ika-8

51 7 0
                                    

"OMG! Grade 11 na tayo next school year! I can't wait to transfer to Adamson University!" excited na excited na sinabi ni Aez. Muntik na akong mabilaukan sa sinabi. Hindi ako nainformed ah!

"A-Adamson?!" gulat na gulat kong tanong. Aezon's eyebrows furrowed and slowly nodded.

"Yup. Didn't I tell you dati?"

"Hindi naman natin masyadong pinag-uusapan ang mga bagay na ganan," ani Megan. "Puro gala lang naman nasa isip natin eh."

Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ako. Matutuwa ba ako, o maiinis?

Eh bakit naman ako maiinis? Close ba kami? Ni hindi nga kami magkakilala eh!

"Huy Kaylee!" sabay batok sa akin ni Aez. "Okay ka lang ba? Gulat na gulat lang? May kakilala ka ba doon at ganyan ka makareact?" 

"H-huh? W-wala naman..."

Sabay-sabay na kaming umakyat papuntang classroom pero pinauna ko na sila dahil dadaan pa ako sa Grade Moderator's office para magsubmit ng attendance sheet dahil may drafting class kami kanina.

 Pagpasok ko naman sa office, nandoon din si Ethan at nagulat naman siya nang nakita ako. I smiled at him. 

"Ano po 'yun?" tanong nung sekretarya sa akin.

"Uh... magpapasa lang po ako ng attendance," tugon ko. Tumango naman ang babae at inabot ang papel na hawak ko. 

Bumaling naman ako kay Ethan. "Sabay na tayong bumalik ng classroom?"

"M-mauna ka na," aniya. "Kakausapin ko pa si Sir Dela Fuente."

Tumango naman ako at aalis na sana nang tinawag ako ni Ethan. Nilingon ko naman siya at nagtaas ako ng kilay.

"Uh... Kaylee! uhm... pwede ba tayong lumabas mamaya?"

"Uh... check ko kung pwede ako mamaya." Tumango naman siya at umalis na ako nang tuluyan at bumalik na sa classroom. 

Dalawang subjects pa ang tatapusin bago mag dismissal. 2 pm pa ang sunod naming klase at 1:45 pm pa lamang ngayon kaya naman ni-check ko ang cellphone ko. Nakita ko na may message na naman si @mjramirez_ sa akin. Hindi ko muna iyon tinignan at ni-stalk ko siya sa Facebook. Nagpalit na siya ng profile picture niya, at tinignan ko naman ang comments doon dahil may 8 comments doon.

Ang daming nagcocomment ng "Ang pogi mo!" sa dp niya. Well, he's more gwapo in his new profile pic compared to his profile picture when I stalked him last time.

Bigla naman akong napukaw ng isang comment noon. Tropa niya siguro ang nagcomment nito.

Yuan Tenorio

      Ito nga pala sinayang mo... mention ko na ba pre? HAHAHAH

Nagreply naman sa comment na iyon si MJ.

MJ Ramirez

    Gago ka HAHAHAHAH

So he has a girlfriend?

No. He HAD  a girlfriend. Siguro girlfriend niya nang block sa'kin. Kapal din ng mukha 'no! Sana hindi na lang siya nag omegle. Tapos ako naman ichachat niya ngayon dahil break na sila ng girlfriend niya! Ha! Nung nagkausap kami sa omegle, may pa banat banat pa siyang nalalaman, taken naman na pala!

Ni-check ko naman DM ko sa Instagram.  

@mjramirez_ :

   oy

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon