Lei's POV
Kahit sabado ay nandito agad ako sa mansyon. Six pa lang ng umaga. Sa pagkakatanda ko ay mamayang eight pa ang pasok ni Jin sa trabaho. Gusto ko muna syang makausap kahit saglit. Kagabi ko pa iniisip 'to at napakalalim ng eyebags ko dahil hindi ako nakatulog.
Naputol ang pag-iisip ko ng may tumama sa mukha ko at nahulog din pagkatapos. Nang tingnan ko sa sahig kung ano yon ay nakita kong bimpo pala ito. Narinig ko namang tumawa ang salarin.
"Siraulo ka ah" sabi ko sa kanya. Nang pasadahan ko sya ng tingin ay napaka-pormal ng hitsura at suot nya. "Saang korte ang punta mo?" tanong ko.
"Loko!" nakangising sabi nya. "Ano namang iniisip mo at hindi mo manlang naririnig ang pagtawag ko sayo?" sabi nya pa.
"Kanina ka pa nandan?" tanong ko.
"Oo" sagot nya. "Bakit ka nandito? Wala namang pasok ah" sabi nya pa at dumiretso sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya. "Si lola?" tanong nya. Inihahanda na niya ang almusal nya. "Kumain ka na?" tanong pa nya.
"Umalis. Mamimili lang daw sila ni manang." sagot ko at kumuha ng hotdog sa plato nya. "And yep, kumain na ko." sabi ko pa bago kainin ang kinuha ko.
"Hmm, eh ikaw? Bakit ka nga nandito?" pag-uulit nya at tinapik pa ang kamay ko nang binalak kong kumuha ulit ng hotdog sa plato nya. Napasimangot naman ako at hinimas ang kamay ko.
"Jin" tawag ko sa kanya.
"Hmm?" patuloy pa rin sya sa pagnguya at hindi manlang tumingin sakin. Bad!
"Kagabi pa 'ko nababaliw kaiisip nito. Hindi na nga ko nakatulog eh." nakangusong sabi ko.
"Kita ko nga. Ang panget mo lalo eh." walang pakundangang sabi nya. Binato ko naman sya ng ubas na nasa lamesa. Yun ang unang nahagip ko eh. "'Wag kang magsayang ng pagkain." tumatawang sabi nya.
"Seryoso na kasi" nakangusong sabi ko. "Diba sabi nyo kahapon ay may gusto ako kay Devon?" tumango naman sya. "Sigurado ba kayo? Baka naman fake news lang yon. Napaka-imposible kasi eh. Inis na inis ako sa kanya tapos magkakagusto ako? No way." sabi ko pa. Ibinaba naman nya ang kutsara at tinidor na hawak nya bago tumitig sakin.
"Hindi ba't the more you hate, the more you love?" diniinan nya pa ang pagbanggit sa dalawang kataga.
"Hindi naman yon applicable sa lahat ng oras eh!" sabi ko naman.
"Hmm, may point ka. Pero hindi mo ba naisip na baka hindi ka naman talaga naiinis sa kanya? Na baka idinadaan mo lang sa inis yung kakaibang nararamdam at kinikilos mo sa tuwing nandan sya. Dahil hindi mo matanggap na nagagawa nyang iparamdam sayo yon." natigilan naman ako sa sinabi nya. "Kasi couz, may posibilidad na ganon nga ang nangyayari sayo. Hindi naman kita masisisi na ganyan ang naging reaksyon mo. Unang una, ang alam nating lahat ay straight ka. Kaya magf-freak out ka talaga. Pero kung ganon nga ay kailangan mong tanggapin." mahabang dagdag nya pa. Napabuntong hininga naman ako.
"I-" hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Hinawakan naman nya ako sa balikat.
"Alam kong hindi ka pa rin naniniwala at hindi mo pa kayang tanggapin. Pero couz, eto lang ang masasabi ko. Siguraduhin mo kung ano nga yang nararamdaman mo. Pakiramdaman mo ang sarili mo tuwing nakakaharap mo sya. Kung inis nga lang ba yon o iba na. At kapag nasiguro mo na..." pambibitin nya. "Tanggapin mo na lang kung gusto mo nga talaga sya. Wala namang mali don, diba? Susuportahan kita gaya ng pagsuporta mo sakin. Kahit sila Mayu ay susuportahan ka rin. Matatanggap ka nila gaya ng pagtanggap nila sakin." nginitian nya pa 'ko bago uminom ng tubig. "Sayo na yang hotdogs na natira. Kanina mo pa pinagpapantasyahang kainin eh. Pasok na ko." sabi nya pa bago tumayo. Tiningnan ko muna ang plato nya bago kinuha yon at kinain ang hotdogs. Ang takaw ko hehe.