ika-25

31 6 0
                                    

Kung ano ang nangyari kagabi, pilit ko na lamang kakalimutang hindi na nangyari iyon. At para kay MJ naman, mas pinili ko na lamang na hindi sabihin, para hindi na siya masyadong mag-isip pa ng kung ano-ano.

Hindi pa rin ako ganoong kinakausap ni Mama. She seems to be that mad at me. Is it my fault that she immediately belueved the false rumors spreading on social media?

Dumating naman ang Sabado at tulad nga ng nakasanayan, lagi kaming nagkikita ni MJ at bumibisita naman ako sa kanila. Tuwang tuwa naman palagi si Tita Yna kapag pumupunta ako sa kanila at pinaghahandaan naman kami ng pagkain.

"You don't have to do these po Tita," nag-aalala ko namang sinabi.

"Ano ka ba naman, Hija?" tugon niya. "It's just normal to do this. Bisita ka rito, kaya kailangan kong maghanda para sa'yo."

"Hayaan mo na," sabi sa akin ni MJ habang naka-akbay sa akin. "Gano'n talaga siya sa lahat ng bisita."

Tumango na lamang ako at hinayaan na lamang na tumakbo ang oras. Sa ilang sandali naman na kami'y magkasama ay sadyang napakabilis ng oras.

Sana kapag kasama ko na siya, lagi na lang munang tumigil ang pag-ikot ng mundo, nang sa gayon ay makasama ko pa siya nang mas matagal.

Sa ilang buwan na lumipas pa ay ganoon ang sistema namin. We're really doing good in our academics for the past months even though we're together.

Hindi naman na ganoong napapag-usapan ang pamilyang del Rosario sa amin. Minsan na lamang, at si Mama lagi ang nago-open noon sa usapan.

"You should go out sometimes too, Kean," sabi ni Mama kay Kuya. Tumatango-tango lamang naman si Kuya at patuloy na ginagawa ang pagguhit ng para yata sa kaniyang pinagi-intern-an.

"Go out with Mariott and your friends," dagdag pa niya.

"Matagal tagal ko na ring hindi nakikita ang batang iyon. You should tell him to come over sometimes! Ikaw na Kaylee ang kumausap."

"Why me?" iritado kong tanong kay Mama. "Si kuya naman po 'yong tropa, hindi ako."

"Still, I'm hoping that we can make ammends with him! Napahiya tayo noon, kaya aayusin natin 'yon ngayon!"  She exclaimed.

I just sighed and rolled my eyes. Ilang embarrassment pa kaya ang mangyayari bago mapagtanto ni Mama na ayoko nga kay Mariott at hindi talaga kami meant to be?

Isang linggo naman na ulit ang lumipas, at napapaisip naman ako ng solusyon para tigilan na ni Mama ang kahibangan niya.

Should I tell her that I already have a boyfriend?

Should I introduce MJ to my family?

Of course, Kaylee! Hindi ka nga kinakahiya ni MJ sa pamilya niya, ikaw pa kaya? Kayang kaya mo rin siya ipakilala sa pamilya mo!

Mabilis naman akong nagtext kay MJ.

Ako:
    Can we meet?

Hindi naman nagtagal ay nakapag reply kaagad si MJ sa message ko.

MJ:
    Oo naman. Ikaw pa! Saan ba?

Ako:
     Dito sa Lipa. Ipapakilala na kita sa kanila. Ngayon din.

Nagpaalam naman ako kina Mama at Papa na may pupuntahan lamang akong madali at pumayag sila. Sa pagkakaalam ko naman, walang bisitang darating ngayon.

Naghintay naman ako sa may Mcdo sa tapat ng La Salle dahil pwede roon magbaba ng pasahero ang bus. Maya-maya lamang ay bumaba na si MJ at sinalubong ko na siya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon