Hyejin's POV
Ilang araw na ang nakalipas mula nung huling beses kong nakita at nakausap si Zeyn. Nung celebration pa yon dahil matapos nung nangyari sa library ko ay hindi na ulit nya ako kinausap paglabas namin. Buti pa sila Lei kinakausap nya nung nakabalik na kami sa garden.
Yung usapan namin na hihiramin ko ang oras nya ngayong week ay hindi natupad.
*Sigh*
"Ang lalim nun ah" napalingon ako kay Mayu. Ewan ko ba kung anong trip nito at nambubulabog dito sa mansyon. "Problem?" tanong nya pa at naupo sa tabi ko. Nandito kami sa rooftop, nakatanaw lang ako sa labas. Wala naman akong ibang makita kundi ang ibang bahay at mga puno.
"Hindi nagpaparamdam sakin si Zeyn" malungkot na sabi ko.
"Why? May nangyari ba? Magkakasama pa tayo nung Saturday ah." sabi nya.
"Tinanong nya ko non, nung nasa school pa tayo. Kung babastedin ko raw ba sya kung tatanungin nya ako." sabi ko.
"Tatanungin ng ano?" tanong nya.
"Kung pwede nya raw ba akong maging girlfriend" napapabuntong-hiningang sabi ko. Natigilan naman sya saglit.
"Anong sabi mo?" tanong nya.
"Na ano bang sinasabi nya, puro sya kalokohan" sagot ko. Binatukan naman nya ako.
"Eh sira pala ulo mo eh" naiiling na sabi nya. "Tapos?" sabi nya pa.
"Nung umakyat kami ng kwarto, sinabi nya sakin na nasasaktan sya" mapait ang ngiting sabi ko. "Hinalikan nya rin ako" sabi ko pa.
"Hindi ka tumugon noh?" tanong nya.
"Tumugon" sagot to ko na ikinangiti nya. "Sinabi nya ring mahal nya ako pero..." napalunok ako.
"Pero ano?" tanong nya.
"Pero hindi ako nakapagsalita, gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero hindi pa pwede. Hindi pa nung oras na yon" sabi ko pa.
"Bakit naman?" tanong nya ulit.
"Gusto kong umamin kapag alam kong mahal ko na rin sya" sabi ko.
"Hindi pa ba?" gulat na sabi nya.
"Napaisip ako nitong mga nagdaang araw" naisagot ko na lang.
"Naisip mong mahal mo na sya" siguradong sabi nya. Napatango naman ako. "Yon naman pala eh. Bakit hindi mo sya tawagan or i-text?" suggest nya. Umiling ako.
"I did, pero hindi sya sumasagot" sabi ko. Natahimik kaming dalawa pagkatapos.
Agad akong napatingin sa cellphone ko ng mag-ring ito. Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Mayu.
"Bakit? Who's that?" tanong nya.
"Zeyn" kabadong sabi ko.
"Sira! Sagutin mo na" sabi nya pa. Sinagot ko naman ang tawag.
"H-Hello?" utal na bungad ko.
"Hey" matamlay ang boses na sabi nya. Nakaramdam naman ako ng lungkot. "Can we talk? I mean in person." sabi nya pa.
"Oo naman" agad na sabi ko. "Saan ba?" tanong ko pa.
"Sa tapat sana ng school, kung pwede?" sabi nya.
"Ngayon na ba?" tanong ko.
"Yes, paalis na ako ng bahay actually" sabi nya.
