero alam ko namang hindi mo talaga sya minahal. Nagustuhan pwede pa, tama?" nagkibit-balikat lang ako sa kanya. "Hindi ka talaga makausap ng matagal eh noh?" sabi nya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon