Chapter 30

124 4 0
                                    

Hyejin's POV

Nakatingin ako sa blueprint ng project namin. Dalawang linggo na simula nung umpisahan namin ang paggawa. Umuusad naman ito, kompleto naman kasi sa materyales at trabahador.

"How was it?" tanong sakin ni Rafa nang makalapit. Tiningnan ko lang sya saglit bago ibalik ang tingin sa blueprint.

"Ayos naman, maganda ang naging simula" sagot ko.

"Kita ko nga, masisipag at talagang professionals ang mga gumagawa." sabi nya. Tumingin naman ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa construction. Napatingin din naman ako don.

"Yeah, talagang si Marion pa ang pumili sa kanila at nagpadala dito." sabi ko naman.

"Kaya malaki ang tiwala ko sa inyo dahil hindi nyo binibigo ang mga kliyente nyo." sabi nya. Tipid na napangiti naman ako.

"Ganon naman talaga dapat, diba?" tanong ko.

"Yes, of course" pagsang-ayon nya. "Malapit ng mag-five o'clock. Sabihan mo na sila na mag-ayos na at magpahinga. Bukas na lang ulit" sabi nya at tinapik pa ako sa balikat bago umalis. Nirolyo ko na ulit ang blueprint at nilagay sa poster tube bago isabit sa balikat ko. Naglakad na ako patungo sa kanila. Pumalakpak ako.

"Okay guys, that's it for now. Magpahinga na kayo, bukas na lang ulit" sabi ko. Mukhang natuwa naman sila sa narinig dahil naghiyawan ang iba at nagpasalamat. Naiiling na natawa naman ako.

"Engineer" tawag sakin ng foreman. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Good job for today" sabi ko sa kanya at tinapik sya sa braso. "Magpahinga na kayo at maghapunan. Pinaghanda na ata nila kayo ng pagkain" sabi ko pa. Ngumiti naman sya at tumango.

"Let's go guys, mag-ayos na tayo at maghahapunan na" sabi nya sa mga trabahador.

"Yon! Sa wakas!"

"Kainan na!"

"Mapaparami kain ko nito, nakakapagod ngayong araw eh"

"Kaya ka lumolobo eh, kulang na lang kasing laki mo na yung wrecking ball."

"Gago!"

At marami pa silang sinabi na ikinatawa ko. Makukulit din ang mga ito.

"Mga siraulo talaga ang mga 'to" naiiling na sabi ng foreman nila. "Mauna na po kami, Engineer" paalam nya at sumunod na sa mga kasama. Ako naman ay nagdiretso na sa sasakyan ko at umalis. Siguro ay dadaan muna ako sa isang bake shop dito. Kahapon pa nangungulit si Hera na ibili ko raw sya ng cheesecake.

Pinarada ko ang kotse at pumasok ng bakery. "Good afternoon, ma'am. Ano pong sa inyo?" nakangiting bungad ng kahera. Ngumiti din ako sa kanya at sinabi ang order ko. "Wait lang po muna kayo dito sa gilid, ma'am" sabi nya. Tumango naman ako at naghintay sa waiting area. Chineck ko ang oras sa phone ko. Mag-aalas sais na pala.

"One chocolate mousse please" sabi ng bagong dating. Napalingon naman ako sa kanya. "Medium and take out" sabi nya pa.

"Aydi" tawag ko sa kanya. Napalingon naman sya sakin at lumapit.

"Ate Hyejin, bumibili rin po kayo?" tanong nya.

"Yeah, kahapon pa nangungulit ng cheesecake si Hera" sagot ko. Natigilan naman sya. Oops.

"Ma'am, ito na po ang cheesecake nyo" sabi ng kahera. Nag-excuse muna ako kay Adrienne at lumapit sa counter para kunin ang order at magbayad.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon