Nagtingin pa ako ng iba niyang litrato sa ibang social media accounts niya. Mabilis ko naman siyang nahanap sa FB dahil alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng MJ sa pangalan niya. Nakapublic naman ang kaniyang account sa Facebook kaya naman mas madali nang makita mga photos niya doon.
So totoo nga na sa Adamson siya nag-aaral. Maraming photos din ang nakatag sa kaniya. Pamilya niya siguro ang nagpost noon. Just by looking at his photos, masasabi kong masaya siyang kasama.
"Kaylee," bigla namang pumasok si Mama sa kwarto ko. "Matulog ka na. Maaga ka pa bukas."
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Lumabas na si Mama at nagpatuloy naman ako sa kakastalk dito sa MJ na 'to.
Im-message ko ba 'to? Sasabihin ko ba na ako ang nakachat niya sa omegle at ako rin ang nakatinginan niya sa simbahan kanina?
Tumingin naman ako sa orasan namin at nakitang alas nuebe na pala ng gabi. Masyado naman akong napasarap sa pagb-browse ng photos niya at kailangan ko nang matulog. Baka tulog na iyon sa oras na ito? Baka naman hindi. Nakachat ko nga siya sa Omegle nang alas onse ng gabi eh.
Try lang naten. Wala naman sigurong masama 'diba?
Ako: Hi?
Hindi ko na inantay na magreply siya sa message ko. Sa halip ay nagpahinga na ako at natulog.
Maaga naman akong nagising at maagang nag-ayos ng sarili. Maaga na ring umalis si Papa para sa trabaho at ganoon na rin si Mama. Sabay na lang ulit kami ni Kuya Kean sa pag-alis since OJT na siya ngayon. Si Ate naman, tinatamad yatang pumasok kaya naman tulog pa rin hanggang ngayon.
Habang nasa byahe, ni-check ko naman ang cellphone ko kung may notifications ba or messages akong natanggap. Pero wala naman. Binuksan ko muna sandali ang data ko at nagcheck ng IG. Nagulat ako nang may "1" doon sa may dms. Dali-dali ko namang binuksan ito at umaasang tama nga ang hinala ko kung sino ang nagmessage sakin.
I sighed. Hindi pa rin pala siya nagrereply. Binuksan ko ang message ko sa kaniya, at kahit seen ay wala. When I clicked his profile, "user not found" pa ang nakalagay. Anak ng tokneneng! Binlock pa nga ako!
Napatingin naman sa akin si Kuya kaya inayos ko ang aking upo.
"Is there something wrong?" tanong niya. Umiling naman ako at tumingin na lamang sa labas ng bintana.
"You look disappointed," he added.
"Wala nga," matamlay kong tugon. "Hindi lang siguro maganda ang umaga ko."
Hindi na niya iyon dinagdagan pa hanggang sa nakarating na kami sa may school. Bumaba na lamang ako at naglakad habang si Kuya naman ay papunta na sa pagi-intership-an niya ngayon.
Sa paglalakad ko naman sa may hallway ay sinalubong naman na ako nina Ali, Aez, at Megan doon. I smiled and waved at them. Lumapit naman agad sila sa akin at inakbayan ako.
"You seem to be in a bad mood right now," ani Megan. "Ang aga naman yata ng bad vibes sa'yp. Anyare?"
"H-huh? Wala," sabi ko at ngumiti. "Mausok kasi sa labas, tapos ang ingay pa ng mga sasakyan. Nakakairita."
"Hay nako, dapat talaga nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga tao," biglang sabat naman ni Aez. Napatawa naman si Ali sa sinabi.
"Anong connect?"
"Duh, siyempre kung magkakaisa ang bawat Pilipino, magkakaroon ng peace and order sa bansa. Oh diba magiging responsable tayo sa mga gawain natin araw-araw, at magakakaroon tayo ng discipline! And I, thank you!"
I chuckled. "Pwede ka na ngang sumabak sa Binibining Pilipinas."
"Iyon ay kung tatanggapin ng management ang bakla," biro ni Megan na siya namang ikinagalit ni Aez. "Just kidding, ano ba!"
Sabay sabay na kaming pumasok ng classroom. Napatingin naman si Ethan sa amin nang pagkapasok at hindi magkaintindihan sa gagawin. Tumawa naman nang malakas si Aezon.
"Hay nako Ethan," aniya. "Dumating lang si Kaylee, hindi ka na magkadaugaga sa pwesto mo."
Kinurot ko naman sa braso si Aezon dahil sa sinabi niya. He gave me a "What? I did nothing wrong?" look. Dumeretso na ako sa upuan ko at nagbasa basa ng mga aralin para sa mga susunod na klase.
Ang kapal naman niya, talagang ni-block pa ako sa Instagram! Kung alam ko lang na ganoon pala ang mangyayari, hindi na lang sana ako inaccept at nag follow request in the first place! Or better than that, sana hindi na lang niya binigay acc niya sa'kin!
"Class dismissed. See you tomorrow," ani Ms. Emilia, teacher namin sa social studies.
"Haaaayy salamat," ani Aliana. "Kanina ko pang gustong matapos na ang subject na iyon eh! Wala naman akong natututunan."
"True," pagsang-ayon pa ni Aez sa sinabi.
"Magaling pa 'tong si Lee, kahit wala sa huwisyo kanina, nakakacope up pa din sa mga lesson!"
"H-Ha?" gulat kong sinabi.
"Kanina ka pa kayang tulala sa klase," sabi ni Ali. "Konting ihip pa sa'yo ng hangin, talagang tulala ka na pang habang buhay!"
Tulala ba talaga ako buong klase? Or... buong maghapon?!
"May problema ka ba, Lee?" nag-aalalang tanong ni Megan. "Kung meron, sabihan mo lang kami. Ano pa't naging kaibigan mo kami kung 'di mo rin pala kami masasandalan."
"True," ani Aezon. "At saka kanina ka pang umagang ganyan."
"Eh?" wala sa sarili kong tanong.
"Why do I have a feeling na lalaki ang problema mo?" tanong ni Ali, habang nakakunot ang noo at inilalapit ang mukha niya sa akin para suriin ang pagmumukha ko.
Mabilis ko namang sinapok ang mukha niya, dahilan upang mapa "Aray!" siya sa ginawa ko. "A-ano bang lalaki? H-hindi 'no!"
"Si Ethan ba? Naku!"
"Tange! Hindi! AAAAA basta! Hindi lalaki. Tapos. Uuwi na 'ko, next time na lang ako sasama sa gala ninyo. Bye!"
Nagmadali naman akong umuwi at nakasalubong ko namang bigla si Ethan na kita kong nakangiti na sa akin kahit malayo pa ako sa kaniya.
"Uh... uuwi ka na ba? Hatid na kita."
"H-huh? Hindi na! Kaya ko na 'to," tumawa ako nang bahagya. "Sige na, next time na lang. Una na 'ko!"
Tumango naman siya sa akin at umalis na ako nang tuluyan. Umuwi na ako nang tuluyan sa bahay at nagpahinga. Nadatnan ko si Ate sa sala, nanonood ng TV, at nagulat ako na nandon ang boyfriend niya!
"Hi siz," bati ni Ate Kayla sa akin. "May pagkain na diyan, magmeryenda ka na."
"Busog pa 'ko," sabi ko. "Mauna na 'ko sa taas," sabay baling din sa boyfriend niyang si Kuya Liam at tumango naman sa akin at ngumiti.
Dumeretso na ako sa kwarto ko at nahiga. I sighed. Bigla namang nag notif nang muli ang cellphone ko, at nakita ang isang message sa IG ko.
@mjramirez_
Slr, hello. Ikaw 'yung nakachat ko sa omegle diba? Sorry nablock kita kanina. :(
Pake ko. Nilapag ko na lamang sa lamesa ko ang cellphone ko at natulog na lang pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...