Hyejin's POV
"Zeyn" banggit ko sa pangalan nya.
"Jin" sya naman ang bumanggit sa pangalan ko.
"Ow, you knew each other?" tanong ni tito.
"Yes, tito" sagot ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Zeyn.
Lumapit na sya samin at humalik sa pisngi ni tito. Loading pa rin ang utak ko, hindi pa ata nag-sink in sa akin nandito sya ngayon sa harap ko.
Bakit hindi ko naisip yon? Sinabi ni Zeyn sakin noon bago sya umalis na kailangan sya ng parents nya dahil may problema sa company nila. At bakit hindi ko napansin na may pagkakahawig sila ni tito Gab. Tadhana nga naman.
"Hey" bumalik lang ako sa sarili ng may pumitik sa harap ko. Nagulat pa ako na ang lapit nya sakin.
"A-ah, hey" nautal na sabi ko pa at napaatras ng kaunti.
"Why don't we sit?" aya ni tito. Naupo naman ulit ako sa kaninang pwesto, umupo naman si Zeyn sa tabi ni tito. "Hindi ko alam na magkakilala na pala kayo" nakangiting sabi nya pa nang makaupo na kami.
"Naging classmates po kami nung college, dad." sagot ni Zeyn.
"Really?" masayang tanong ni tito. "Kung ganoon ay hindi ko na pala kailangang gumawa ng paraan para magkalapit kayo." sabi nya pa.
"Po?" nasabi ko na lang.
"Hmm, gusto ko kasing maging close kayo. Naisip ko kasi na baka magkasundo agad kayong dalawa. Turned out na magkakilala na pala kayo." sagot naman nya.
"Actually, I'm surprised po" pag-amin ko. "Akala ko po kasi lalaki ang anak ninyo" sabi ko pa.
"Dahil Jeorge ang tawag ko sa kanya?" tanong nya. Tumango naman ako na ikinatawa nya. "Dapat pala ay binanggit ko ang buong pangalan nya ano? Kasalanan ko rin ata dahil hindi ko nabanggit na babae sya." dagdag nya pa. Napangiti na lang ako at nailing.
"Siguro nga po" sakay ko naman sa sinabi nya.
"Then let me introduce my daughter again. Hyera, this is my daughter, Jeorgina Zeyn Lawrence." sabi nya pa at isinenyas si Zeyn. Ngumiti naman ako at inilahad ang kamay ko sa harap ni Zeyn.
"Nice to meet you, Miss Lawrence. I'm Hyera Aejin Guevarra nga pala" pakilala ko kahit na kilala naman na nya ako.
"Para kayong baliw" nakangusong sabi nya. "Wait, Hyera Aejin?" tanong nya pa.
"Hmm, that's my full and real name" nakangiting sagot ko. Hyejin Alvarez kasi ang ginamit ko noon sa school. Pero sabi ko nga noon, sa mga documents ko naman ay toong pangalan ko ang nakalagay. Guevarra din ang apelyido ko doon dahil legal nang napalitan yun ni lolo.
"How come?" tanong nya pa.
"Bago ko sagutin yan, pwede bang tanggapin mo muna ang pakikipagkamay ko? Medyo nangangalay na kasi ako" nakangiting sabi ko pa. Napatingin naman sya sa kamay ko at naiiling na nakipagkamay. Parang nakuryente naman ako bigla nang maglapat ang mga kamay namin.
"Pwede mo nang sagutin?" tanong nya nang magbitaw kami. Natawa naman ako ng bahagya.
"Mukhang nakalimutan nyo na atang nandito ako?" sabay kaming napatingin kay tito.
"Sorry po" sabay din naming sabi. Natawa naman si tito.
"Biro lang, maiwan ko muna kayo. Nag-message sakin ang sekretarya ko. May emergency meeting daw ako sa isang client. Mag-usap lang kayo, take your time." sabi ni tito at tumayo. Tinapik nya pa kaming dalawa sa balikat bago lumabas.
