Chapter 32

118 5 1
                                    

Hyejin's POV

Ang bilis lumipas ng mga araw. Inaayos ko ngayon ang mga gamit ko na nakakalat sa table na ginagamit ko dito sa site. Ngayon na kasi ang last day namin. Dino-double check na lang namin ang lahat para siguradong walang palya.

"Hey" napalingon naman ako sa tumapik sa akin.

"Hey to you too" sagot ko naman at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Successful ang project, you never disappoint me" sabi nya. Batid kong nakangiti pa ito.

"Of course, I won't" sabi ko at humarap sa kanya matapos mag-ayos ng gamit.

"May lakad ka ba after nito? Kain tayo sa labas, treat ko." aya nya pa.

"May lakad ako pero mamaya pa naman kaya hindi kita tatanggihan dyan. Sayang ang libre" biro ko pa. Napangiti naman sya at napailing.

"Okay" nakangiting sabi nya. "Sa kotse ko na tayo sumakay?" tanong nya.

"Hmm" tumango pa ako. "Ipapakuha ko na lang kay Macky yung kotse ko. Hatid mo na lang ako pauwi" sabi ko pa.

"Sige sige" parang batang sabi nya. Napailing na lang ako.

Nang masiguro naming maayos na ang lahat ay nagsi-alisan na kami.

"Mauna na po kami, Engineer." paalam ng mga trabahador.

"Ingat kayo ah" bilin ko sa kanila.

"Oo naman po, kayo rin" sagot ng isa sa kanila. Tipid ang ngiting tinanguan ko lang sila.

"Let's go?" napatingin ako kay rafa nang magsalita sya. Tumango lang ako sa kanya at iginaya na nya ako papunta sa sasakyan nya. Kanina pa nakuha ni Macky ang kotse ko. "Saan mo gustong kumain?" tanong nya nang makasakay kami.

"Dating gawi" sagot ko na ikinangiti nya. May isang lugar kasi dito sa Batangas na madalas naming kainan noong high school pa lang kami.

Nang makarating ay ipinagbukas nya ako ng pinto ng kotse. "Thanks" ngumiti naman sya sakin.

"Good day po, ma'am and sir" bati samin ng guard.

"Good day" bati pabalik ni Rafa. Tipid na nginitian ko naman ang guard. Pinaghila ako ng upuan ni Rafa nang makahanap kami ng table.

"Ang dami na palang pinagbago nito" sabi ko habang inililibot ang tingin sa paligid.

"Yeah, but still nandito pa rin yung cozy feeling na meron ito noon." sabi nya naman.

"Hmm, parang nag-flash nga bigla sa isip ko yung memories natin dito nila Cleo noon." sabi ko. Ngumiti sya at tinawag ang waiter.

"Kahit ako eh. Sa tuwing kumakain ako dito palagi kong naaalala yung masasayang araw na meron tayo ng barkada dito." nakangiting sabi nya at kinausap ang waiter na kalalapit lang. Sya na ang nagsabi ng order namin. Humarap ulit sya sakin nang makaalis ang waiter.

"Talagang alam na alam mo kung ano ang gusto kong kainin." sabi ko sa kanya. Hindi nya manlang kasi ako tinanong kung ano ang akin.

"Syempre naman noh, palagi ba namang yon ang order mo kapag nakain tayo dito." sagot naman nya. Napailing na lang ako.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating na ang pagkain.

"Try this" sabi nya at nilagay sa plate ko ang isang hiwa ng steak. Kinain ko naman ito.

"Hmm, masarap" sabi ko habang patango-tango pang ngumunguya. Ngumiti naman sya at muling kumain.

"Bakit wala ka pang girlfriend hanggang ngayon?" tanong ko bigla. Muntik tuloy syang mabulunan.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon