ika-22

31 5 0
                                    

Dalawang linggo naman na ang nakakalipas pagkatapos magbukas ng klase namin. I'm quite used to our schedule na rin. I feel like I'm already a college student.

Friday ngayon at ang klase ko ngayon ay Pre-Calculus, Earth Science, at Filipino.

Alas kwatro naman ang labas ko ngayon kaya dapat ay maaga akong makauwi para makaluwas na kaagad kami ng Maynila.

Habang nasa klase ay hindi pa rin ako mapakali sa aking kinauupuan. Ramdam ko'y napaka haba pa ng oras bago mag-uwian. I sighed.

Bukod pa roon, wala rin naman ng mga kaibigan ko sa aking tabi maging si Ali dahil iba naman ang strand niya sa strand ko. Ako ay STEM samantalang siga ay ABM.

Tulala lamang ako habang nagk-klase. Mabuti na lamang dahil kahit papaano ay nakapagreview at nakapag-aral ako sa bawat subjects na tatalakayin namin ngayon.

I checked my phone if there is a message from someone pero wala. Last message ni MJ ay ang goodmorning niya sa akin kaninang umaga.

Muntikan na akong mapatayo sa kinauupuan ko nang bigla akong binulungan ni Troy.

"Lalim naman ng iniisip mo, ako lang 'to," mayabang niyang sinabi sabay ngiti na nakakairita. I rolled my eyes.

"Huwag mo akong masyadong isipin," lapit niya pa sa tenga ko kaya lumayo naman ako at iniipod ko ang node chair ko pauna. He chuckled.

Nakakairita talaga 'yong mga feeling pogi na ang taas taas ng confidence, mga playboy naman.

I glared at him. "Don't you know personal space?"

"Personal space, my ass. Taken ka na ba?" tanong niya.

"Yes," I confidently said. His eyes widened. I just rolled my eyes and put his hand away from my chair.

So annoying.

Mabuti na lamang at malapit nang maglabasan dahil makakauwi na rin ako para pumunta ng Maynila. I got excited so much that as soon as the prof dismissed the class, umalis na kaagad ako.

Wala namang nakapilang tricycle sa Villa Lourdes kaya naman ako'y naghintay pa ng ilang minuto hanggang sa nakasakay na ako.

Habang nasa biyahe ay naisipan ko namang i-text si MJ.

Ako:
     How are you? I'm on my way home. Papunta na rin kami sa Manila maya-maya.

I know he still has a class at this moment. Okay lang naman kung hindi siya makakapag-reply sa akin dahil mas mahalaga ang pag-aaral sa akin.

"Diyan na lamang po ako sa tabi," sabi ko kay Manong Driver. Pagkaabot ko naman ng bayad ay deretso na ako sa loob at saktong nasa labas naman si Mama.

"You got home early," aniya. I smiled and hugged her.

"Excited lang pumunta sa Manila Ma," sabi ko. Pagkasabi ko naman noon ay nag-iba bigla ang kaniyang reaksyon. My eyebrows furrowed.

"Baka next week na lang tayo makakapunta sa Manila," aniya. "Kailangan kasi kami ng Papa mo rito."

Bigla naman akong nalungkot sa sinabi. I was really excited that after a week, I'm gonna be able to meet my friends again, and even MJ. Naiintindihan ko naman si Mama na mas kailangan sila rito. They still have a big responsibility after all.

"I'm sorry I had to ruin your excitement," aniya. Umiling na lamang ako at ngumiti.

"I understand, Ma." simple kong sinabi. "May responsibilidad po kayo rito, and we can just go to Manila some other time. Next week, just like what you said."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon