Maaga akong nagising dahil Monday na naman at kailangan kong pumasok. As for my usual routine, naligo na muna ako bago kumain at nagtoothbrush. Bihis na ako pagkababa ko at deretso na sa pagkain. My breakfast for today is bacon and egg with rice, at syempre, hindi mawawala ang gatas. Salo-salo kaming kumain sa hapag-kainan kasama sina Kuya Kean, Ate Stella, Ate Kayla, si Mama, at si Papa.
"Kaylee," si Mama. "Since 3 o'clock naman ang labas mo ngayon, why don't you come to my clinic after your class and help me there? That way, mahahasa ka na agad at makikita mo na kung paano ang galawan kapag naging doktor ka na."
Mama is a medical doctor while Papa is a med tech. Tulad nga ng sinabi ni Ate Stella sa akin kahapon, our family is a family of doctors, and other professions in line with medicine. Gusto ni Mama na lahat kami ay sumunod sa yapak ng aming pamilya.
But ever since I was young, I've always dreamt of becoming an engineer. Hindi ko alam kung bakit pero mas nage-enjoy ako sa Mathematics kumpara sa Science. I always find Science hard, unlike Mathematics na hindi naman ganoon kahirap para sa akin.
Si Ate Stella naman, med tech na rin katulad ni Papa. She's working at New York for almost 2 years now. Kasama niya roon ang mga iba pa naming pinsan. Ate Kayla is on her 1st year college, taking up medical technology as her pre-med course. On the other hand, Kuya Kean is on his 3rd year college, taking up Civil Engineering.
"But Mama, I don't think Lee likes becoming a doctor in the future." ani Ate Stella. "We've talked about it yesterday, and she told me that she's taking up engineering."
Mama sighed. "I want all of you to become just like your Papa and I. But... if that's your decision, then I guess wala na akong magagawa."
"Sige na po," pagputol ko sa usapan. "I'll be going. Baka po ma-late pa ako sa klase ko."
Tumayo naman ako at nag-ayos na ng sarili at umalis na sa bahay. Sa pagpasok sa eskwelahan, sinanay na kami ng mga magulang namin na magcommute at matutong maging madiskarte sa buhay.
Pagpasok ko sa classroom ay bumungad na sa akin ang mga balloons na nakalutang sa may kisame sabay bati at sigawan ng mga kaklase ko ng "Belated Happy Birthday Kaylee!"
Lumapit naman si Ethan na may dalang isang bouquet ng bulaklak at iniabot ito sa akin.
Ethan Dominic Alfonso has been courting me for a year now. He started courting me when we were in the 9th grade at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa panliligaw sa akin.
"Thank you," sabi ko sa kaniya sabay baling sa lahat. "You guys don't have to do this, though."
Lumapit naman sa akin ang mga kaibigan ko at niyakap ako. "Ano ka ba naman, Lee! Syempre 16 ka na so it's just natural na ipagcelebrate ang sweet 16 mo!"
"Ewan ko sa inyo," biro ko sa kanila. Ang lahat ay nagkakasiyahan samantalang si Aliana naman, isa sa mga tropa ko, busy-ng busy sa pagc-cellphone niya at pangiti ngiti pa sa cellphone niya. Kainis!
I cleared my throat. "Hoy Aliana! Nakakapagselos ha! Sino ba yang ka chat mo na mas mahalaga pa sa akin ha?"
Napatigil naman si Aliana at bumaling sa akin. "Hindi ko madidisconnect 'to! Ang saya niya kaya kausap!"
"Hay nako Lee, hayaan mo na yan," ani Megan. "Uso kasi 'yang site na 'yan ngayon. Ewan ko ba!"
Sumabat naman sa usapan si Aez, ang tropa naming bakla. "Huwag nga ako Megan Josefin! Parang kaninang umaga lang tuwang tuwa ka rin kasi nakatiempo ka ng gwapo!"
I chuckled. Alam ko rin kasing puro gwapo ang hanap ng kaibigan kong ito. Patuloy lang akong nakikinig sa usapan nila.
Megan groaned. "Okay, fine!" Sabay baling sa akin. "But you should try it too, Lee!"
"Ano ba kasi 'yan?" kuryoso kong tanong.
"It's Omegle siz,"ani Aez. "It's a website wherein you can talk to strangers. May mga different tags na pwede mong ilagay doon. For example, gusto mo ng taga Mapua, taga La Salle, or Philippines or kahit saan."
My eyebrows furrowed. "You know I don't like talking to strangers. Besides, hindi natin kilala kung sino 'yang mga nakakausap natin. Baka mamaya, ibigay natin mga infos natin tapos mga mandurukot pala!"
"Shunga! Syempre hindi naman natin ibibigay ang mga infos natin jusko! We're aware of that naman," ani Aez. I rolled my eyes.
"Tama na nga girls," ani Aliana. "Bakit pa nga ba kailangan ni Kaylee ng omegle na 'yan, eh may Ethan naman na siya!"
Kita ko namang nakatingin sa banda namin si Ethan na nakangiti ngayon tila kinikilig. He's cute, but I'm not really into boys like him.
"Ay, true!" pagsang-ayon naman ni Aez. I rolled my eyes and slightly shook my head. Ngumiti na lamang ako nang pilit.
Dumating naman na si Ms. Tuazon, ang adviser namin at dumeretso na kami sa mga upuan namin. Naroroon na ang teacher namin, patuloy pa rin sa pagtipa sa cellphone si Aliana. Bumulong ako at sinaway ang kaibigan.
Hindi naman masyadong mahirap ang mga lessons ngayon. Maaaring hindi ko lang ramdam dahil Mathematics, Filipino, at TLE lang naman ang mga subjects namin sa araw na ito. Hindi kasi ako nahihirapan sa mga ito kaya kahit anong daming assessments at assignments ang ipagawa ay hindi naman ganoon kahirap para sa akin na tapusin ang mga ito.
Maaga akong nakauwi sa bahay at nadatnan ko na si Mama doon.
"Hindi ka nakapunta sa clinic kanina, bukas ka na lang pumunta."
Tumango na lamang ako at pumasok na sa kwarto ko.
Iginugol ko na ang oras ko sa pag-aaral pagkauwi ko. Pagka-check ko sa phone ko, ang daming messages sa group chat namin sa messenger.
Megan:
Look people! He's so handsome, isn't he? Waaaaahh!I sighed. Wala na bang ibang topic, bukod sa mga gwapo?
Ako:
Let me guess... from Omegle, right?Aez(the bakla):
Sinabi mo pa! Omg he's gwapo nga!Ako:
Mag-aral na lang kayo. Have you finished our homework?Megan:
Ang KJ mo! I-try mo na kasi! It's fun!Siguro busy si Ali girl sa kaka omegle niya. Hahahahaha!
Hindi na ako nagreply. Ang mga lumalabas sa stories ng mga finafollow ko sa IG, mga omegle. When I browsed my Facebook's news feed, omegle pa rin.
Ano ba 'tong omegle na 'to?

BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...