Chapter 14

162 4 0
                                    

Cayenn's POV

Ngayon ang first day ng OJT ko pero 'di ko pa rin alam kung saan ako in-assign ni lolo. Gusto pang pa-suspense.

"Ate Cayenn! Nilamon ka na ba ng kwarto mo?" kumakatok na sabi ni Jin. Napabuntong hininga ako. Sya ang inutusan ni lolo na maghatid sakin sa company kung saan ako mago-OJT. Binuksan ko na ang pinto at hinarap sya. "Ang tagal mo" nakasimangot na sabi nya.

"Wala ka bang pasok at ikaw pa ang inutusan ni lolo?" tanong ko sa kanya habang sinusundan sya palabas ng bahay ko.

"Meron, pero sports fest lang namin. Pwede naman akong ma-late" sagot nya. "Hindi ba sinabi sayo ng kambal?" tanong nya pa.

"Ang alin? Na sports fest nyo?" tanong ko. Tumango naman sya. "Bibihira lang naman magsabi sakin ang dalawang yon." sabi ko pa. Sumakay na kami ng kotse nya.

Nag-sound trip lang kami habang bumibiyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng binta. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong pamilyar ang daang tinatahak namin.

"Fvck!" napamura ako nang matanaw ang mataas na gusali. "Don't tell me sa company ako ni lolo mago-OJT?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa kanya. Sumilay naman ang ngisi sa mukha nya at tumango. "No way" umiiling na sabi ko.

"Yes way" mapang-asar ang tonong sabi nya naman.

"Ayokoooooo!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Ayaw mo? Babagsak ka nan, ate Cayenn. Hindi ka na pwedeng lumipat sa iba." umiiling na sabi nya.

"Pinlano nyo 'to!" inis na sabi ko sa kanya. "Pinagkaisahan nyo 'ko" mangiyak-ngiyak na sabi ko na naman. Narinig ko lang syang tumawa. Pinarada nya ang kotse at bumaba. Ako naman ay nanatili lang sa loob. Ayokong bumaba!

Kinatok nya ang bintana pero 'di ko binuksan. Nabuksan nya ang pinto kahit na ni-lock ko ito. Nasa kanya nga pala ang susi, psh. "Bababa ka ba o gusto mong kaladkarin kita, ate?" tanong nya.

"Walangya ka! Tinawag mo pa kong ate kung kakaladkarin mo lang din ako" reklamo ko pa.

"Bumaba ka na kasi dyan. Lagot ka kay lolo kapag na-late ka." pananakot nya. Nagdadabog na lumabas naman ako ng kotse.

"Nakakainis talaga!" pumapadyak na sabi ko pa.

"Bakit ba ayaw mo dito? Maganda naman dito ah. At saka nandito si mom at lolo kaya maga-guide ka nila." sabi nya pa.

"Eh? Nandito si tita?" gulat na tanong ko.

"Yup. Tinanggap nya na 'tong company. Sya na ang bagong may-ari. Well, nandito pa rin naman si lolo para i-guide sya." sagot naman nya. That's good. Pero ayoko pa rin dito! "Tara na" sabi nya pa at hinila ako. Nang makapasok sa loob ay narinig ko ang bulungan ng ibang empleyado.

"Bakit magkasama na naman si Jin at si Ms. Cayenn?" tanong ng isa sa kasama nya.

"Aba malay ko! Pero sa tingin ko ay kaya nakapasok agad si Jin sa kompanya dahil may kapit sa mataas." sabi naman ng isa. Napakunot ang noo ko.

"Baka ginagamit nya ang mga Guevarra para makakuha ng trabaho. Kaya nakikipaglapit sya sa kanila ay para tumaas ang posisyon." sabi pa ng isa.

That's it. Hindi na ko natutuwa sa sinasabi nila sa pinsan ko.

"You!" turo ko sa empleyadong nagsabi na manggagamit ang pinsan ko. Kinakabahang tumingin naman sya sakin.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon