The following weeks and days were so nice. Pagkagising ko sa umaga, nakasanayan ko nang magg-good morning kay MJ, at ganoon din siya. Alam na ng lahat kung ano ang namamagitan sa aming dalawa, at mukhang masaya naman sila.
Pwera na nga lang kay Mama.
Hanggang ngayon, mas ipinipilit niya pa ring si Mariott ang para sa akin. Hindi ko na lamang siya tinututulan at mas pinipili ko na lamang na tumahimik dahil alam ko namang sa tuwing iyon ang usapan naming dalawa ay palagi akong talo.
"Congrats, girl!" masayang sabi ng tatlo kong mga kaibigan nang magkakita-kita kami.
I smiled. "Thanks, girls. This deserves a celebration!"
Dahil ngangayon lamang ulit kami nagkasama-sama nang ganito, mas naging matagal at mas masaya pa ang pagb-bonding namin kasama ang isa't isa.
Medyo nasanay na rin kasi kami na magkakahiwalay simula noong nag senior high na kami, at mas masaya kapag once a week lang kayo nagkakasama, dahil maraming chika.
Mabilis tumakbo ang oras sa araw na ito, at masasabi ko namang nasulit ko ang buong araw kasama ang aking mga kaibigan. Next week naman ay magq-quarterly exam na kaming muli sa 2nd sem.
Pagkauwi ko naman sa bahay, naroroon na sina Mama at Papa. Medyo pagod din ako ngayon kaya mas pinili ko namang magpahinga muna sa taas.
Pagkatapos na pagkatapos ko namang magpalit ng damit ay tumawag na ako kay MJ.
"Hi," bungad ko. "Kamusta ka?"
"Tired," aniya. "Ang daming pinapagawa ngayong araw. Buti na lang at tumawag ka. Nakakapag pahinga ako."
I got worried about him. The way he speaks really shows that he is really tired.
"Go get some rest," sabi ko. "Don't push yourself too hard."
"Okay naman na ako, nakakapagpahinga na ako--"
"Pero hindi iyon sapat!" sabat ko. "Kailangan mong magpahinga."
"Ikaw ang pahinga ko, Kaylee."
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi. "But still, you need rest. Hindi sapat na ako lang ang pahinga mo kesyo ganto kesyo ganiyan, matulog ka muna or basta magrelax ka lang diyan."
"Ikaw lang, sapat na." banat pa niya. He wasn't even laughing or chuckling. Mukhang seryoso siya ngayon ah.
"Kahit konting oras pa please, gustong gusto ko lang marinig ang boses mo," aniya. "I miss you so much."
"I-I miss you too..."
At dahil nagrequest siya na mag-usap pa kami, nagtagal naman kami sa pag-uusap sa telepono. Naputol na lamang din iyon dahil inantok na ako at maging siya ay tutulog na rin.
Kinabukasan naman, habang nasa hapag kainan ay umimik si Papa.
"Kaylee," aniya. "Kailan mo iimbitahin ulit ang nobyo mo?"
"Depende po sa inyo," I said nonchalantly. "Kelan niyo po ba gusto papuntahin dito?"
Papa smiled. "Aba, pwedeng ngayong darating na Sabado!"
I chuckled. "Sige po, sasabihin ko sa kaniya."
Wala pa ring imik si Mama sa tuwing mapapag-usapan namin si MJ. Hindi ko na lamang siya inintindi at nagpatuloy na lamang sa pagkain para makapag handa na sa pagpasok ko ngayong araw.
Pagkatapos naman pumasok ay may dinaanan lamang akong saglit sa office ni Sir Agustin at dumeretso na sa pag-uwi.
"Gusto ka raw papuntahin ni Papa dito sa Sabado," masigla kong sinabi. "Botong boto sa'yo eh."

BINABASA MO ANG
Still Into You
JugendliteraturOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...