Chapter 37

126 3 0
                                    

Hyejin's POV

"Hey, kinakabahan ka pa rin ba?" tanong sakin ni Zeyn. Napasimangot naman ako at tumingin sa kanya. Natawa naman sya at pinisil ang kamay kong hawak nya.

Papunta kasi kami ngayon sa bahay namin. Gusto nya raw sumama kasi na-miss nya raw si mommy. Kagagaling lang namin sa bahay nila sa Batangas. Dahil sabi ko nga, magpapaalam ako sa mom nya na liligawan sya. Medyo na-delay nga lang ng kaunti gawa nung outing.

Kahit na pumayag ang mommy nya at pauwi na kami ay kinakabahan pa rin ako. Ewan ko ba. Sa totoo lang ay masaya pa nga ang mommy nya na may something na sa amin ni Zeyn, tapos liligawan ko pa. Matagal na raw akong nakukwento sa kanya ni Zeyn, college pa lang kami. Kaya natuwa sya nang magpaalam akong manligaw at mas natuwa sya nang malaman na ako ang tumulong kay tito Gab.

Hindi nga halatang botong boto sya sakin eh. Wala pa man kaming relasyon ni Zeyn ay binuksan nya agad ang topic about sa kasal daw namin. Nakapagplano na nga agad sila ni tito Gab eh. Tawa lang naman ng tawa si Zeyn sa pinagsasabi ng parents nya.

"Hey tulala ka na naman" sabi ni Zeyn na nakapagpabalik ng wisyo ko. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa daan. Sya na raw ang magmamaneho dahil halatang kabado pa rin ako.

"Akala ko kasi hindi papayag ang mommy mo" sabi ko. Napangiti naman sya.

"She likes you, bakit mo naman naisip na hindi sya papayag?" tanong nya. Napanguso ako.

"Kinabahan lang talaga ako kaya kung ano-ano ang naisip ko." sagot ko naman. Natawa lang sya.

"We're here" sabi nya at itinabi ang kotse. Nakarating na pala kami, hindi ko manlang namalayan. Bumaba na sya ng sasakyan kaya bumaba na rin ako. "Come here" sabi nya sakin at inilahad ang kamay nya. Hinawakan ko naman yon.

"Pasok na tayo?" tanong ko. Nakangiting tumango naman sya. Nginitian ko rin sya at pumasok na kami ng gate.

Nasa may pinto pa lang kami ay naririnig ko na ang pamilyar na boses sa loob. Mukhang kausap nya si mommy. Napakunot naman ang noo ko at napatigil.

"Why?" tanong sakin ni Zeyn. Kunot-noong tumingin ako sa kanya. "Are you okay? What's the problem?" magkasunod na tanong nya. Umiling naman ako.

"Hindi yata ako matutuwa sa makikita ko sa loob" sagot ko. Nag-aalalang nakatingin naman sya sakin. Hinalikan nya ako sa pisngi na ikinagaan ng loob ko. Huminga ako ng malalim bago ngumiti. "Tara na" sabi ko at binuksan ang pinto. Natigilan ako nang makita ang kaharap ni mommy. Sinabi ko na nga ba, hindi ako matutuwa sa makikita.

"Hyejin" banggit nya sa pangalan ko.

"What are you doing here?" tanong ko sa ama ko. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Zeyn sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, marahang tinanguan nya ako. Kumalma naman ang sistema ko.

"Good afternoon po, tita" bati nya ka mommy. "Tito" baling nya naman kay papa at tumango. Kilala nya si papa dahil naikwento ko ito sa kanya noon.

"Good afternoon din, hija" bati rin ni papa.

"Mabuti at dumalaw ka, ang tagal mong nawala" sabi naman ni mommy sa kanya. Ngumiti lang si Zeyn at napakamot sa batok. Napangiti ako sa gesture nya. "Maupo na muna kayo" aya pa ni mommy. Hinila naman ako ni Zeyn paupo sa mahabang sofa.

"Hyejin" napatingin ulit ako kay papa nang tawagin nya ako. Ngayon ko lang napansin na may buhat pala syang sanggol.

"Nandito ang papa mo para humingi ng tulong" sabi sakin ni mommy.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon