ika-34

35 7 0
                                    

Masyadong stressful ang aking mga sumunod na araw sa opisina. Hindi ko alam kung ito'y dahil lamang sa ako'y baguhan pa at marami pang kailangang adjustments na gagawin or baka naman nat-tense lang talaga ako lagi kapag nariyan si MJ.

Napabuntong hininga na lamang ako habang ginagawa ang trabaho ko sa loob ng opisina. Napatingin naman ako bigla kay MJ na nasa labas ngayon, kausap si Trixie.

Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. What could they be possibly talking about?

Why does it even matter to you, Kaylee? Magsyota sila kaya wala ka na doon! As if may papel ka pa sa buhay ni MJ, ng lalaking sinaktan mo at iniwan mo.

Napatingin naman sa akin bigla si MJ kaya ako'y biglang bumaling sa aking ginagawa. Nagkunwari akong nagbabasa na ng aking iginuhit.

Nang napatingin akong muli sa labas ay wala na sila roon. I sighed. Bigla namang nag-ring ang aking cellphone at nakitang si Megan ang tumatawag.

"Hello?" bungad ko.

"Hi!" aniya. "Wanna party later? Nakausap ko na si Aez at Ali. G daw naman sila. Ikaw ba?"

"Hmmm," tinignan ko naman ang schedule ko. "Wala naman na akong masyadong gagawin so... why not?"

Bigla namang may kumatok at si MJ pala iyon.

"S-Sige na Meg, I'll just talk to you later."

Ibinaba ko naman na at hinarap si MJ. "What is it?"

"Are you free tonight? Let's go out," sabi niya na siyang ikinagulat ko. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"H-Ha?"

"Pag-uusapan 'yong tungkol sa designs."

"Oh! R-Right," ano ka ba naman Kaylee? Bawas-bawasan mo nga 'yang pagiging assumera mo! Hindi nakakatulong, eh.

"W-Wala naman akong masyadong gagawin... kaso..."

"Kaso?"

"Niyaya ako ni Megan mamaya. Hang out with friends..."

"Can't you cancel it? This is much more important than hanging out with your friends," he said coldly. Mabilis naman akong tumango at kinuha ang cellphone ko.

Bago ko naman i-dial ang number ni Megan, napakunot naman ang noo ko. Wala naman akong masyadong ginagawa ngayon kaya pwede namang ngayon na lang.

Right.

"Uhm... we can just talk about it now," sabi ko. "I don't have things to do anymore."

"Mas ayos kung sa labas na lang--"

"Don't you need rest?" putol ko. "I m-mean... Kung pag-uusapan natin ang tungkol doon ngayon, makakapagpahinga ka na sa bahay at hindi na natin kailangang lumabas. Moreover, you can spend time with your girlfriend!"

"I'm going to spend time with my girlfriend," aniya. "Sa labas."

"Exactly!" I exclaimed. "Imbes na may oras na kayo sa isa't isa, kailangan mo pa akong kausapin regarding your designs. Besides, this is still part of work. We can just do it here. Ang trabaho, dapat sa loob ng opisina ginagawa, hindi sa labas."

He sighed. "Whatever you want, then."

He stayed inside my office for a couple of hours. Maya't maya na lamang akong uminom nang uminom ng tubig dahil nagiging abnormal na naman ako. Lalo na ang puso ko sa tuwing lalapit siya sa akin.

"Ano pang ideas mo, Engineer?" he asked.

How could he be this sexy while saying that?

Nababaliw ka na talaga, Kaylee Averine!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon