Alas siete na at kailangan na naming umalis nang maaga para hindi matraffic dahil ngayon ang alis ni Ate Stella pabalik ng New York. Sayang at hindi pa kami nakapag bonding dahil may pasok na rin ako.
Isang oras din at kalahati ang byahe magmula Lipa, Batangas hanggang Maynila. 10 a.m. pa ang flight ni Ate at nakarating naman kami sa airport ng 8:50 a.m. Tama lang, at hindi nagmadali.
"Sige na po Mama, Papa," ani Ate Stella. "Mag-iingat po kayo dito sa Pilipinas."
Tumango naman kami at sabay sabay na niyakap ang isa't isa. Halos mangiyak ngiyak na naman si Mama dahil aalis na ulit si Ate.
"Ma," ani Kuya. "We can visit her in the States. Para namang 'di kayo sanay na naga-abroad ang Ate."
"Masisisi mo ba ako?" tanong ni Mama sabay sa pagsinghap habang nakaakbay sa kaniya si Papa.
"Sige na, anak," aniya. "Lumakad ka na at baka hindi ka pa umabot."
Tumalikod naman na si Ate at pumila na para kumuha ng boarding pass. Makalipas lamang ang ilang saglit at bumalik na kami sa parking lot at aalis na sa airport.
I sighed. Kung wala lang sanang pasok ngayon, malamang sa malamang ay kasama na rin kaming buong pamilya sa pagpunta sa New York.
Masyadong boring ang byahe. Isinalpak ko na lamang ang earphones sa tenga ko at nakinig sa music habang nakaupo sa may bintana.
"What if... dumaan muna tayo ng Quiapo?" ani Mama. "Matagal tagal na rin tayong hindi nakakadaan doon. Magpasalamat muna tayo sa Panginoon."
Sumang-ayon naman sina Papa. That's a good idea, though. Matagal tagal na nga rin akong hindi pa nakakapunta doon. The last time that we went there, siguro 2 years ago, nung anniversary nina Mama at Papa.
Nung bumaba na kami, hindi gasinong marami ang tao kahit Sabado, kumpara sa dami ng tao kapag Linggo. Minsan ay wala na rin maupuan sa sobrang dami eh. Nakikita ko rin lang sa Facebook, kapag nakikita kong may nagl-live.
Pumasok na kami sa loob ng simbahan at umupo sa may parteng unahan. Lumuhod kaming lahat at nagkaniya-kaniyang dasal.
Lord, maraming maraming salamat po sa mga biyayang binibigay Ninyo sa amin. Thank you for always there, protecting us and always guiding us in every step of the way. Sana po ay patuloy kayong nasa tabi naming lahat, at sana ay mas maging maganda at masaya pa po ang aming pamilya. Kayo na po ang bahala sa lahat. Salamat po.
Pagkatapos ko namang magdasal ay napagpasyahan kong maglibot libot sa simbahan. I'm not really familiar with the different areas within Quiapo. Tahimik ang mga taong nagdadasal sa loob ng simbahan ngunit rinig na rinig pa rin ang mga maiingay na sasakyan sa labas. Medyo marami rami ding tao ang mga namimili sa mga tiangge na nakapwesto sa labas ng simbahan.
Sa paglalakad ko, dahil nga sa karamihan sa may mga tindahan ay may nakabangga sa aking isang lalaki. Mukhang nagmamadali yata kaya nasagi ako. Sa pagkasagi niya sa akin ay nahulog tuloy ang aking bag. Kukuhanin niya sana para iabot sa akin ngunit naunahan ko na siyang pulutin ito. Aba, baka mamaya holdaper pa!
"I'm sorry miss," ani nung lalaki. His voice is deep. Sa hitsura niya, hindi ko inakalang sa isang payat ngunit may magandang hubog ng katawan at matangkad, ay ganito pala ang kaniyang boses. I was expecting that his voice is way thinner than his usual voice.
"Sa susunod naman, tignan mo nilalakaran mo!" I exclaimed.
"Dapat tumabi ka na lang," sagot niya. "Hindi 'yung para kang namamasyal sa gitna pa talaga ng daan."
He's wearing a gray jacket, at nakahood pa siya. Sa initan, naka hoodie pa siya, ha? Introvert yata to eh. Haharap na siya sa akin nang iniwas ko ang aking mukha sa kaniya at tumingin ako sa ibang direksyon. Aba, malay ko kung holdaper 'to o ano, baka mamukhaan pa ako at mabiktima niya pa ako!
Mabilis ko namang pinagpagan ang aking bag dahil nahulog sa lupa. Pagkatapos noon ay nagmadali pa akong lumakad palayo at bumalik na sa simbahan. My family might be looking for me.
"Dios ko naman, Kaylee! Where have you been?" nag-aalalang tanong ni Mama. "We're even contacting you, pero hindi ka naman sumasagot!"
I checked my phone and I didn't know na na-empty na pala ang battery ko. "I'm sorry po. That won't happen again. I just wanted to take a walk-"
"Pero hindi ka sanay sa lugar dito, anak," paliwanag ni Papa. "Next time, sabihan mo kami nang sa gayon ay alam namin kung nasaan ka. Isa pa, para kung may gusto kang puntahan dito, masasamahan ka namin!"
I just nodded and smiled at him. "Yes, Pa."
"Wala namang nang-ano sa'yo sa paglalakad mo?" nag-aalalang tanong ni Ate Kayla.
Naalala ko lang 'yung lalaki kanina. Ang yabang niya ha! Hindi porket taga rito siya eh ganon na siya umasta sa ibang tao, tulad ko! Pero, mukha naman siyang mabait. He has a point, though. Bakit nga ba ako nakatigil lang sa gitna ng daan? Well, hindi naman ako nainformed na bawal tumigil doon 'no!
"Huy! Kinakausap kita Kaylee Averine!" nagulat ako nang bigla akong sinigawan ni Ate.
"Ah! Eh wala naman," deretsahan kong sagot. "Pasensya na, gutom na ako eh."
"Where do you wanna eat?" tanong ni Mama.
"Kahit saan na lang po dito," sabi ko. "I saw Mang Inasal a while ago. Nandito lang po 'yon."
"We can just eat at the condo," ani Ate Kayla. Tumango naman si Kuya sa sinabi ni Ate at tumingin sa akin.
"Pero... gutom na talaga ako eh."
Ate Kayla sighed. "Sige na nga!"
Naglakad lamang kami nang kaunti at nakarating na kami sa Mang Inasal. Iniwan na muna namin ang sasakyan sa parking sa may simbahan para hindi na hassle.
Nagulat ako nang makita ko na may lalaking nasa loob ng Mang Inasal na nakagray ng jacket. Nakatanggal ang hoodie niya ngayon. Mukhang siya yata 'yon!
Bubuksan na sana ni Papa ang pintuan nang bigla ko siyang pinigilan.
"What's wrong anak?" tanong ni Papa.
"Ah... eh..." isip, kaylee! Isip! "Aray! 'Yung tyan ko po, masakit..."
"Tamang tama! May banyo dito, doon ka na tumae kung gusto mo," sabay hila ulit sa pintuan at pinigilan ko na ulit.
"Eh... we can just eat in our condo instead," I said. Bigla namang humarap yung lalaking nakabangga ko kanina. Bigla naman akong tumalikod!
"Ano bang pinagsasabi mo pa, Kaylee!" sabi ni Mama. "Nandirito na tayo, tapos ngayon, sa condo mo naman gustong kumain."
"Oo nga, Lee," pagsang-ayon ni Kuya. "Ano bang problema dito?"
"Change of plans, Kuya," yun na lamang ang tangi kong nasabi. "Mukhang ayaw din naman ni Ate kumain dito kaya mas mabuti pang sa condo na lang. Please?"
"Lee's right," sabi ni Ate. "I would appreciate it more kung sa condo na lang tayo kumain. Doon na lang din tayo matulog ngayon, nakakatamad na rin kasi umuwi sa Lipa ngayon."
Mabuti naman at naconvince ko silang lahat na umuwi na lamang sa Makati at doon na lamang kami kumain. Nag-drive thru na lamang kami sa mcdo at kinain iyon pagkarating na pagkarating namin sa condo.

BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...