ika-18

45 7 0
                                    

Ito na ang araw na hinihintay ko. I bet MJ is already on his way to Lipa. Excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Next week naman ay babalik na rin sina Mama at Papa galing sa States.

Sa SM naman kami naghintay ng mga magkakaibigan. I am now wearing a white Guess t-shirt and denim shorts paired with my black old skool Vans sneakers.

Excited na excited naman sina Megan, Ali, at Aez sa pagdating ni MJ. Daig pa nila ako ah. Eh ako naman 'tong...

"Excited much?" tanong ko. Ngumiti naman sila nang sabay-sabay.

"Akala mo ba ikaw lang ang may iniintay?" tanong ni Ali. "Aba syempre kami din 'no! Alangan namang single lang kame ditong mga third wheel."

"True!" pagsang-ayon ni Megan sa sinabi. "Hindi naman kami papayag na kayo lang ang magkadate."

My eyebrows furrowed. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at tumatawag si MJ sa akin.

"Hello?" bungad ko.

"Hello, kakababa lang namin ng bus," aniya. "Nasaan kayo?"

"Kayo?" naguguluhan kong sinabi. "May kasama ka pa? U-Uh... nandito kami sa may mga ATM Machines. Dito sa may elevator."

"Oh, kita ko na kayo."

Kumaway naman sa amin si MJ. At may tatlo siyang kasamang lalaki! Tumingin naman ako sa tatlo. "Ito pala ang hinihintay ninyo ha."

Ngumiti lamang sila at umiwas ng tingin. Lumapit naman na sa amin ang magkakaibigan nina MJ. I smiles at them.

"Welcome to Lipa, Batangas," I said and smiled at them. Ngumiti naman sila sa akin. Naglahad naman ng kamay ang isa sa kanila.

"You must be Kaylee," aniya. He's quite good-looking too. "I'm Luke. Nice to meet you."

Inabot ko naman ito at ngumiti. "Nice meeting you too."

Masyadong nagtagal ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya naman um-ehem si MJ at pilit na pinaghiwalay ang kamay namin. I looked away.

"Tama na 'yan pre," ani MJ at kitang kita naman na pilit ang ngiti, parang naiirita.

Luke chuckled. "Sobrang possessive naman pre, di ko naman aagawin."

Naglahad pa ang dalawa niyang kasama. Ang isa ay si Paul at ang isa naman ay si Rex.

Nang nagkakila-kilala na kaming lahat ay akala mo'y mga robot ang mga ito at nagpunta na sa kaniya-kaniyang mga id-date daw kuno.

Tuwang tuwa naman ang tatlo at may mga kadate, lalo na si Aez. I chuckled and shook my head while looking at them. MJ cleared his throat. Napatingin naman ako sa kaniya.

"So," sabi ko. "How's our place? First time makapunta dito?"

He smiled and slowly nodded. Ginalaw niya ang kaniyang mga mata at pinagmasdan ang paligid.

"Habang nasa byahe at malapit na kami dito, ramdam ko'y nasa Manila lamang ako," aniya. "Maganda din naman pala dito. Wala lang gasinong mga buildings."

"Yup," tugon ko. "Ano? Let's go?"

Tumango naman siya at nagsimula na kaming pumasok sa loob ng mall. Ang unang napag-usapan ay ang manood ng sine. Napagkaisahan na "The Hows of Us" ng kathniel ang panoorin. Avid fan din kasi ng Kathniel itong tatlo.

I would rather watch kdramas than to watch movies. Sa akin kasi, mas maappreciate ko kung mahaba ang panonoorin ko. But movies of Kathniel are pretty good, too.

Bago kami pumasok ay bumili muna kami ng popcorn. Kaniya-kaniya kaming popcorn kada dalawang tao. Kami ni MJ ang maghahati sa biniling popcorn.

Naupo na kami sa taas at nagsimula nang manood. Hanggang sa nasa kalagitnaan na kami, ay todo iyak pa rin ang mga kasamahan ko sa loob ng sinehan.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon