2nd day na ng examination at kalmado na akong kumuha ng exam. Mathematics at Social Studies na kasi ang subjects namin ngayon. Bukas naman ay English at sa hapon naman ay MAPEH, dahil may practical kami sa social dancing.
Maaga na lamang ulit akong gumising para makapagprepare. Binuksan ko naman ang IG ko at chineck kung may message ba doon si MJ.
@mjramirez_ :
Good morning, goodluck sa exams mo :)I smiled and replied immediately to his message.
Ako:
Good morning, too. Thanks! :)I ate my breakfast first before taking a bath. Nakita ko kasi sa social media na hindi raw maganda ang naliligo kaagad nang walang laman ang tiyan.
"Your Papa and I will go to States muna," sabi ni Mama sa aming lahat habang nasa hapag kainan. "We'll be staying there for a week or so. May kailangan lamang kaming asikasuhin doon."
Tumango naman kaming lahat. Naalala ko bigla, makikipagkita pa nga pala ako kay MJ sa Sabado.
"Uhm... Ma, Pa," panimula ko. "Can I go to Manila on Saturday? May pupuntahan lang po ako."
"Actually, our flight will be on Saturday," paliwanag ni Mama. "10 am pa ang flight namin so kung gusto ninyo, doon muna kayo mag-stay."
Tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Bigla namang nagsalita si Papa.
"Ano bang pupuntahan mo sa Maynila, anak?" tanong ni Papa. Hindi naman agad ako nakasagot agad.
"Ah...eh... magtitingin po ng b-bag," palusot ko. They don't even know MJ. Baka hindi pa ako payagan. Sayang naman kung hindi matutuloy ang napag-usapan namin.
"Didn't know you like buying new bags, huh," ani Ate Kayla. "You're starting to be like me, bunso."
I rolled my eyes. "Baka lang kasi may makita akong maganda, bibilhin ko."
"Yes," sabat ni Mama. "You should reward yourself because I notice that you have been doing well. By the way, how's your exams?"
"Okay naman po," I said nonchalantly.
"Science subject ninyo kahapon hindi ba?" tanong pa niya. "Kamusta naman?"
I smiled at her. "It was easy, Ma."
"Good."
Hindi rin nagtagal ay naligo na ako at nag-ayos na para maagang makapasok sa school. Hinatid na ulit ako ni Kuya dahil parehas lang naman ang direksyon ng pupuntahan namin.
"Kinakabahan na talaga ako para sa Math," ani Aez. "I should get higher grades by now. Jusko! Ngayon lang ako natense ng ganito!"
I chuckled and patted his shoulder. "I know you can do it. I believe in you."
Nagsimula na ang test at hindi naman ako nahirapan masyado dahil napag-aralan ko naman ito nang maige. Medyo komplikado ang mga tanong at kinakailangan talaga ng analyzation.
Dahil kinakailangan ng kumpletong solution sa papel, natapos ko ang exam sa Math kung kelan limang minuto na lamang at magt-time na. Napatingin naman ako kay Aezon na nakalingon sa akin at hindi maganda ang ekspresyon ng mukha.
"Laban lang!" I muttered. He nodded and got back to his work.
I sighed. Ano na kayang ginagawa ni MJ sa oras na ito?
"Okay, pass your papers," utos ni Ms. Tuazon. "Please attach the paper used for computation."
As usual, meron na ulit kaming 20-minute break at iginugol ko na lamang ang oras ko sa pagrereview para sa Soc. Stud. Ganoon na rin ang ginawa ng tatlo.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...