Chapter 39

129 4 0
                                    

Hyejin's POV

"What?! / Ano?!" pasigaw na tanong ng mga kasama ko.

"Naging kayo ba?" tanong ni Lei kay ate Cayenn. Umiling naman si ate Cayenn.

"Hindi" sabi nya pa.

"Eh bakit kasal na agad ang gusto nyo gayong hindi pa naman nagiging kayo?!" OA na tanong na naman ni Lei.

"Dun din naman ang punta non" kibit-balikat na sagot ni ate Cayenn.

"My goodness" napasapo na lang sa noo si Lei. Habang ang mga pinsan naman namin ay tatawa-tawa na lang.

Sino ba naman kasing hindi magre-react ng ganan. Nagulat na lang kami ng bigla kaming tawagan ni ate Cayenn at sinabing may importante kaming pag-uusapan. At mas nagulat kami sa sinabi nya nung makarating kami dito sa bahay ng parents nya. Dito nya kasi naisipang isagawa ang meeting daw namin.

Nawindang kami nang ibalita nya sa aming ikakasal na daw sya. Naisipan daw nila ni ate Drea na magpakasal na. Kagaya nga ng sagot nya kay Lei kanina, hindi naman naging sila. Mukhang nagkaaminan na silang dalawa tapos kasal na agad ang gusto.

"Umamin ka na ba sa kanya tapos umamin din sya kaya naisip nyo nang magpasakal, este magpakasal?" tanong ni Clint. Yun nga ang gusto kong sabihin.

"Nope" sagot ni ate Cayenn.

"What the hell?!" hindi ko na napigilang mapamura. Natawa tuloy ang mga loko maliban kay ate Cayenn. "Eh bakit kayo magpapakasal?" hindi ko na natiis magtanong.

"Nagkukwentuhan kasi kami tapos nabanggit ko na gusto ko nang makasal. Tapos bigla nyang sinabi na bakit hindi kami magpakasal." sagot nya. "Akala ko pa nga nagbibiro lang sya nung una pero nagulat ako nung sinabi nyang seryoso sya. Matanda na rin naman daw sya at nasa tamang edad na kaya balak nya na ring magpakasal. Wala naman daw syang boyfriend or girlfriend kagaya ko kaya bakit hindi na lang daw kaming dalawa." dagdag nya pa. Ako naman ang napahawak sa ulo ko sa kunsumisyon. "Gusto ko nga sanang tumanggi kaso..." pambibitin nya.

"Kaso mahal mo kaya go na agad?" ako na ang nagtuloy. Tumango naman sya at tumawa. Napailing na lang ako. "Kailan nyo napag-usapan yan?" tanong ko pa.

"Last last week pa" sagot nya. Talaga naman.

"Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko, guys" sabi ni Mayu.

"Hindi lang ikaw, ate Mayu" sagot naman ni Hera. Yung tatlong lalaki naman ay tatawa-tawa lang sa isang tabi. Habang kami ni Lei ay sumasakit ang ulo sa pinsan naming ikakasal na.

"Kailan ang kasal, ate? Alam na ba nila mom?" tanong ni Timothy.

"Kanina ko lang sinabi kina mom at katulad nyo, nagulat din sila. Pero dahil kilala nila si Andrea at mukhang botong boto pa sila ay pinagplanuhan na rin nila ang kasal. Hindi nila alam naunahan ko na silang magplano." natatawang sagot ni ate Cayenn. Hanep.

"So, kailan nga?" tanong ni Lei.

"Next month" sagot ni ate Cayenn. Napanganga na lang ako.

"Agad-agad?!" pasigaw na tanong ni Lei, Mayu at Hera. Habang palakasan naman ng tawa yung tatlong lalaki. Parang biglang gusto kong uminom ng tubig. Tumayo ako at nagpaalam sa kanilang kukuha lang ng tubig sa ref.

"Sama ako" sabi ni Lei at sumunod sakin. Pareho kaming nakailang baso ng tubig nang makarating sa kusina. "Grabe" nasabi na lang ni Lei.

"Gusto ko si ate Drea para sa kanya pero masyado namang nakakabigla." sabi ko kay Lei.

"True, boto rin naman ako pero taena! Mas shocking pa 'to kaysa sa mapabalitang tumubo ulit yung buhok nung panot sa kanto." sabi nya at napa-face palm pa. Loko talaga 'to. Napailing na lang ako at bumalik sa salas kung nasaan sila. Kasunod ko naman si Lei.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon