ika-27

35 6 0
                                    

Pugtong-pugto na ang mata ko sa kakaiyak gabi-gabi. Hindi rin ako makatulog nang maayos dahil patuloy kong iniisip ang sinabi ni Mama noong isang gabi.

Sakto namang umulan ngayong gabi. Kasabay sa pagpatak ng ulan ay ang mga malalaking pagpatak ng luha sa pisngi ko.

I can't imagine myself without him. Bakit ba ganito ang nangyayari ngayon?

Hindi ba pwedeng magmahal lang nang masaya? Bakit kailangan napakakomplikado pa ng sitwasyon naming dalawa ngayon?

Bakit ba kailangan kong pumili?

Bakit ba ganito si Mama sa akin?

Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos mangyari ang diskusyunan noong isang gabi. Wala pa rin akong ganang kumain at halos hindi na ako nakakakain dahil hindi ako lumalabas ng kwarto.

Someone knocked on my door. Sobrang sobrang paga ang mata ko, at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Nang binuksan naman ang pinto, si Ate Kayla pala iyon.

"Kaylee," aniya. "You need to eat. Baka magkasakit ka pa sa lagay mong 'yan."

I can sense her being concerned and worried about me. Suminghap naman ako at umiling.

"I'm not hungry," sabi ko.

"Pero--"

"Ate, please. I'm not hungry."

Napabuntong hininga naman si Ate at inilapag ang pagkain sa mesa ko. "I'll just leave it here. 'Pag nagutom ka, may makakain ka rito."

Habang nakahiga naman ay bumaling na lamang ako sa kabilang banda at hindi na hinarap pa si Ate.

Pagkalabas ni Ate ay narinig ko naman kaagad ang boses ni Mama.

"Ayaw po niya kumain eh," sabi ni Ate Kayla.

"Kung ayaw niyang kumain, e'di huwag!" Mama shouted. "Kung gusto niyang magpakamatay, wala na akong magagawa!"

Patuloy na tumulo ang luha ko at nagkakanda sinok sinok na ako sa pag-iyak. Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Pagkatingin ko ay si MJ pala.

Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Pinalis ko naman ang luha ko at saka sinagot ang tawag niya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa isang salita pa lamang ay mahahatalang umiiyak ako.

"Hello?" bungad niya.

"H-Hi," I tried to sound okay. "How are you?"

Medyo paos ako sa kakaiyak. Dalawang araw din kaming hindi nagkausap ni MJ at hanggang text lamang iyon.

"I'm good. Ikaw? Bakit parang napaos ka? Nagconcert ka pa yata sa banyo, eh," biro pa niya.

Tumawa ako nang bahagya kahit ang luha ay patuloy na tumutulo. Napasinghap naman ako nang biglaan.

"Ayos ka lang ba, Kaylee?" nag-aalala niyang tanong. "Anong nangyari? Umiiyak ka ba?"

Tumatango-tango naman ako sa sinabi.

"O-Okay lang ako," I really tried my best to sound okay, but then my voice broke. Napahinga ako nang malalim at saka nagsalitang muli. "Sinisipon ako kasi nabasa ako ng ulan. M-Mawawala rin 'to."

"Hindi ako naniniwala," he's more serious now. "Anong problema?"

Umiling ako. "Wala... nabasa lang talaga ako ng ulan. Baka bukas o makalawa, okay na rin ako."

I heard him sighing. "Next time, huwag kang magpapabasa nang ganoon. Gusto ko, lagi kang malakas. Gusto ko, kahit wala ako diyan sa tabi mo, malakas ka pa rin. Na kaya mo pa rin alagaan ang sarili mo."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon