Hyejin's POV
"Josh! 'Wag manakbo" saway ko sa anak naming walang ginawa kundi tumakbo.
"Mom, I'm hungry na po" napatingin naman ako sa batang babae na lumapit sakin. Niyuko ko sya at hinalikan sa ulo. Binuhat ko sya at hinalikan naman nya ako sa pisngi.
"Gutom na pala ang princess namin" nakangiting sabi ko. Nakangusong tumango naman sya kaya natawa ako.
"Josh Zachary!" rinig kong sigaw ng asawa ko. Napangiwi naman ako pati itong buhat-buhat ko. Nagmamadaling nanakbo naman palapit samin ang batang makulit na galing ata sa kusina.
"Mom!" sabi ni Josh at nagtago sa likod ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin na 'wag na 'wag mong bibiglain ang pagbubukas ng ref. Paano kung tumaob yun at bumagsak sayo?" sermon ng asawa ko. Humarap ako sa prinsesa naming buhat ko. Makahulugang tiningnan ko sya. Napahagikhik naman sya at ibinaba ko na.
"Hon" tawag ko kay Zeyn. Nakataas ang isang kilay na tiningnan nya ako. Ang asawa ko, pinanganak lang ang kambal naging masungit na. "I love you" hinalikan ko sya sa pisngi nang makalapit ako. Napabuntong-hininga naman sya at niyakap ako.
"Ang kulit talaga ng anak nating yan" reklamo nya sakin. Napangiti naman ako at humiwalay ng kaunti sa yakap nya. Alam kong nag-aalala lang sya.
"Josh, say sorry to your mommy" tawag ko sa batang makulit. Nakayuko naman itong humingi ng tawad.
"Okay, forgiven, come here and hug me" sabi naman ng asawa ko. Lumapit sa kanya si Josh at niyakap sya. Lumapit naman ako sa isang anak namin.
"Kami ni Ashlin, walang yakap?" sabi ko sa asawa ko at binuhat ulit ang prinsesa.
"Of course meron" nakangiting sabi ng asawa ko at niyakap din kami.
"Group hug!" sigaw ng kambal. Napangiti na lang kaming mag-asawa.
Kinasal din kami ni Zeyn 2 years after ng kasal nila ate Cayenn. At nag-undergo kami ng IVF after one year, si Zeyn ang nagdala. At sobrang saya namin nung maging successful ito, lalong lalo na nung malaman naming kambal ang magiging anak namin.
Ngayon ay seven years old na ang dalawa at talaga namang napaka-gagandang nilalang. Ehem! Genes, ehem!
Pinangalanan namin silang Josh Zachary at Haizen Ashlin. Bibo ang kambal pero mas hyper si Josh. Grabe sa kulit ang batang 'to. Namana ata kay Lei na pinaglihihan ni Zeyn. Si Haizen naman ay masayahin ding bata pero mas matured mag-isip kaysa sa kuya nya.
"Kain na po" napatingin kami kay Haizen na nakasimangot. Natawa naman kami. Gutom na nga pala ang prinsesa.
"Okay, let's eat na" sabi ni Zeyn at hinila na kami.
"Thank you po sa food, papa God" sabay na sabi ng kambal bago nagsimulang kumain. Kami naman ng asawa ko ay nakangiting pinapanood lang sila.
"Hello, everybody!" napalingon ako sa pumasok ng kusina. Si Lei kasunod ang anak nila ni Devon na si Abyss. Napaka-gago ng isang yan at ganon ang ipinangalan sa anak. Bagay daw kasi sa pangalan nilang mag-asawa. Siraulo talaga.
"Hey, little girl" bati ko sa pamangkin. Tumango lang ito at tumabi ng upo kay Haizen. Mas matanda lang ito ng isang taon sa kambal.
"Kain ka, couz" aya sa kanya ng anak ko. Tumango lang ito at sumandok. Napailing naman ako.
"Hay nako, ang anak ko talagang ito. Namana pa ang pagiging cold at pagkasuplada ni Jin" sabi ni Lei at naupo sa tabi ng anak. "Pakain din" sabi nya pa at nagsandok na.
