Lei's POV
Aligaga kaming lahat dito sa bahay nila Jin. Ngayon kasi ang debut ni Hera. Akalain nyo yon, yung neneng noon disi otso na ngayon. Hahaha.
"Hoy Lei! Anong tinatawa-tawa mo dyan? Tumulong ka nga rito" sabi sakin ni ate Cayenn. Napanguso naman ako. Panira ng moment.
Nakasimangot na sumunod ako sa kanya. Kami kasi ang naka-assign sa pag-aayos ng venue, which is sa garden nila. Malawak naman kasi dito tapos maganda pa. Ewan ko ba dito kay ate Cayenn at nagpresintang kaming girls na lang daw ang mag-aayos at 'wag nang kumuha ng gagawa. Dinamay pa kami.
Yung boys naman ay naatasan mag-pick up ng ibang binili at mga gagamitin. Baka nasa kung saang lupalop pa yung mga yon.
"Dito mo yan i-pwesto, 'wag dan" sabi sakin ni ate Cayenn.
"Opo opo" nakasimangot na sabi ko. Kasi naman eh.
"'Wag kang sumimangot, ang panget mo" sabi nya sakin. Sinamaan ko sya ng tingin kaya tinaasan nya ako ng isang kilay. "Ano?" mataray na sabi nya.
"Wala po" sabi ko nga tiklop ako.
"Baby" napatingin ako kay Devon na tumawag sakin. Sinalubong naman nya ako ng halik sa labi. "Smile" sabi nya pa. Kusa naman akong napangiti. Pereng tenge 'to.
"Enebe" maharot na sabi ko sa asawa ko. Natawa lang sya at bumalik na sa ginagawa.
"Pabebe" rinig ko pang sabi ni ate Cayenn.
"Inggit ka lang" pang-aasar ko. Inirapan nya lang ako. "Pa-kiss ka rin kay ate Andrea, baka gusto mo" sabi ko pa. Sinamaan nya naman ako ng tingin.
"Eh kung kiskisin ko kaya ng liha yang mukha mo?" sabi nya naman. Natatawang lumayo naman ako sa kanya. Mahirap na, brutal pa naman yan.
"Asaran kayo nang asaran, gumawa na nga lang kayo" napasimangot kami sa sinabi ni Aliz.
"Opo, lola" sabi ko sa kanya. Gulat na napailag naman ako nang batuhin nya ako ng hawak nya. "Hoy, masira yon!" sabi ko sa kanya. Inirapan lang ako ng magaling kong bestfriend. Brutal din 'to eh.
"Buti nga" sabi pa ni ate Cayenn sakin. Nag-make face lang ako sa kanya.
Lumayo na rin ako sa kanya dahil hindi kami matatapos sa kakabangayan naming dalawa.
Hera's POV
"Why so beautiful, anak?" tanong sakin ni mommy matapos akong ayusan ng make up artist.
"Ano ka ba naman, mom. Alam ko naman pong maganda ako, 'wag mo nang ipaalala." biro ko pa.
"Sus, ngayon lang" sabat naman ni ate. Kapapasok nya lang ng kwarto, buhat-buhat nya pa si Hero.
"Epal" nakasimangot na sabi ko. Nginisian nya lang ako. "Nasaan regalo ko?" tanong ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.
"Wala" sabi nya at lumapit samin ni mommy.
"Anong wala?! Ang daya mo, ate. 18th birthday ko tapos wala kang regalo." nakasimangot na reklamo ko. Natawa lang sya.
"Joke lang, mamaya pa darating yung regalo ko eh. Surprise kasi yon" nakangising sabi nya. Hindi maganda ang kutob ko dito.
"Hoy, ate! Lagot ka sakin kapag kalokohan yung regalo mo. Nako, sinasabi ko sayo" banta ko.
"Ano?" mayabang na tanong nya.
