Naging maayos naman ang mga sumunod na araw sa aking trabaho. Okay na rin ang designs na pinagt-trabahuhan namin ni MJ na tumagal ng isang linggo.
I smiled. I'm glad we're not that awkward when talking to each other, or even just by seeing each other inside the office.
Madalas ko na ring nakikita na magkasama sila ni Trixie. I admit, may kaunting kirot pa rin sa puso ang nararamdaman. Pero hindi dapat ganoon ang maramdaman ko. I was the one who hurt him. Who left him. Kaya nararapat lamang na makita siyang may kasamang iba habang ako naman ay naririto lamang sa malayo.
"Good job!" Mr. Chua said. Nagpalakpakan naman ang mga tao roon sa loob ng boardroom nang magkaroon kami ng meeting. "Isa na namang magaling na disenyo, Architect Ramirez."
Architect Ramirez smiled and glanced at me.
"It's Engr. Zaragosa's designs as well."
Namula naman ang aking pisngi sa sinabi at umiwas ng tingin. Nagpalakpakan din naman ang ibang mga matataas ang posisyon sa kompanya. I smiled genuinely at them.
"T-Thank you po," I said.
"No, Engineer," sabi ni Mr. Chua. "Thank you for making this project better. I guess... hindi ako nagkamali sa pagkuha sa'yo."
Napatingin naman ako ngayon kay Trixie Chua na ngayo'y walang karea-reaksyon sa sinabi ng ama. Bumaling na lamang akong muli kay Mr. Chua.
Huminga muna nang malalim si Mr. Chua bago magsalita muli. "Since the proposal is already approved, we'll start the construction by next week. The workers are already hired."
Tumatango-tango naman kaming lahat sa sinabi niya.
"I hope the project will be done in a few months," dagdag pa niya. "But still, I'm not forcing you to finish the construction ahead of time. We're still after the quality of the houses."
Tumango naman kaming lahat. "Okay, meeting adjourned."
Pagkalabas naman namin ng board room ay bigla naman akong nilapitan ni Des.
"OMG! Congratulations siz!" natutuwang sabi niya. I smiled.
"Thank you, Des."
"Ito na ba ang tinatawag na mag ex-tandem?" biro niya. I just rolled my eyes. "Biro lang! This calls for a celebration!"
Tumango naman ako. Pagkapasok ko naman sa aking opisina ay kaagad ko namang tinignan kung may mga gawain pa ba akong dapat tapusin.
It's already 3 in the afternoon and 5 pm pa lamang ay pwede na akong umuwi. May iilang mga paper works pa akong natitira sa opisina at mukha namang kaya ko iyong gawin hanggang mamayang alas singko kaya ginawa ko na iyon.
Ilang oras naman ang nakalipas at habang ginagawa ko ang trabaho ko ay biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.
It was Trixie Chua.
"Congratulations, Engineer Zaragosa," aniya. She was smiling at me but I'm not sure if that was meant by her. I mean... iba lamang ang pakiramdam ko.
I smiled back and nodded. "Thank you, Ma'am."
"Well, are you busy?" tanong niya. "Can we grab some coffee?"
"Uh..." hindi ko alam ang isasagot ko. She's my boss, though. Kahit siguro sabihin kong marami akong ginagawa ay pwedeng itigil ko muna ang aking trabaho.
"I actually have to finish these paperworks," sabi ko. Tumango naman siya.
"Kailan ba deadline niyan?" kuryoso niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Novela JuvenilOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...