Dahil nga sa medyo matatagalan pa sina Mama, Papa, Ate, at Kuya dito sa Pilipinas, napagpasyahan ko munang hindi na muna gumala kasama sila. Marami pa rin akong kailangang ayusin sa trabaho at nakasama ko naman na sila sa galaan noong isang araw.
Pupunta na akong muli sa site dahil kailangan ko na ulit i-check kung ano na ang progress ng construction.
Dala-dala ko naman na ang kotse ko dahil naayos na rin iyon sa wakas. It won't be hard for me to take the bus and LRT everyday. Ugh, I just hate the rush hour feeling.
May nakalimutan kasi ako sa office ko kaya pumunta muna ako sa Manila bago dumeretso sa Laguna.
Habang nakatigil naman ako dahil naka stop ang traffic light, bigla namang tumunog ang aking cellphone at napagtantong message pala iyon.
Unknown number:
I have a meeting in Bicol. Baka next week na ako makauwi dyan.
Luh? Sino kaya 'tong nagtext sa akin?
Unknown number:
This is your husband, by the way. Save my number.Husband? I scoffed while reading the text. Wrong send siguro 'to. Nagpatuloy na lamang ako sa pagmamaneho at nagsignal naman na ng "go" ang traffic light.
Pagkarating ko naman na sa opisina ay dumeretso na ako sa opisina ko para may kuhaning mga papel na may kinalaman sa construction. Pupunta rin doon mamaya si Trixie at doon ko na id-discuss ang iba pang mga kailangan sa site.
Habang nasa elevator pababa na ng lobby ay nakasabay ko naman ang isang empleyado doon ng CSCC. Binati niya ako kaya binati ko rin siya pabalik.
Bigla ko namang napagtantong hindi ko pa nakikita si MJ buhat kaninang umaga. Mukhang wala ring tao sa loob ng kaniyang opisina kaya napakunot ako ng noo.
"Uhm, excuse me," sabi ko doon sa babae. Buamling naman siya sa akin. "Nakita mo ba si Architect Ramirez?"
"Ahh si Architect po?" tanong nung babae. "Nasa Bicol po siya ngayon. May conference meeting po yata."
Naalala ko naman bigla na may itatayong branch pa nga pala ng Chua Scapes doon sa Bicol.
I then realized that the text message I received a while ago was from him!
How dare he say he's my husband?
Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagtipa ng irereply sa kaniya.
Ako:
I don't have a husband yet. Wrong send ka po yata, Architect.Habang naglalakad naman ako papunta sa aking sasakyan ay tumunog bigla ang aking cellphone. Nagreply na rin siya sa aking message.
MJ:
Pagbalik ko, may asawa ka na.Natigilan naman ako bigla sa paglalakad at napangiti. Umiling na lamang ako at isinuksok ang cellphone sa loob ng bulsa ng aking pantalon at pumasok na sa loob ng kotse.
Halos may isang oras at mahigit ang aking ibiniyahe papuntang Laguna. Pagkarating ko naman doon ay naroroon na si Des at kumakaway kaway na sa akin kahit ako'y nagmamaneho pa.
Pagkababa ko nama'y sinalubong kaagad ako ni Des.
"Omg! I missed you siz!" yakap niya sa akin. I just rolled my eyes and chuckled.
"Dalawang araw lang na nawala, miss agad?" biro ko. "As if jowa mo ako ah."
Napatawa naman si Des sa sinabi ko. Bago naman ako pumunta sa site ay bumili muna ako ng meryenda para sa mga manggagawa. Tuwang tuwa naman sila sa aking dala-dala kaya napagpasyahan naming kumain muna bago magpatuloy sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...