Nagulat ako sa isang malakas na putok na narinig ko, dahilan upang magising ako at bumilis ang pulso ng aking puso.
"Happy 16th birthday, Lee!" bungad ng pamilya ko sa'kin. Nakapaligid sa kama ko sina Ate Kayla, Kuya Kean, sina Mama, Papa, at ang mga pinsan ko.
I smiled at them. Medyo mapupungay pa ang mga mata ko dahil nga sa bagong gising pa. Niyakap naman ako ni baby jenzen. "Happy birthday Ate Lee!" sabay halik sa pisngi ko. He suddenly made a face after he kissed me on my cheek. "Ew, Ate! You have saliva on your cheeks!"
Nagtawanan naman ang mga tao sa loob ng kwarto habang dali-dali kong pinalis ang laway sa aking pisngi.
"Who told you to kiss me on my cheek ba?" pagtataray ko, pero biro lang 'yon.
Mama chuckled. "Sige na anak, mag-ayos ka na ng sarili mo at bumaba ka na rin pagkatapos. Okay?"
I smiled and nodded. "Yes, Mama."
Lumabas na sila at nagsimula na akong mag-ayos. I took a bath and dryed my hair. Nagmake-up ako nang sobrang light at alam ko namang espesyal ang araw na ito para sa akin. Bumaba na rin ako pagkatapos at nakita kong may mga balloons at marami nang nakahanda sa lamesa.
Naroroon na din ang aking mga tito at tita na nag-aabang sa akin habang ako'y bumababa sa hagdanan. They were smiling at me as Kuya Kean was holding a cake. Nakasindi rin ang labing anim na mga kandila at unti-unti nang lumalapit sa akin si Kuya. Kumakanta naman silang lahat ng Happy Birthday sa akin.
"Make a birthday wish first," ani Kuya.
Pumikit ako nang mariin at nagwish na bago ko unti-unting iminulat ang aking mga sabay sa pag-ihip ko sa mga kandila.
Sana makamit ko lahat ng pangarap ko sa buhay...
Sana mas maging malusog ako at maging successful pa sa future...
And lastly, mas maging masaya pa sana ako at ang pamilya ko sa susunod na mga araw at mas maging buo at masaya kami habang magkakasama.
To more birthdays to come, self!
Nagpalakpakan naman silang lahat pagkatapos kong hipan ang mga kandila at nilapag na ni Kuya ang cake sa ibabaw ng mesa.
"Kainan na!" masayang sigaw ni Beatrice, ang pinsan ko.
"Ano kayang ni-wish mo, Lee?" mausisang tanong ni Tita Joy. "Let me guess... sana magkasyota ka na?"
I chuckled. Bigla namang sumulpot si Papa at sumabat sa usapan.
"Hindi pa 'to pwedeng mag boyfriend," strikto niyang sinabi habang naka-akbay sa akin. "Bakit, Kaylee? May napupusuan ka na ba sa school mo? Ang bata-bata mo pa para d'yan! Hindi maaaring-"
Napatawa si Mama. "Shut up, Jaime. She's a teenager, for Pete's sake! Daig mo pa ang isang aso sa kanga-ngawngaw mo diyan eh!"
Nagtawanan naman sina Tito at Tita at tumango. "Siya nga naman, Kuya Jaime. She's sixteen already!"
Patuloy pa rin sa pag-iling si Papa. I patted his shoulder.
"Chill, Pa." I said cooly. "Wala po akong natitipuhan sa school. There's no gwapo kaya!"
"Ows? Talaga ba?" narinig kong boses ng isang pamilyar na babae. Nang tignan ko sa may pintuan, nagulat ako at dali-daling niyakap ang aking pinakanakatatandang kapatid, si Ate Stella.
"Ate Stella, oh my gosh!" masaya kong tugon sabay yakap nang mahigpit sa kaniya. Niyakap niya ako pabalik nang mas mahigpit pa. "When did you come? I'm so happy that you're here!"
Ate Stella chuckled. "Syempre, 'pag para sa kapatid ko, uuwi at uuwi ako. Happy birthday, my favorite sister!"
"Grabe, I felt so betrayed!" ani Ate Kayla. She laughed. Nagtawanan na lang din kami. Sumabat na rin si Kuya.
"I guess... I'm your favorite brother, ate?"
"Eh ano pa nga ba magagawa ko, eh ikaw lang naman ang nag-iisa kong kapatid na lalaki," biro ni Ate Stella sabay irap. Nagtawanan lang kami at dumeretso na sa pagkain.
Habang naglalagay ng pagkain sa plato, nagsalita naman si Ate Stella.
"So..." aniya. "You're sixteen na. Grade 11 ka na next school year. What are your plans?"
"Hmmm..." napatigil ako bigla. "I'm planning to take up STEM. I'm taking up Civil Engineering in college. After ko makagraduate, I may be following you in the States. Baka doon na ako maghanap ng trabaho."
Ate Stella nodded but her eyebrows furrowed. "That's a good idea but... hindi ba mukhang nalilihis ang landas mo sa pamilya natin? As you can see, our family is a family of doctors. Kung hindi man doctor, may mga pharmacists, med tech tayo, tulad ko."
I smiled and simply shook my head. "I want to take up engineering. Besides, I heard Kuya Kean is taking up civil engineering as well. Malay mo in time, makapag tayo na rin kami ng sariling kompanya. Pag nangyari 'yon, hindi lang clinics at pharmacies ang meron ang pamilya natin, pwede ring companies."
She nodded and smiled brightly, impressed at my answer.
"Siya nga pala, kamusta na kayo ng jowa mong kano?" pag-iiba ko ng usapan. Her face suddenly changed into a frown. She chuckled dryly.
"Ayon, wala na kami. He cheated on me."
I sighed. "Don't worry Ate, I know you'll find someone better. We may not know, baka nandito lang pala sa Pinas ang the one para sa'yo, di mo lang napapansin," sabay tingin at ngumuso sa isang black fortuner na pumarada sa labas ng gate namin, sabay baba ni Kuya Ashton, ang long-time admirer ni Ate Stella.
She hit me on my arms. "A-ano ba? Hindi ko naman type mga g-ganiyan, eh." then she rolled her eyes. Kumatok naman si Kuya Ashton sa pintuan namin at natigilan nang makita si Ate Stella.
Kitang kita ko naman na namula si Ate Stella kaya iniiwas ang mukha. I chuckled.
"Malay mo diba? Pag tinamaan ka ng lintek, wala nang standards standards 'yan!" bulong ko.
"What lintek are you talking about, Lee?" ani Kuya. "Ang dami mong alam."
Iniwan ko na muna sila Ate Stella at Kuya Ashton para makapag usap silang dalawa. Lumapit na lamang ako kay Ate Kayla na tahimik na kumakain ng cake sa table, kasama ang mga pinsan ko.
"Ashton and Ate Stella are perfect for each other. What do you think?" tanong sa amin ni Beatrice. I nodded and looked at Ate Kayla. Napatingin naman si Ate Kayla sa kung nasaan sina Ate Stella at Kuya Ashton.
"M-hmm," walang kabuhay-buhay na sagot ni Ate Kayla. Bumaling na lamang siya ulit sa kinakaing cake at tumayo na pagkatapos. "Tataas lang ako."
I yawned. Ate Kayla and Ate Stella chuckled. "I'm sure napagod ka sa araw na to. Let's rest na," ani Ate Kayla.
At d'yan nagsisimula ang kwento ko. Ako nga pala si Kaylee Averine C. Zaragosa, at mas makikilala n'yo pa ako... sa susunod na mga kabanata.

BINABASA MO ANG
Still Into You
Novela JuvenilOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...