Chapter 23

120 6 0
                                        

Hyejin's POV

Last week na ng school year, ang totoo nyan ay wala na kaming ginagawa. Nakatambay lang kami at ang iba naman ay tinatapos ang requirements. Ang mga graduating naman ay sobrang busy dahil sinisimulan ng ayusin ang documents nila at ang preparation para sa graduation.

"Ang boring" sabi ni Lei. Nandito kami ngayon sa field. Nakatambay kaming magpipinsan maliban kay Hera.

"Nasaan yung girlfriend mo?" tanong ni Clint kay Lei.

"Busy na naman, inaayos na kasi nila ang documents ng department namin. Last week na kasi" nakasimangot na sabi ni Lei.

"Ikaw ba, Jin?" baling sakin ni Clint. Nagtatakhang tumingin naman ako sa kanya. "Bakit hindi mo sinama si Zeyn dito?" tanong nya.

"Bakit ko naman isasama?" tanong ko.

"Kasi nililigawan mo sya?" patanong na sagot nya.

"Sira, hindi" sabi ko. "Hindi ko sya nililigawan" sabi ko pa.

"'Wag mong sabihing hindi ka pa umaamin?" tanong ni Lei. Umiling naman ako.

"Ay mahina 'to" sabi ni Clint. Natawa naman sila Marion.

"Nagyayabang na, palibhasa pinayagan ng manligaw ni Kendall." pairap na sabi ni Lei. Sa tagal na nanunuyo ni Clint ay pinayagan na syang manligaw ni Kendall.

"Gwapo ko kasi" mayabang na sabi naman nito.

"Aangal sana ako kung hindi lang tayo kambal" sabi ni Timothy na ikinatawa namin.

"Speaking off" sabi ni Lei. Napatingin naman kami sa dumating.

"Hey, pwede ko bang hiramin si Jin?" tanong ni Zeyn sa kanila.

"Sure, kahit nga 'wag mo nang ibalik" sagot ni Lei. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Binatukan ko pa sya bago ako tumayo.

"Susumbong kita sa baby ko" sabi nya sakin.

"Gago!" nasabi ko na lang. Nagtawanan naman ang iba.

"Enjoy kayo!" sigaw pa ni Clint nang makalayo na kami. Napailing ako. Siraulo talaga ang mga yon.

"Nakakatuwa talaga sila, sobrang close nyo noh? Dati ay silang magpipinsan lang ang magkakasama. Akala ko nga ay wala silang ibang kaibigan maliban sa isa't isa. Pero nung dumating ka ay nalaman kong meron naman pala" natatawang sabi nya pa. Tumango lang ako sa kanya. Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang pinsan ko rin sila?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Hindi nya ako sinagot at nginitian lang. Kahit hindi ko alam kung saan kami papunta ay sumusunod lang ako sa kanya. "Music room?" tanong ko nang makita kung saan kami papasok. Tumango naman sya at nagtungo sa loob. Pumasok na rin ako.

Naglakad sya palapit sa piano at naupo. Tinipa nya ang ilan sa mga keys. "May violin dan sa gilid, kunin mo" sabi nya. Nagtatakhang tumingin naman ako sa kanya. "Sabayan mo akong tumugtog, alam kong marunong ka non" nakangiting sabi nya pa. Hindi naman na ako makaka-angal kaya kinuha ko na ang violin at tumayo sa tabi ng piano. Nakaharap ako sa kanya.

"Anong tutugtugin?" tanong ko.

"All of me" sabi nya. "Kaya mong tugtugin?" tanong nya. Tumango naman ako. Ngumiti sya at nagsimulang tumugtog. Pinakinggan ko muna sya pero maya-maya lang ay sinabayan ko na rin ito. Nakatingin lang ako sa kanya habang tumutugtog. Nakapikit sya na para bang dinadama ang musika.

Nagmulat sya pagkatapos naming tugtugin ang kanta. Tinapik nya ang space sa tabi nya. Lumapit naman ako at naupo. Inihilig nya ang ulo sa balikat ko. Hinayaan ko lang sya.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon