ika-30

34 6 0
                                    

"Ginugulat mo kami, Kaylee!" Megan exclaimed. I chuckled.

"I missed you, girls," sabi ko. Nagyakapan naman kaming lahat.

"Anim na taon din tayong hindi nagkasama-sama," ani Aezon. Tumango naman kaming tatlo. "This deserves a night party!

We went to one of the clubs in BGC. Sa America lamang ako sanay na pumunta sa ganitong mga lugar samantalang mukhang suking suki yata ang tatlong ito sa mga lugar na ito.

"I'm so excited!" Aez exclaimed. I just shook my head and giggled.

Nang makapasok na kami'y halos mapuno na ang loob ng club. Ang lakas ng patugtog at ang karamihan ay nasa dancefloor, nagpapaka hype sa kakasayaw.

Umorder na kaagad kami ng mga iinumin. Ang inorder nila'y vodka, ako nama'y tequila.

Nagtingin-tingin naman ako sa aking paligid dahil ngangayon lamang ako nakapasok sa ganitong nightclub sa Pilipinas. Hindi rin naman pala ganoong naiiba ang itsura nito sa mga napuntahan ko na sa New York.

"So," sigaw ni Aez dahil halos hindi na namin ang isa't isa dahil sa music. "Ano? May bago na ba?"

I chuckled. Umiling naman ako at napashot ng isa pang tequila.

"Baka naman di pa maka move on," sabat naman ni Ali sabay tingin sa akin at nakangiting parang nang-aasar.

I rolled my eyes. "Girls, ang tagal na no'n. Anim na taon, hindi pa rin ako makakamove on?"

"Bakit kailangang mag move on, kung mahal mo pa?" ani Megan. Napaorder tuloy ulit ako ng isa pang tequila at ininom iyon. Nagtawanan naman na sila.

Maya-maya lamang ay niyaya ako ng tatlong pumunta sa dancefloor. Nung una'y ayoko pa dahil masyadong maraming nagsasayaw ngunit napapayag rin ako ng mga iyon kinalaunan.

Nagkahiwa-hiwalay na kaming tatlo nang makapunta sa dancefloor. Ako ngayo'y nasa may parteng gilid samantalang nakita ko naman si Aezon na nagsasayaw na sa gitna, pinaliligiran ng mga lalaki.

I chuckled while dancing. He's gone wilder than I thought. Iba rin talaga ang kaibigan kong ito.

Habang nakikisayaw ay napalingon naman ako sa may taas. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may nakitang pamilyar na lalaki. Madilim masyado ang area na iyon ngunit kitang-kita ko ang kaniyang mukha.

He hasn't changed a bit. Ang tanging pinagkaiba lamang ay mas tumangkad siya nang kaunti, at mas lalong nahubog ang kaniyang katawan.

Napatigil naman ako sa pagsasayaw nang magtama ang paningin namin. I don't even know what to feel. Halong saya, lungkot, at sakit ang naramdaman ko sa oras na iyon.

Unti-unti namang namuo ang luha sa aking mga mata habang nakangiti dahil pagkatapos ng ilang taon ay muli kaming nagkita.

He's just looking at me, without any expressions. Makalipas ang ilang segundo ay umalis siya sa kinatatayuan niya. Umalis naman ako sa dancefloor at nilibot ang buong nightclub para hanapin siya.

Ang loob ay nilibot ko at sa dami ng tao ay hindi ko siya mahagilap. I sighed. Lumabas na lamang ako muna saglit at nagpahangin.

Why am I even chasing him? After what I've done to him in the past, I still have the guts to show up?

Akala ko wala na. Akala ko hindi na ako apektado sa nangyari. Anim na taon. Anim na taon na pagkatapos mangyari iyon at hanggang ngayon ay ang sakit sakit pa rin sa pakiramdam sa tuwing makikita ko siya.

Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Napasinghap na lamang ako at pinalis ang aking mga luha. Bigla naman akong nagulat nang may tumawag sa pangalan ko.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon