ika-38

46 7 0
                                    

Maaga naman dapat akong aalis kina MJ pabalik ng Batangas. Kaso nga lang, hinarangan ako ni Aaron at ayaw niya na hindi ako kakain ng almusal sa kanila.

"Please Tita, eat here," he said while pouting. How could I even resist this cutie little baby?

"Oo nga naman, Kaylee," sabi ni Kuya Robi. "Makapag kuwentuhan naman tayo. Ang tagal tagal mo nang hindi pumupunta rito eh. Mga anim na taon lang naman."

Aaron grabbed my hand and still pouting. May pa-beautiful eyes pang ginagawa ang batang ito. I chuckled and simply nodded.

"Alright."

Nang kami naman ay nasa hapag-kainan na, nagdasal muna kami bago kumuha ng nga sari-sariling pagkain. Nagulat naman ako nang nilagyan ako ni MJ ng isang piraso ng fried chicken sa plato ko.

Tinignan lamang kami nina Kuya Robi at nung asawa niya habang nakangiting tila kinikilig sa nasilayan. Lumapit naman ako kay MJ para may ibulong.

"You don't have to do this, I can get a piece of fried chicken on my own," I whispered. Tumingin lamang siya sa akin sabay kindat.

Kuya Robi was giggling. Napatingin naman ako sa kaniya at bumaling na lamang muli sa pagkain. Sumubo naman ako nang isang kutsarang kanin.

"Oh Aaron," tawag ni Kuya Robi. "Kamusta naman ang tulog mo kasama si Tito MJ at Tita Kaylee?"

Nabilaukan naman ako sa sinabi. Bigla naman iyong ikinagulat ni Kuya Robi at Ate Ralene. Binigyan naman ako ng tubig kaagad ni MJ at uminom naman ako noon.

"Okay ka lang, Kaylee?!" nag-aalalang tanong ni Tita Yna. I smiled and nodded, kahit may kaunti pa ring samid sa aking lalamunan.

"Fine, Papa," sabi ni Aaron. "It's fun to sleep with them! But it's more fun if I'm not going to meddle with their sleeping."

Kay bata bata pa ng lalaking ito pero ang dami nang alam sa mga bagay-bagay! Napatawa naman doon si MJ sabay baling sa akin. Matalim ko naman siyang tinignan kaya pinigilan na niya ang kaniyang tawa.

"That's a good idea, Aaron," sabi ni MJ. "Minsan kasi, dapat kami muna ni Tita Kaylee mo--"

Hinampas ko naman ang braso ni MJ at sinimangutan siya. Bumaling naman ako kay Aaron at ngumiti.

"No, Aaron. You can sleep with us whenever you want!" sabi ko sabay bumaling kay MJ na ngayo'y dismayado naman sa aking sinabi. Napatawa na lamang ang mag-asawa at gayon na rin si Tita Yna.

Pagkatapos naman namin kumain ay nagpaalam na ako para umalis at umuwi muna ng Batangas.

"Ihahatid ka na ni MJ," sabi ni Tita Yna. Bumaling naman ako kay MJ na tumatango-tango na rin sa akin. Umiling naman ako at ngumiti.

"Hindi na po--"

"Umuulan, Kaylee," striktong sinabi ni MJ sa akin. "Ihahatid na kita pabalik sa inyo. Kung ayaw mo nang may makakakita sa akin--"

"H-Hindi naman sa ganoon," sabi ko. "I'm just worried that you still have to drive me home. Umuulan at baka matraffic ka pa."

Patuloy pa ring umiiling si MJ. Lumapit na sa amin si Tita Yna at hinawakan ako sa balikat ko.

"Hayaan mo nang ihatid ka ni MJ, anak." aniya. "Dala naman niya ang sasakyan at baka hindi ka kaagad makasakay."

Gusto ko pa sanang pumatol ngunit wala na akong magagawa. Mas okay rin naman kung maaga akong makakauwi sa bahay, mas makakasama ko pa ang pamilya ko.

MJ suddenly grabbed my waist. Ikinagulat ko naman iyon at napatingin ako sa kaniya nang may pagkagulat.

"Uuna na po kami, Mama," sabi ni MJ. Tumango naman si Tita Yna. Bago naman kami umalis ay nagmano muna ako sa kaniya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon