ika-11

44 7 1
                                    

  Linggo ngayon at gaya nga ng napag usapan namin nung isang Linggo, sa Quiapo na kami sisimba. Anniversary din kasi nina Mama at Papa ngayon.

  Maaga rin kaming lumuwas ng Maynila para hindi na kami ma-traffic pa mamaya. Sa condo na kami magpapatibuhat papunta ng simbahan.

"Where do you want to go?" tanong ni Mama. "We can go to Pasay later after we attend the mass."

"That's a good idea Mama," pagsang-ayon ni Ate Kayla. "I'll buy a new bag too."

"Bagong bag na naman?" sabi ko. "Parang last week lang, bumili ka ng Chanel na bag. Ano naman ngayon? Gucci? Louis Vuitton?"

"Ang galing mo talaga, Lee! Dahil dyan, dadaan ako sa Greenbelt 4 mamaya. I'll buy my bag there," excited na sinabi ni Ate.

I rolled my eyes. Nagpatuloy naman ako sa ginagawa. Maya maya lamang ay nagbihis na ako at nag-ayos na ng sarili dahil sisimba na rin kami. 

Maaga na naman kaming nakarating sa simbahan, at para libangin ang sarili ay nag-ikot ikot ako sa labas sandali. Hinayaan na rin ako nina Mama dahil alam naman nila na babalik din ako bago magsimula ang misa. 

Nang ako'y nasa labas na, nagmasid masid ako sa paligid kung may makikita. I sighed. Baka hindi sila sumimba ngayon. Or... baka kanina silang umaga sumimba dito. 

Bakit ko ba siya hinahanap?

May I remind you, Kaylee Averine, you're here to attend a mass. You're not here to find someone you don't actually know. Tumingin ako sa kawalan at napabuntong hininga na lamang.

"Looking for me, miss?" a familiar voice of a man said. 

I think I've already heard that voice somewhere. Nagulat naman ako at nilingon ko ito at laking gulat ko nang hindi makapaniwala sa nakikita ko sa harapan ko ngayon. 

"M-M-MJ... R-Ramirez?" 

He chuckled. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang ganito kami kalapit sa isa't isa at talagang nag-iimikan na kami ngayon! Sa personal!

"Yup. Tuwing alas tres ka pala sumisimba dito," aniya. "E'di... malapit ka lang dito?"

Hindi ko naman namamalayang napatitig na pala ako nang kaunti sa kaniya. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, at bigla naman akong natauhan sa ginawa. 

"Gwapo ko sa personal, 'no? Titig na titig sa'kin eh," mayabang niyang sinabi. I pushed him away and looked away. 

"Gwapo, my ass."

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko," aniya. "Malapit ka lang dito?"

"Bakit ko sasagutin? Close tayo, 'te?" I rolled my eyes while he shook his head. Bigla namang nagsimulang tumutugtog sa loob ng simbahan at hindi ko na maintindihan kung ano gagawin ko. Dali-dali naman akong naglakad habang nakatigil pa rin si MJ sa kung saan kami nakatayo kanina. 

"Yun na 'yon?" sigaw niya. "Ang bilis naman!"

"SHH!" saway ko sa kaniya. "Nagsisimula na ang misa, oh!" 

Nang bumalik ako sa loob ay bigla naman akong pinagsabihan ni Mama. "San ka ba galing?"

"Ah...eh... napasarap po kasi pagpapahangin ko sa labas," yun na lamang ang tangi kong nasabi. 

Nakita ko naman na pumasok na rin si MJ sa loob, nakatingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya, at nang hindi na siya nakatingin ay ibinaling ko ang aking mata sa kaniya. He's with his mother too. Siguro'y nag-iisang anak ito kaya laging kapag nakikita ko sila ay silang dalawa lang ng kaniyang ina ang magkasama. I wonder where his father is?

Natapos na rin ang misa at tulad nga sa napag-usapan namin kanina habang nasa condo ay mamamasyal muna kami sa Pasay, tapos pupunta din kami sa Greenbelt para sa bibilhin ni Ate. 

To be honest, I'm not a materialistic type of person. Kung ano ang meron ako, sapat na iyon para sa akin. Ate Kayla really likes to spend her money on different things like bags, wallets, shoes, and etc. Hindi naman niya kayang gamitin 'yon sa isang araw o nang sabay-sabay.

Bago kami umalis sa simbahan ay nag tirik muna kami ng kandila at sabay-sabay nagdasal. Nang pumunta naman kami doon ay nadatnan namin sina MJ at ang kaniyang ina na nagdadasal din. Napatingin sa direksyon namin si MJ.

Ngumiti lamang ako nang patago para hindi nila mahalata. Masyado pa kasing maraming itatanong sina Mama at Papa kung babatiin ko siya nang lantaran. Hindi rin naman kami ganoon ka close kaya ganoon. 

Palabas na sila ng kaniyang ina kaya naman nagkasalubong kami. Napansin ko rin na may maliit na papel siyang hawak kanina. Bigla naman akong nagulat nang bigla niya akong tinapik sa braso ko, kaya ang hawak niyang papel ay dumikit sa braso ko.

My eyebrows furrowed. Abala naman sina Mama at Papa sa pagtitirik ng kandila habang nagmamasid masid naman ng paligid sina Ate at Kuya. Kinuha ko naman at tinignan ang papel. 

Number ko. Nakakahiya naman kasi sa'yo. Alam kong hindi mo ibibigay sa'yo.

095642...

Wow ha. Is he expecting that after he gave his number to me, I will text him? Over my dead sexy body!

Isinuksok ko na lamang ang papel na iyon sa bulsa ko at nagdasal na lamang. Pagkatapos naman noon ay dumeretso na kami sa mga iba pang pupuntahan. 

Kumain muna kami sa isang fastfood chain sa MOA dahil gutom na gutom na raw si Ate Kayla. Habang naghihintay sa pagkain ay nag-cr muna ako.

Habang nasa loob ng cr ay kinuha kong muli ang papel na binigay niya sa akin kanina. I added him on my contacts. Binuksan ko na rin ang data ko para magcheck kung may message ba ako.

@mjramirez_ :
  Naghihintay pa rin ako sa text mu :)

Ako:
  Bakit naman kita itetext?

@mjramirez_ :
   Nung nakita mo nga ako kanina... kulang na lang tumulo laway mo saken. HAHAHAHAH

Saan kaya 'to kumukuha ng kakapalan ng mukha?

Ako:
   Sarap mo talaga
   Sampalin. Gumising ka nga! Nanaginip         ka e

@mjramirez_ :
   Sus kung alam mo lang...

Ako:
  What?

@mjramirez_ :
   Crush mo lang ako eh

Ako:
   Ewan ko sa'yo. Bahala ka na dyan!

Bumalik na ulit ako sa table namin. Ewan ko ba, ang kapal niya talaga. Kung hindi lang siya gwapo eh...

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon