ika-5

60 7 2
                                    

  Sa condo na kaming lahat nagpalipas ng gabi. Sobrang boring ng hapon ko, lalo na't wala namang masyadong gamit dito at nasa Batangas din ang mga musical instruments ko. Sawa na rin ako sa kaka scroll ng News Feed ko sa FB, sawa na akong makakita ng stories sa IG, at unti-unti na rin akong nagsasawa sa kakatweet sa Twitter. 

Lilee. @averinezaragosa 

          bored. 

Nakapag reply naman kaagad si Aez sa tweet ko makalipas ang 2 minuto. Ang bilis ha.

beautiful!!! @aezonlovesmen replied:

      Omegle na 'yan!

Lilee. @averinezaragosa 

     Sira. hahahaha!

Well, wala naman ngang mawawala sa akin kung gagawin ko 'yon. Baka doon ko pa mahanap ang "the one"  para sa akin, 'diba? Char. Binuksan ko naman ang Safari ko at nilagay ang site na iyon. Interests ko? La Salle pa rin. Baka mamaya, makausap ko pa don mga kaibigan ko, mukhang masaya 'yon. 

You both like La Salle.

Stranger:   hey

Ako: Hi, asl?

Stranger: F, 20. Around Manila lang. Ikaw po? hihi

  Naku, babae naman ih! 'Di bale na, disconnect ko na lang 'to siguro.

Ako: Sorry po, 'di tayo talo eh. :)

You have disconnected. 

 Bigla namang pumasok si Ate Kayla sa kwarto, na dahilan ng pagkagulat ko. "You want some snacks?"Ngumiti naman ako at simpleng tumango. Bigla namang tumawa si Ate sa akin. "Kuha ka ng sa'yo."

I rolled my eyes and sighed deeply. Umupo naman si Ate Kayla sa may dulo ng kama at dumungaw sa cellphone ko. "Ano ba 'yang ginagawa mo?"

"Nothing, Ate," iyon na lamang ang tangi kong nasabi. "Pumunta ka na roon." 

"Pinagtatabuyan mo ba ako dito?" tanong niya. "Patingin nga niyan! Baka mamaya may ginagawa ka nang kababalaghan diyan ha!"

"Of course not!" I exclaimed. "Igagaya mo pa ako sa'yo." Tumawa naman kaming dalawa sa sinabi ko. 

Lumabas naman kami saglit nina Kuya Kean at Ate Kayla papunta sa may pool area dahil gusto raw ni Ate Kayla magswimming nang saglit. Alam ninyo naman itong ate kong 'to, ang daming arte sa buhay. 

"Hindi ka magdadala ng swimsuit, Lee?" tanong ni Mama. 

"Hindi na po," sabi ko. "Wala rin naman po akong planong magswimming."

Pagkarating namin sa baba, wala namang gasinong tao sa may pool area. 6:30 na rin naman ng hapon kaya baka nasa nagpapahinga na ang mga naninirahan sa condo, or baka hindi pa nakakalabas sa kani-kanilang mga trabaho. 

"Come on, Lee!" anyaya ni Ate. "It's fun! Tayo lang ang makakasakop ng buong pool!"

Umiling na lamang ako at ngumiti. "It's fine. Mag-enjoy ka lang dyan."

Tatayo na sana ako nang bigla akong hinila ni Kuya sa binti ko, dahilan para mahulog ako sa pool. I wasn't even prepared!

"AAAAA!" I screamed. Pagbagsak ko sa pool ay pinagtawanan ako ng magagaling kong mga kapatid. 

"What the hell were you thinking, Kuya?!" sigaw ngunit pabirong tugon ko. 

"Bored ka diba?" aniya. "Let's race!"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon