"Come on, Kaylee!" Eula, my classmate said. Tumango na lamang ako at ngumiti. "Let's have some fun!"
"I still have a lot of things to do," sabi ko. "I'll just catch up next time."
Kitang kita naman ang pagkadismaya sa mukha ni Eula na ngayo'y kasama na ang iba pa naming kaibigan. Nauna na silang umalis kaysa sa akin.
Nakakamiss rin ang Pilipinas. Lagi lamang kaming nagkakausap nina Aez, Megan, at Ali sa phone. Gustong gusto ko nang makasama silang muli.
Mabilis ko namang inayos ang gamit ko at aalis na. May dinaanan lamang akong saglit sa office at may ipinasa.
Sa paglalakad ko palabas ng gate ng school ko'y nagulat ako nang makitang nakatayo roon si Mariott.
"Hey," sigaw ni Mariott. Ngumiti naman ako at lumakad papalapit sa kaniya.
"Oh, Mariott!" sabi ko. "Kailan ka pa rito?"
Mariott chuckled. "Kahapon lang. Hindi na ako nakapunta sa bahay ninyo dahil masyadong busy sa pag-aayos ng gamit."
Tumango naman ako. May dala pala siyang kotse at pinagbuksan naman ako ng pinto at sumakay na ako roon.
Mariott for the past 6 years has been visiting us every year. Nasanay na rin ako at mas naging close na rin kami sa isa't isa. He's nicer than I thought.
Tanda ko noon, I've always been rude to him. Ni kahit pakikipag-usap lamang ay hindi ko siya nagagawang pansinin. Naiinis din ako kapag lagi siyang nasa tabi ko. But as time goes by, natuto rin akong makisalamuha sa kaniya.
"Hi Kaylee," sabi ni Mariott habang ako naman ay nagb-bake ng cupcakes sa kusina. Tuwang tuwa naman si Mama habang nakikitang magkalapit kami.
Hindi ko na lamang siya pinapansin. Nagfocus naman ako sa aking pagb-bake samantalang lagi pa rin akong kinukulit ni Mariott.
"That looks--"
"Could you please stop?!" I shouted at him. Natigil naman siya at pagkabaling ko sa aking bina-bake na cupcakes ay nasunog pala ito. Kaagad ko namang inalis ito at inilapag sa table.
"Kita mo na?!" iritado kong sigaw. "Nasunog tuloy!"
"Kaylee Averine!" Mama's voice echoed. "Stop being rude to Mariott!"
"It's fine po, Tita," sabi ni Mariott. "Mauuna na po muna ako. Mukhang marami pa rin naman pong ipinapagawa si Mommy at Daddy. Sa susunod na lamang po ulit."
Natahimik naman ako bigla. Kita kong sumulyap muna sa akin si Mariott at ako nama'y dismayadong dismayado pa rin.
I suddenly felt guilty. Hindi ko naman itinapon ang mga nasunog na cupcakes at kinain ko na rin lamang iyon noong ako'y nagutom. Hindi naman ganoon kasunog, eh.
Mariott ang his family usually stays here in the U.S. for a month. Since graduate na rin naman siya ay hawak na niya ang oras niya.
Ilang araw naman akong nag-iisip tungkol sa inasal ko kay Mariott noong isang araw. Kung dati'y every other day siya bumibisita rito sa bahay, ngayo'y halos hindi na siya pumupunta.
Ang lakas naman kasing magpa-guilty ng taong 'to.
Nagbihis naman ako kaagad at nagpaalam kina Mama. I must admit, my relationship with Mama has changed ever since that thing happened. Iyong tungkol sa amin.
"Where are you going?" tanong ni Mama.
"I'm just gonna buy something."
Tumango naman siya at ako'y umalis na. Nag-drive naman na ako papunta sa bahay nina Mariott at ilang minuto ay nakarating na rin.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionOmegle.com Talk to Strangers! Paano kung dahil sa website na ito ay matatagpuan mo na ang makakasama mo sa habang buhay? Kaylee Averine C. Zaragosa is a girl from a rich family. A family full of doctors, and med techs. However, she just couldn't see...